Chapter 16 (I'm Sorry)

4.9K 316 49
                                    

CHAPTER 16

NAPAKURAP si Haurine nang pagtingin niya sa labas ay nakahandusay na sa semento ang mga lalaking nakapalibot kay Drew kanina.

Hindin niya alam kung ilang minuto ba siyang nakapikit lamang kanina dahil ayaw niyang makita ang maaaring mangyari kay Drew. Halos hindi siya makapaniwala. Did Drew do that to them? Halos hindi na makabangon ang pitong lalaki na nanatili lamang nakahandusay sa daan. Sa paningin niya ay tila nabali ang buto ng mga ito.

Nakita niya kung paanong isa-isang hinila ni Drew ang mga ito. Parang balewala lamang dito ang nangyari. Sama-sama nitong tinali ang pitong lalaki.

Ilang sandali lamang ay may dumating na kotse at bumaba mula roon ang matangkad na lalaki na itim lahat ang mga suot. She got worried thinking that the man who just arrived is an enemy. Pero nakahinga rin siya ng maluwag nang nilapitan nito si Drew at tila kalmadong nag-usap ang dalawa.

The man in black automatically looked at her direction. Muli siyang napakurap. Nakita niya itong naglakad patungo sa kaniya.

"Are you okay, Ms. Haurine? Is it okay to open the door of the car?" magalang na tanong nito.

Dahil mukha naman itong mapagkakatiwalaan ay tumango siya. The man opened the door and he carefully checked her if she has wound.

"I guess you're doing fine. No scratch. As expected of Drew," usal nito pagkatapos masigurado na wala siyang sugat.

"Are you...his friend?" she asked.

"I was the one on the phone," tugon nito.

Kumunot ang noo niya.

"I mean, you called me using Drew's phone," patuloy nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

"My name is Jaxon, by the way." Pinakilala nito ang sarili at inalalayan siyang makalabas mula sa kotse.

Nagpasalamat siya rito at kaagad niyang tiningnan si Drew. He is now interrogating those bad guys.

"He...has blood. Baka may tama siya," nag-aalalang sabi niya.

"That won't kill him. Masamang damo 'yan kaya kahit bala ay walang epekto sa kaniya," tugon ni Jaxon.

Napatingin siya rito.

"What do you mean?" she asked, frowning.

"Don't worry about him too much. That man could take down twenty people and more even if he's alone," sabi nito na mas lalo niyang ipinagtaka. "Just be thankful that you weren't harmed. Dahil kung hindi, baka hindi lang gan'yan ang aabutin ng mga 'yan," patuloy nito at tumingin sa gawi ni Drew.

Mukhang maraming alam si Jaxon tungkol kay Drew base pa lamang sa mga salita nito.

"But we'll bring him to the hospital if you're that worried," Jaxon said.

Nag-iwas siya ng tingin.

"I'm...not worried," tanggi niya.

"Okay, then," sabi nito at nagpaalam bago nito muling nilapitan si Drew.

Hindi naman niya mapigilang tingnan si Jaxon habang naglalakad ito. That man seems kind and gentle but his eyes were cold. Parang walang emosyon ang mga mata nito.

"Ako na ang bahala sa kanila. Don't use your car on your way home. Your mother will surely freak out if she sees you. Use my car, instead. And bring her home. She is shock for sure." Iyon ang narining niyang sinabi ni Jaxon kay Drew.

Nilingon siya ni Drew at kapagkuwan ay kinausap muna nito si Jaxon bago ito tuluyang lumapit sa kaniya. Drew automatically held her hand. Hinila siya nito patungo sa kotse na gamit ni Jaxon kanina.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now