Chapter 7 (Win or Lose)

5.8K 344 60
                                    

CHAPTER 7

"HOY, BRUHA!"

Kaagad niyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses ni Lilliette mula sa kabilang linya.

"What?" Tinatamad na tanong niya.

She clicked the loudspeaker button. Kaagad siyang nagtalukbong ng kumot dahil kanina pa siya lamig na lamig.

"Anong what what ka diyan? Kanina pa kita tinatawagan. Anong nangyari sa'yo? Kung hindi mo pa sinagot ang tawag ko ay iisipin ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubunot ang dapat bunutin!"

Mahina na lamang siyang natawa sa sinabi ng kaibigan.

"Lilliette, I'm okay. Nakauwi na ako sa bahay. I am alone here. Dad and Tita left early. Naglilihi si tita ng cherry blossoms kaya magbabakasyon sila ni daddy sa Japan," sabi niya habang nakapikit.

"You sound sick. Ayos ka lang ba?" tanong nito.

"I'm fine. Just have a fever but I'm okay," she replied.

"Bakit ka nilagnat? Ayos ka lang talaga?" Nag-aalala na ang boses ng kaibigan.

"I'm okay, don't worry. It's just that..." Napangiwi siya pagkatapos gumalaw.

She could feel the pain down there. She didn't expect that it would hurt like this.

"What?" tanong nito.

"I feel sore down there," tugon niya.

Narinig niya ang malakas na tili ni Lilliette.

"Ang ingay mo," reklamo niya.

"Oh my god! Something happened? With that hot guy? OMG, Haurine! You gave up your virginity to him! Gaga, congrats! Ano masarap ba? Tell me!"

Napailing siya sa lakas ng boses nito.

"Lilliette, bunganga mo," natatawang sabi niya.

"Sorry! I just can't believe it! I mean...someone like you who doesn't give yourself that easily. Damn! There's something with that guy. I knew it! Iba ang titig mo sa lalaking iyon noon. Love first sight, no? Haurine, dali na! Tell me, masarap ba sa kama?"

Natawa na lamang siya ulit sa lakas ng boses at sa mga tanong nito.

"I will tell you when we meet. Sorry, Lil. I'm really not feeling well. Sinagot ko lang ang tawag para hindi ka mag-alala. Bye na. Love you!" sabi niya at pinatay na kaagad ang tawag.

Mas lalo siyang tumalukbong ng kumot dahil lamig na lamig siya. Pinilit niya lamang ang sariling kumain kanina para makainom siya ng gamot.

Kinuha niya ang cellphone nang marinig ang message tone niyon.

By the way, remember Brad? He asked me for your phone number. I can't give it to him without your permission but he was worried about you.

That message was from Lilliette. Brad? Oh that man she met at the bar last night?

She was about to type a reply when she heard a car engine from outside. Awtomatikong kumunot ang noo niya.

Bumangon siya mula sa kama at sumilip mula sa bintana. She stilled when she Drew coming out from his car.

Anong ginagawa nito rito? Mas lalong kumunot ang noo niya nang makitang nilabas nito ang malaking maleta.

Bumalik siya sa kama at umupo roon. It's already 10:00pm. Bakit umuwi ito sa bahay? And he's carrying a luggage. Ilang minuto siyang nag-isip hanggang sa unti-unti siyang napangiti.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now