Chapter 11

245 12 39
                                    

"Today's player of the game is one of the most loved players from the UST Golden Tigresses. She has been called resilient, steadfast, and passionate. It's none other than, Miss Cassie Carballo." She smiled and gave a small wave to the camera.

"Miss Cassie, I am at a loss for words. Wow! You scored a total of 15 points for today's game. How do you feel?" I smiled at her.

"Actually, hindi ko inexpect na maging player of the game. Pero binigay ni Lord sakin kaya sobrang thankful ko talaga. Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong ako sa buong team."

Nakaka proud si Cassie. The whole duration ng game nila she stayed strong for her team and never gave up.

Dikit lang halos score nila with ADMU but the opposing team was leading with 4 points on the last set kaya sobrang kinakabahan talaga kaming lahat kanina. But at the end, the won. And I'm so happy for the whole team. Everyone really gave it their all.

"What was your drive for today's game?" Tinignan nga ako nito at ngumisi na kinakaba ko naman. Ang tagal niyang sumagot kaya medyo natataranta na ako deep inside. But I have to stay calm in front of the cameras. Nakita ko nga rin na tinuturo ako nila Reg.

"Yung eagerness na makapasok kami sa semis. And of course, the whole UST community. Sila rin yung naging driving force naming lahat na mapanalo 'tong game ngayon." She smiled.

"I am sure that you made everyone proud. So before we end this interview, would you like to greet anyone?"

"Hello po sa buong UST community! Thank you po for supporting the whole team. Sa mga coaches po namin gusto ko rin po mag thank you kasi wala naman po kami dito kundi rin dahil sa kanila. And hi po sa family and friends ko in Silay. Thank you po sa love and support niyo sakin and sa buong team. Maraming salamat po!" Ngumiti ito at nag wave sa camera.

"Thank you so much, Miss Cassie! And again, I want to congratulate you for being the player of the game, and of course, to the whole team."

Nag closing spiel na ako after that then nag cut na si Sir Benj at finally, natapos rin yung duty ko ngayon.

"Good job, Mikey! Ang galing mo talaga." Sobrang nakakataba ng puso marinig na nagawa mo ng maayos yung trabaho mo.

"Thank you po, Sir Benj! Pwede na akong gumora?" Natawa nga ito at nag paalam na sa akin. Agad ko naman nilapitan sila Cassie dahil nakatayo pa rin 'to sa gilid.

"Hoy bakla! Ang galing mo ah. Ngayon lang kita up close narinig eh." Sabi ni ate Detdet.

"Eh paano, te, kung saan-saan ka kasi nag pupunta kapag may na iinterview samin si Mikey." Sabi naman ni Reg sa kanya. Bago pa nga lang siya hampasin ni ate pumunta ito sa likod ko at yumakap.

"Ang bango nito ni Mikey!" Pakiramdam ko amoy pawis na ako kasi hindi ako mapakali kanina sa upuan ko at palakad-lakad nga ako sa gilid dahil sa kaba. Nakita ko ngang tinatawanan ako ni Cassie.

"Tama na yan. Magagalit na sayo si Cassie." Pang-aasar ni Mayora. "Ay sorry naman." Pumiglas na nga ito sa akin at tuloy-tuloy pa rin yung pag dadaldal nila ni Bianca. Lumapit na nga sa akin si Cassie at niyakap ako ng mahigpit.

"Congratulations, bebe ko!" Bati ko dito. Bigla nga siyang pumiglas at tinaasan ako ng kilay habang naka ngiti.

"Bebe ko? Talaga?" First time ko siyang tawagin niyan kaya nagtaka siguro. Natawa nga ako sa reaksyon nito.

"Oo, ayaw mo? Bebe ko?" Ngumisi nga ito at bumulong sa akin. "Gusto. Para iyong-iyo lang talaga ako." Kumindat pa nga ito at niyapos ako ulit na tila ba walang bukas.

MarahuyoWhere stories live. Discover now