Sorry for the late, late update!
Busy ako sa practice namin sa graduation, kaya wala rin akong masyadong time para magsulat.Pinag-iisipan ko pa kung hanggang 50 chapters tayo pero baka lumagpas kaya asahan niyong marami pang magiging happenings sa buhay nilang tatlo!
Maghanda na kayo sa masaklap na paghihiganti ni Adee *evil laugh* charot!
Slow update po tayoo! hanggang Wednesday lang naman tapos paniguradong matatapos din naman siguro ang story na 'to ng madalian.
Enjoy reading!
Don't forget to follow me, vote and comment!
___________________________________
ZILLEX'S POV
Pasulyap sulyap ako sa kanya simula ng makaalis kami. Her face were serious, ni hindi man lang siya magsalita. Mukhang binigay niya na lahat ng baon niyang istoryang sa lalaking ‘yon.
I sighed as my gripped on the steering wheel tightened. Gusto kong mag salita ngunit may kung anong pumipigil sa lalamunan ko upang gawin ‘yon.
Lalo na kapag alam kong naiinis lang siya sa oras na magtanong ako o usisain ang nangyari kanina.
I want to ask so badly. Gusto kong itanong kung sino ang lalaking ‘yon. But I know that I have no right to question her closeness to that guy.
Walang kami.. at pakiramdam ko ay tuluyan ng nawala ang pag-asa kong ‘yon.
Sumikip ang dibdib ko sa kaisipang may iba siyang magugustuhan bukod sa amin. At ang ikasal siya sa ibang lalaki at hindi sa amin ni Dalton.
Takot ako. Sobra akong natatakot dahil nararamdaman kong darating ang araw na kailangan na namin siyang palayain.
Ngunit masakit. Alam kong hindi namin kakayanin. Ngayon pa lang na nakikita ko siyang may makausap na iba at mukha siyang masaya ay dinudurog na ang puso ko. Pano pa kaya kapag tuluyan na siyang makuha ng iba?
Ngunit hindi ko siya masisisi kung sakali. She deserves it. Kailangan niyang makawala mula sa masasakit na ala-alang idinulot namin sa kanya.
“Itanong mo na kung anong gusto mong itanong. Kanina ka pa sumusulyap.” bagot niyang lingon sa akin.
I gulped and sighed again. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala ginagawa ang pagsulyap sa kanya. I don't want her to feel uncomfortable towards me, ngunit dahil sa ginagawa ko alam kong nagsisimula na siyang makaramdam ng ilang.
I cleared my throat as I looked at her. “I-I just want to ask–”
“Zillex!” she suddenly screamed that made me panic.
Malakas akong napamura at mabilis na lumingon sa daan upang iwasan ang sasakyan papalapit. Mariin akong napapikit at tinabi ang sasakyan sa gilid para tingnan si Adee sa gilid ko.
The panic arises on me as I saw her paled face. I cursed loudly and try to touched her but she slapped it away.
“Ano ba?! gusto mo bang magpakamatay?!” she exclaimed.
Napalunok ako at napahilamos ng mukha. Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko sa takot at panlalamig.
“N-No.. I’m sorry..” buntong hininga ko.
The guilt crept to me when I saw how scared she looks. “I’m sorry.. Hindi ko napansin.” muli kong hingi ng paumanhin, gustuhin mang abutin siya para pakalmahin ngunit natatakot ‘ring mareject kalaunan.
“Umuwi na tayo! kung hindi mo kaya, ako nalang magmamaneho.” kalmado man ang boses ngunit bakas pa'rin ang inis dito kaya mas lalo akong napapikit.
I steal a glance at her for the last time and start the engine of the car. Hindi katulad kanina ay mas nag focus na ako, dahil sa takot na baka maulit.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...