Chapter 14

259 10 63
                                    

These past few weeks have been nothing but bliss. I really enjoyed me and Cassie's first out of town experience. I honestly can't wait for more trips together in the future.

For now, kailangan ulit bumalik sa realidad. Di pa nga ako ready pumasok ngayon dahil kapag naalala kong last year ko na sa school nalulungkot ako.

Hindi pa nga rin ako makapaniwala na ganun kabilis yung panahon. Ngayon ko nga lang na realize na apat na taon agad yung lumipas. Nag lalakad nga kami nila Pio at Celine papuntang BGPOP para sa first class namin ng biglang may humawak sa kamay ko.

Nagulat nga ako at muntikan pang tumili. "Hi, Cassie!" Pag bati nung dalawa dito. "Hi! Hatid ko na kayo sa klase." Sabi naman nito.

Hindi na nga umangal yung dalawa at nag patuloy lang sa pag lalakad. Knowing Pio, alam ko pag nasa mood siya mang-aasar yan. Pero siguro ngayon pare-parehas kami ng nararamdaman. Last school year na rin kasi namin kaya siguro halo-halo na yung emosyon.

"Tapos na training niyo?" Tanong ko nga dito. "Oo. Maaga rin kasi kanina nag umpisa eh. Inaantok pa nga ako." Medyo late na rin kasi siya natulog kagabi dahil hinihintay niya akong matapos kausapin si Mommy.

Pag dating nga sa klase wala pa masyadong tao dahil wala pa ngang 8am. Maaga rin kasi kami dahil may meeting daw si Pio sa org at nag papasama nga sa aming dalawa ni Celine.

"Una na ako, babe. Sabay na lang tayo mag lunch mamaya." Sabi nga nito sa akin.

Hindi pa nga ako nakakasagot biglang lumabas yung kaklase namin na si Bea.

"Omg! Cassie! Pwede bang mag pa picture? Okay lang ba, Mikey?" Tanong nga nito sa akin. Natawa naman ako at pumayag sabi ko ako na lang rin kukuha ng picture nilang dalawa.

After nga mag pa picture nito bakas pa rin sa mukha yung kilig. Well, kahit naman siguro. Maski ako yan kikiligin rin. Natatawa nga si Pio sa kanya at hinampas 'to.

"Aray naman teh!" Sabi nga nito at hinimas yung ulo niya. "Hinay-hinay lang sa kilig, Bea. Ayan yung jowa oh!" Wala naman problema sa akin kasi marami naman talagang humahanga dito.

"Huy, Pio. Okay lang naman. Siraulo ka!" Singhal ko nga dito. "Oh tignan mo na. Ikaw talaga yung OA dito. Ikaw ba girlfriend ni Cassie?" Sambit nga nito sa isa at hanggang makapasok sila ng room nag tatalo pa rin 'to.

Hay nako talaga. Pakiramdam ko sa course namin hindi uso yung tahimik. Lahat matalak.

Pag tingin ko nga kay Cassie nakangiti na agad ito sa akin.

"Anong oras lunch break mo mamaya, babe?" Tanong nito. "Mga 11 pa naman. Ikaw ba?" Tinignan nga niya yung schedule niya sa phone bago ako sagutin dahil hindi pa nga daw niya nasaulo ito.

"Till 10 lang pala ako ngayon tapos wala na akong class after that." Tumungo naman ako dito. "So, saan tayo magkikita?" Tanong ko sa kanya.

Parehas kami ng year pero pakiramdam ko hindi ganun ka bigat yung workload ko unlike sa kanya dahil student athlete nga ito.

Ngayong sem na nga rin yung internship namin kaya alam kong sobrang ma bu-busy na rin ako at bihira na lang kami mag kakasama kaya we're both making the most out of our free schedules.

"Mamaya wala na rin pala akong class, babe. Bakante na yung hapon ko. You want to go somewhere ba?" Nakita ko ngang nakangiti ito agad kaya mukhang alam ko na kung anong gusto gawin nito.

"Labas tayo?" Tanong nga niya sa akin at tumungo lang ako dahil gusto ko yung idea na kumain naman sa ibang lugar. "Kaso kailangan ko makabalik bago mag training sa hapon if that's okay with you."

Oo nga pala, mamaya pala may training pa nga ito. Pero okay lang naman sa akin yun para hindi nga rin ako gabihin sa labas dahil tatapusin ko yung cover letter na pinagagawa sa akin ng prof ko.

MarahuyoWhere stories live. Discover now