Chapter 11 (Confess)

4.4K 270 62
                                    

CHAPTER 11

"DAD."

Haurine automatically held her father's hand as soon as he woke up. Nailipat na ito sa private room kanina lamang.

"How are you feeling? I was so worried." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng sariling ama.

Umangat naman ang kamay nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. Dumating ang doktor ng ama kaya binitawan niya muna ang kamay nito. The doctor is checking her father. Napatingin siya kay Tita pagkapasok pa lamang nito sa pinto.

Kinausap sila ng doktor at napakaraming ibinilin. Tinulungan naman nila ni Tita na makaupo ang daddy niya. Kanina pa titig na titig ang ama niya sa kaniya. Marahil ay napansin nito ang suot niya at ang mukha niya ngayon. She sweetly smiled at her father.

"Hi, dad," mahinang sabi niya sabay halik sa noo nito.

"Haurine..." anas nito.

Masuyo niyang hinaplos ang buhok ng ama.

"How are you feeling?" she asked.

"I'm...fine," he answered as he keeps staring at her.

Inabot nito ang kamay niya at masuyo iyong hinawakan.

"You looked good," mahinang sabi nito.

She stilled and suddenly got teary eyed. This is the first time that her father praised her.

"Thank you, daddy," mahinang sabi niya.

Tumingin naman ito kay Tita at napangiti siya nang naghalikan ang mga ito. Pasimple siyang tumalikod. Nawala ang ngiti niya nang makita si Drew sa hamba ng pinto ng private room na kinaroroonan nila. Naka-krus sa dibdib nito ang mga kamay nito.

Awtomatiko siyang humakbang at nilapitan si Drew.

"I think, it's better not to show yourself first, Drew. Daddy might─"

"Drew." Sabay silang napatingin sa daddy niya na tinawag si Drew.

Nakaramdam siya ng kaba dahil baka kung ano ang mangyari sa ama niya.

"Come here, Drew," sabi ng ama niya kaya natigilan siya.

Her father is calm while looking at Drew. Awtomatiko namang humakbang si Drew at lumapit sa ama niya.

"Come here as well, Haurine," anang ama niya.

Naglakad siya papalapit sa ama. 

"Drew, what you told me. I─"

"Tito, hindi ko babawiin ang sinabi ko. I'm sorry but I am truly in love with your daughter," putol ni Drew sa sasabihin ng ama niya.

"Drew," saway niya.

Hindi ba ito nag-iisip? Halos kagigising lamang ng ama niya!

"I know. Alam kong hindi mo iyon babawiin," seryosong sabi ng ama niya sabay tingin sa kaniya. "Now, I just want to ask my daughter something," anang ama habang diretsong nakatingin sa kaniya. "Drew, I'll let you have my daughter but I want to know her feelings first. I will give my blessing after I hear my daughter's answer," patuloy ng ama niya.

"D-Dad..." anas niya.

"Do you love Drew as well, anak?" Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang ama niya.

That made her stilled.

"Dad, I─"

"Papayagan ko kayong dalawa kung ano ang gusto ninyong gawin at hindi ako makikialam sa mga desisyon ninyo. If you love him, then go to him. But if not..." Tumingin ito kay Drew sa seryosong mukha. "We will stay as family and let's all forget that this happened, Drew. Will that be okay?"

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now