Chapter 18 (No Holding Back. No What If's)

8.8K 290 76
                                    

CHAPTER 18

HAURINE is not looking at him while they are eating. Inabutan niya ito ng malamig na tubig habang patuloy niya itong pinagmamasdan habang kumakain.

"Kakain ka ba o hindi?" malditang tanong nito.

"Makita lang kitang kumakain, busog na ako, love," naaaliw na tugon niya.

"That's too old." Napangiwi ito.

Mahina siyang natawa.

"Why aren't you looking at me?"

"I'm eating obviously. Kailangan ba kitang titigan habang kumakain?" sarkastikong tugon nito.

Muli ay mahina siyang natawa.

"And stop smiling." Iritado na naman ito, salubong na naman ang kilay.

He is sure that Haurine is not on her period. Mainit lang talaga ang dugo nito sa kaniya. And of course, he knew very well when is her monthly period.

"I can't help but to smile." Nagkibit-balikat siya.

Just seeing her like this makes him smile.

"You want me to order more? Mukhang gutom ka," nakangiting sabi niya.

"I'm already full. Tapusin mo na ang kinakain mo," sabi nito habang nakatingin sa pagkain niya.

He started to eat. Inilang subo niya lamang iyon. Hindi naman makapaniwalang tiningnan siya ni Haurine. Mukhang nabigla ito dahil sa mabilis niya iyong naubos. Akmang magsasalita ito nang biglang tumunog ang cellphone nito.

Haurine excused herself and answered the call. Naglakad ito patungo sa kotse niya at sumandal doon. Nakita niya kaagad ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito nang sagutin nito ang tawag. Her face became soft. Was that Brad?

Awtomatiko siyang napahilot sa sariling sentido. He can't help but to overthink. Tumayo siya at binayaran ang kinain nila. Haurine was too focused on the phone that she didn't notice him. 

"Yes, baby. I'll be home in a little while, okay? Behave, please. I miss you too. Yes. I love you." Iyon ang huli niyang narinig bago nito pinatay ang tawag.

Nang pumihit ito paharap ay nagulat ito nang makita siya. Bigla itong namutla.

"K-Kanina pa ka riyan?" tanong nito.

"Nope. Kadarating ko lang," sabi niya at diretso nang pumasok sa driver's seat.

Habang nakaupo siya sa loob ay nakita niyang nakatingin si Haurine sa kaniya. Tila nag-aalangan pa itong pumasok sa loob ng kotse.

"Let's go," he said after he rolled down the window of his car.

Tahimik na pumasok ito sa loob. Habang nasa biyahe silang dalawa ay pareho silang tahimik.

"Did you hear anything?"

Tila hindi ito mapakali kaya nagsalita na ito.

"I just heard the word I miss you and I love you," tugon niya habang ang mga mata ay nakatutok sa daan.

"Is that all?" she asked again.

"That's all. And I've never been jealous like this before, Haurine," mahinang sabi niya habang dumidiin ang pagkakahawak niya sa manibela.

Hindi ito nakapagsalita. Sa halip ay nag-iwas lamang ito ng tingin.

"Was that Brad?" he asked.

"What will you do if that was him?" balik-tanong nito.

"I want to know where he lives," diretsong tugon niya.

Nakita niyang natigilan ito dahil sa naging sagot niya.

Isla Fontana Series #7: His Desire (ON-GOING)Where stories live. Discover now