Chapter 17 (Still The One)

2.4K 162 15
                                    

CHAPTER 17

HAURINE couldn't sleep. She just keep staring at the ceiling of her own room.

Kahit ilang ulit mo pang sabihin na hindi mo na ako mahal, it's okay. Fuck, it doesn't matter anymore. I will love you will all that I have without holding back this time, Haurine. I won't hold back anymore. Tangina masyado kitang mahal na mahal para lamang isuko kita ng ganoon lamang kadali.

Kanina pa iyon pabalik-balik sa isip niya. At sa tuwing naiisip niya ang mga katagang iyon ay tila may kung anong dumadaloy mula sa puso niya pababa sa tiyan niya. Parang hinahalukay ang tiyan niya na hindi niya maintindihan. Her face feels so hot as well.

Napasabunot siya sa sariling buhok sa sobrang frustration. Bumangon na lamang siya mula sa kama. Kailangan niya ng sariwang hangin. She's only wearing her pajamas and didn't bother to wear her bra. 

Lumabas siya mula sa kuwarto niya at tinungo ang terrace ng bahay habang dala ang isang bote ng wine at wine glass. The terrace of their house is her favorite spot. Maganda at sariwa ang hangin. 

Umupo siya sa upuan at nag-umpisang uminom ng wine. Napakalalim ng iniisip niya na hindi man lamang niya naramdaman ang presensya ni Drew. Kung hindi pa ito umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya ay hindi niya ito mapapansin.

"A penny for your thoughts?" usal nito sabay agaw ng wine glass niya sa kaniya at nilagok ang laman niyon.

Nagbuhos pa itong muli ng wine at muling lumagok.

"I am thinking," tugon niya at kinuha ang wine glass mula rito at siya naman ang uminom.

"That's indirect kiss, love."

Muntik na siyang mabulunan sa naging tawag nito sa kaniya. Kinalma na lamang niya ang sarili at hindi pinahalata na naapektuhan siya niyon.

"It was you who drank on my wine glass. Kumuha ka ng sarili mong wine glass," seryosong sabi niya.

"No. Let's just share your wine glass. That's better and safe," tugon nito.

Kinuotan naman niya ito ng noo.

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.

"It's to stop me from kissing your lips directly, love," he answered while looking straight in her eyes and then his gaze looked down on his lips.

He didn't even bother to hide the desire in his eyes.

Napalunok siya. This man...

He's getting bolder!

"Are you playing with me, Andrew?" mariing tanong niya.

"No, I'm not. I am serious. From now on, every words coming from my mouth are all true, Haurine. Hindi ako nagbibiro. I'm not giving you up. And I am not holding back anymore. Mainis ka man o magalit sa akin, it's okay. I just want to be vocal of my feelings towards you from now on, Haurine," seryosong tugon nito.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa wine glass. Nang hindi siya makapagpigil ay kinuha na niya mismo ang bote ng wine at doon na diretsong lumagok ng alak. 

She saw how Drew smirked. Nang binaba niya ang bote ng wine ay awtomatiko nito iyong kinuha at ito naman ang lumagok doon. Hindi makapaniwalang tiningnan niya na lamang ito. He's not really backing down!

"So, why are you here? It's already 2:00 in the morning, Haurine," usal nito pagkatapos ubusin ang laman ng wine.

Nang hindi siya sumagot ay prente itong sumandal sa kinauupuan habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Is it because you were thinking of me or you were thinking of that man? What's his name again? Oh, Brad, right?" muling usal nito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now