Chapter 9 (No Longer His)

4.4K 317 94
                                    

CHAPTER 9

"HAURINE, WAKE UP."

Mahinang napadaing si Haurine at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. She's still sleepy so she closed her eyes again.

"Wake up. You still have a meeting." Niyugyog siya ng taong gumigising sa kaniya.

"Five minutes, please," she murmured.

Napabuntong-hininga naman ito sabay hila sa kaniya kaya tuluyan na siyang nagmulat ng mga mata at bumangon.

Awtomatiko niyang tiningnan ang oras sa suot na relo.

"I fell asleep. Sorry," sabi niya at tumayo.

Kaagad niyang inayos ang sarili. She just took a nap. Pero mukhang medyo napahaba ang tulog niya.

The man beside her chuckled.

"Alam kong puyat ka dahil sa nangyari kagabi but this is an important meeting. Kung hindi lang importante, hahayaan na lamang kitang matulog hanggang mamaya," sabi nito at awtomatikong inayos ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa mukha niya.

Napangiti siya.

"Thank you, Brad," mahinang sabi niya habang nakatingin sa mukha nito.

Ngumiti rin ito.

"You're beautiful," he said while staring at her face.

"I know. You've been praising me for five years now," natatawang sabi niya.

"Limang taon na ba ang lumipas mula nang magkakilala tayo?" tanong nito, natatawa na rin.

"Yeah. It's been five years," nakangiting sabi niya. "Happy Anniversary, Brad," she greeted.

"Happy Anniversary," nakangiting sabi nito habang nakatitig sa mukha niya. "Let's celebrate tonight. Pahiram muna ng isang gabi mo." Ngumisi ito.

Muli siyang natawa.

"Sure," tugon niya at kaagad na nag retouch.

She put some make-up and lipstick on her lips. Nang matapos ay humarap siya kay Brad.

"How was it? Is my lipstick enough?" she asked.

"Bawasan mo," natatawang sabi nito.

"Do it," natatawang utos niya.

Natatawa namang sinunod siya nito. Binawasan nito ng kaunti ang lipstick niya gamit ang daliri nito.

"There. That should be enough," nakangiting sabi nito nang matapos.

"Thanks." She smiled at him. "Let's go," aniya at nauna nang naglakad.

Sinundan siya ni Brad. Nang makalabas mula sa opisina niya ay kaagad siyang sinalubong ng sekretarya niya.

Habang naglalakad ay binabati siya ng mga nakakasalubong niya. Sa likuran niya ay sina Brad at ang kaniyang sekretarya.

Pumasok siya sa loob ng conference room at inumpisahan na ang meeting. The meeting lasted for almost three hours.

Nang matapos sila ay kaagad siyang inabutan ni Brad ng tubig.

"Drink that," sabi nito pagkatapos buksan ang bottled water.

"Thanks." Kaagad niya iyong inabot at ininom.

After drinking the water, Brad automatically wiped her lips using a handkerchief.

Natigilan siya nang mapansin na sa kanila lahat nakatingin ang ka-meeting niya. Even her secretary is smiling while looking at her and Brad.

"What?" Tumaas ang kilay niya.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now