Chapter 1 (Let's Cross the Line)

7K 359 61
                                    

CHAPTER 1

"SIR, COFFEE?" she asked after her boss let her in.

"No, I'm good," tugon ng boss niya habang abala ito sa mga dokumentong nasa harapan nito.

Inayos niya ang suot na salamin.

"Okay, Sir. Also, this is your schedule for today. You have a lunch meeting with Mr. Santos. I already booked the restaurant. You have some documents to sign. And Mr. Gomez called early this morning. He wants to go to the site with you. I already scheduled it for you. I know you'll be away again next month so I already fixed your schedule." Seryoso siyang nakatingin sa harap ng hawak niyang tablet.

"Thanks, Ms. Haurine."

Awtomatiko siyang tumingin sa boss niya. Zach Velasquez, the owner and CEO of VOC. Her boss is very attractive, rich, handsome, always calm, humble, and most of all, a very generous boss to his employees.

She is his secretary for years now. Aminado siya na maraming nagkakagusto sa boss niya. Walang duda. Sa guwapo ba naman nito ay talagang mapapalingon ang lahat. Well, except her.

Kaya nga nagtagal siya bilang secretary nito dahil wala siyang gusto sa boss niya. Ilang secretary na rin ang dumaan dito noon at lahat ng iyon ay hindi trabaho ang inaatupag kundi ang pagpapansin sa isang Zach Velasquez para lamang masungkit ng mga ito ang boss niya.

"May kailangan ka pa ba? O may gusto ka pang sabihin?" tanong nito, nag-angat ng tingin sa kaniya.

Napatikhim siya sabay ayos muli sa suot niyang salamin.

"Ahm...your necktie, Sir. I want to fix it but I don't want to touch you, either."

Awtomatikong bumaba ang tingin nito sa suot na necktie at kapagkuwan ay mahinang natawa.

"Thea fixed this early this morning but I ruined it," nakangiting sabi nito.

Lihim naman siyang napangiti. Sa pagbanggit pa lamang nito sa pangalan ng babaeng nilalaman ng puso nito ay kakaibang kislap na ang nakikita niya sa mga mata ng mabait niyang boss.

"I won't fix that then, Sir. Baka masabunutan pa ako ni Ms. Thea," biro niya.

"Trust me, she really likes you," natatawang sabi nito.

Napangiti naman siya. Ms. Thea is kind and very beautiful. Hindi nakakasawang pagmasdan ang angking kagandahan nito. Bagay na bagay talaga ito sa boss niya.

"Don't forget your lunch meeting, Sir. Call me when you need anything. May tatapusin lang ako." Magalang siyang nagpaalam.

Papalabas na siya ng opisina ng boss niya nang bumukas iyon. Sumalubong sa kaniya ang matangkad at matikas na lalaki.

She could smell his very familiar scent. Hindi pa rin nagbabago ang amoy nito. Katulad ng gabing una niya itong nakilala.

It's her stepbrother, Drew.

Ilang segundo itong napatingin sa kaniya hanggang sa sinuyod siya nito ng tingin.

Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito ngayon. O kung ano ang iniisip nito sa kaniya mula nang makita siya na ganito ang suot.

The way she dresses right now, it's very different from the way she dresses back then when they met for the first in a bar.

She is always wearing a long skirt and long sleeve shirt. She's wearing her eyeglasses. She's not wearing any make-ups. Ni wala nga siyang lipstick sa labi. Palagi ring nakapusod ang mahaba niyang buhok.

Ilang taon na ang nakakalipas mula nang malaman nila na stepsiblings silang dalawa. She lived in their house with him after that. And after one month, Drew suddenly moved out. Kaya ilang taon na silang hindi magkasama sa iisang bubong. Paminsan-minsan lang din itong umuuwi sa bahay.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now