Chapter 2 (His Girlfriend)

4.2K 276 38
                                    

CHAPTER 2

"FUCK, HAURINE."

Iyon kaagad ang naging reaksyon ni Drew pagkatapos marinig ang sinabi niya. Balewalang umayos siya sa pagkakaupo dahil muntik na talaga siyang masubsob kanina dahil sa biglaang pag-preno nito.

"Seryoso ako. Pasukin mo ako mamaya sa kuwarto at gawin mo ang gustong mong gawin sa katawa─"

"Shut the fuck up," mariing pigil nito sa sasabihin sana niya.

"Why not? Ako na nga itong nag-aalok at─"

Natigil siya sa pagsasalita nang basta na lamang nitong inalis ang seatbelt nito at mabilis na lumapit sa kaniya. Sa pagkabigla niya ay may kinuha itong panyo at itinali mismo sa bibig niya na tila ba isa siya nitong hostage. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa nito.

She was about to punch him when he held her hands. He's too strong and she can't even move. Partida isang kamay pa lamang ang gamit nito. His other hand moved and automatically removed his belt. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Mmm!" Nagpumiglas siya nang itinali nito ang mga kamay niya gamit ang belt na hinubad nito.

Hindi na siya makapagsalita dahil nakatali na ang bibig niya gamit ang panyo. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Drew just smirked.

"I will do this every time you don't behave, Haurine Joyce Belotindos," he said, murmuring her full in a pissed and irritated tone.

This man!

Tila balewalang binitawan siya nito pagkatapos siyang itali sa mga kamay at bibig. Nagmaneho na kaagad ito habang ang mukha ay tila iritado pa rin. 

"I'll let you go when we get home. I know you'll behave once you're in front of your father," seryosong sabi nito habang nagmamaneho.

Inirapan niya lamang ito at piniling manahimik na lamang dahil hindi rin naman siya makawala. She just can't believe that he used his strength on her. Alam niya dati itong marine pero hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa lakas na taglay nito.

Mahina siyang napabuntong-hininga at inis na itinuon ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Nang malapit na sila sa bahay ay doon siya tuluyang binitawan ni Drew. Inalis nito ang panyo na nakatali sa bibig niya at ang belt na nakatali sa mga kamay niya.

Napangiwi siya dahil ngayon niya naramdaman ang kirot ng mahigpit na pagkakatali nito sa mga kamay niya. She has a slight bruise on her wrist. Masyadong sensitive ang balat niya kaya mabilis siyang magkapasa. 

Kaagad niyang sinamaan ng tingin si Drew. Ngumisi lamang ito at ipinasok na ang kotse sa loob ng kakabukas lamang na malaking gate. Nauna itong bumaba. She thought he will just leave her. Dahil iyon naman palagi ang ginagawa nito. Sa tuwing nandito ito sa sarili nitong pamamahay, iwas na iwas ito sa kaniya.

But Drew opened the door of his car for her. Medyo nagulat pa siya at ilang segundong napatitig kay Drew.

"Wala kang balak bumaba o gusto mong buhatin pa kita?" masungit na tanong nito.

Nang makabawi ay mabilis siyang lumabas mula sa sasakyan. Sinadya niyang banggain ito sa balikat at nauna nang naglakad patungo sa loob ng bahay. Naiinis siya kay Drew dahil sa ginawa nitong pagtali sa kaniya. Wala rin lang talaga siyang lakas ngayon na manlaban dito.

"Haurine." 

Bumungad sa kaniya ang daddy niya. Kaagad siyang umayos ng tayo at pilit na pinakalma ang sarili. Her father is looking at her with his serious face.

"Dad. Good evening." Binati niya ito sabay halik sa pisngi ng ama.

"Take a shower. Nakahanda na ang dinner at─"

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now