"Nag-aalala ako sayo dahil gusto kita, Mikey."
Hindi ko alam kung tama ba yung rinig ko, o nag i-ilusyon lang ako. Hindi nga ako makapag salita dahil parang wala rin ako masabi. Pakiramdam ko natuyo na lahat ng laway ko sa bibig pati na rin sa lalamunan.
"Mikey, okay ka lang ba? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo. Favorite mo pa naman yan." Tanong ni Pio sa akin.
Nilutuan kasi ako ni Celine ng Kaldereta para daw mag ka gana ako kumain.
"Isang linggo ka na tuliro. Iniisip mo pa rin ba si Wren?" Tanong niya sa akin.
Umiling naman ako at sumubo. "Hindi, pero naiisip ko si Cassie." Nagulat ata sila sa sinabi ko.
"Huh? Bakit, hindi pa rin ba kayo okay?" Tanong naman ni Celine. Pag katapos kasi sabihin ni Cassie sa akin yun, isang linggo na rin siyang hindi nag paparamdam.
Hindi niya ako minemessage, hindi rin siya bumibisita sa condo. Pero naiintindihan ko naman na busy na rin talaga siya dahil sa training nila.
"Hindi ko alam eh. Parang iniiwasan niya ata ako." Buntong hininga ko.
Nalulungkot lang ako kasi naging close na talaga kaming dalawa. Halos hindi nga kami mapaghiwalay nitong mga nakaraang buwan kaya naninibago ako.
"Hindi ka iniiwasan nun no." Sagot ni Pio sakin.
"May nasabi ba siya sayo?" Tanong ko rito. "Lagi niya akong mine-message. Kinakamusta ka. Teka nga, ano ba kasi nangyari sa inyo? After niyo mag-usap last week di na kayo bigla okay."
Hindi rin kasi ako naka react ng maayos sa sinabi nito sa akin kaya siguro iniiwasan niya ako.
"Mikey, wala ka bang sasabihin?" I've finally snapped out of it at tumingin sa kanya.
"Cassie, hindi ko alam kung tama ba rinig ko, may gusto ka sakin? Seryoso ba?" Hindi kasi ako makapaniwala at naguguluhan talaga ako ngayon.
"Seryoso ako sayo. Gusto kita." Pag diin naman nito sa akin.
"Wait lang, Cassie. Sigurado ka ba?" Halata ko nga sa mukha niya na parang na dismaya siya sa sinabi ko.
"Seryoso ako." Sabi nito. "We're friends, Cassie."
Hindi ito kumibo at lumayo ng onti sa kinatatayuan ko.May sasabihin pa sana ako nang bigla siyang nag salita. "Kailangan ko na umalis. May training pa kami." Tumalikod na siya at dali-daling pumasok sa elevator. Hindi na rin ako nag tangka na habulin siya.
"OMG! Sabi na eh! She likes you! Hindi mag e-effort yun ng ganun kung hindi ka niya gusto." Sambit ni Celine at tili na nga nang tili sa kwento ko.
"Totoo. Hindi yun mag papaka aligaga sayo kung hindi ka niya bet, teh!" Dagdag naman ni Pio.
"So, anong balak mo, Mikey? Diba dati naman nag ka crush ka sa kanya? Malay mo kayo talaga." Pang-aasar ni Pio sa akin.
"Sa ngayon kasi mas importante yung friendship naming dalawa. Nalulungkot nga ako kasi hindi niya ako kinakausap. Sana pag pasok ko bukas makita ko siya." Napa buntong hininga na lang ako.
YOU ARE READING
Marahuyo
FanfictionMarahuyo (adj.) Is a Filipino word that means "to be enchanted".