Chapter 4 (Bitter Taste)

4.6K 308 55
                                    

CHAPTER 4

"ONE MONTH VACATION?" Zach Velasquez, her boss asked.

Kaagad naman siyang tumango sabay ayos sa suot niyang salamin.

"You promised that to me last year and I want to use it this year if it's okay with you, Sir," magalang na sabi niya.

Zach just chuckled.

"Of course, no problem. I just didn't expect it from you since you kept declining to my offer of giving you a long vacation. I am grateful, though. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit maayos pa rin ang kompanya ko kahit wala ang presensya ko." Tumayo ito.

"Thank you, Sir."

"When are you planning to use the vacation?" he asked.

"This week," tugon niya. "I already have my replacement as your secretary for a month."

Tumango naman ito.

"It's settled, then. Just go ahead and enjoy your vacation," sabi nito sabay tingin sa cellphone nang tumunog iyon.

Awtomatiko naman itong ngumiti pagkatapos tingnan kung sino ang tumatawag. Nakangiting napailing siya. For sure the caller is her boss's wife,  Thea Ingente Velasquez. Iba ang ngiti ng isang Zach Velasquez kapag asawa na nito ang usapan. Iba ang nakikita niyang saya sa guwapong mukha nito.

Kaagad na siyang nagpaalam bago nito tuluyang sinagot ang tawag ng asawa nito.

Nang bumalik siya sa table niya ay kaagad niyang tinapos ang mga dapat gawin ngayong araw. Bukas ay mas magiging busy siya dahil kailangan pa niyang turuan ang replacement niyang secretary.

She decided to use her one month vacation to do what she wants.

Nang sumapit ang gabi ay hindi muna siya umuwi. Instead, she changed her clothes and applied some make-up. It's been a while since she went out for a drink.

May usapan sila ng college friends niya na mag bar hopping ngayong gabi. Tumawag na rin siya sa daddy niya kanina para ipagpaalam na hindi siya makakauwi ngayon dahil may kailangan siyang tapusin sa trabaho. But little did he know that his daughter will just have some fun tonight.

"I'm sorry, dad," she whispered while looking at herself in the rearview mirror of her car.

Now that she changed her clothes, her appearance changed as well. Hindi na siya mukhang manang.

Kung makita siya ng sariling ama na ganito ang mukha at pananamit niya, ano kaya ang magiging reaksyon nito?

She feels bad for lying to her father knowing that he just wants the best for her. Lahat ng mga gusto niya ay binibigay ng daddy niya sa kaniya. Her father is a successful businessman. He's an owner of a hotel and restaurant. Gusto nitong ipasa balang-araw ang business nito sa kaniya.

She took two courses back in College. She graduated from Business Management and Hotel and Restaurant Management. Kaya hindi mahirap sa kaniyang i-take over ang business ng ama niya.

She is just glad that her father let her work at the other company. Dahil alam nito na mahalaga sa kaniya ang makapasok sa VOC. But at the end of the day, she knew that she would take over her father's business. Lalo pa at tumatanda na ang ama niya. Her father is just letting her fulfill her dreams by working in VOC for now.

Tumatawag na ang isa niyang kaibigan kaya nagmaneho na siya patungo sa bar kung saan sila magkikita.

Kaagad niyang nakita si Lilliete. Mahina siyang natawa nang makitang may kahalikan na itong lalaki. Itinulak kaagad nito ang lalaki pagkatapos ng ilang segundong halik.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now