||| Chapter 2 |||
The moment I entered the classroom, all eyes fixed on me. Their stare gave them silence, but a heavy one. Every time I walk past them, it makes me feel uncomfortable about their stares. Even the others were smiling at me, but I can sense they're just faking it.
Sometimes I catch them gossiping about me or badmouthing about my behavior. I'm kind of rude and don't smile oftentimes to them. How can I? They don't deserve my precious smile and my goodness. There's a time I heard them questioning my ability and why I'm in honor rank. They're doubting why I'm always at the top, kahit na hindi naman ako nagrerecite. Paano naman daw ako makakapagrecite kung hindi ako nakakapagsalita. Baka nga lang daw naaawa lang sa akin ang mga teachers.
Despite all the hurtful words I heard from them, I kept myself motivated. I always find a way to be courageous, just to prove to all their faces that they are all wrong.
Pumapasok ako sa school para hindi magpaapi or magpaawa sa mga teachers. Pumapasok ako dahil gusto kong patunayan sa lahat na may mararating ako sa buhay balang araw. Salamat sa taong nagpapapatatag sa akin, dahil kay mama at sa mga taong naniniwala sa akin ay matatag ako sa buhay.
Minsan kasi nakakapagod din patunayan ang sarili mo sa iba. Lalo na ang mga taong sarado ang isip at walang ibang alam kung hindi ang pabagsakin ka at siraan. Pero ikaw ang talo kapag nagpaapekto ka.
In my 11 years in school, I have no one can be called a true friend or a best friend. The reason why is because I isolated myself from them. I keep myself alone every time. I don't want to be friends with people that I know just take advantage of me because I excel in class; they only use me. I put that on my mind; no one is genuine enough to be friends with me because I'm mute.
As long as I can, I will avoid toxic people; they're bad for my mental health. Because of my experiences in my old primary school, I always kept my distance to avoid getting into trouble. Magagalit na naman si papa, kapag nalaman na nasangkot ako sa gulo. Hindi naman kasi ako tulad ng iba na basta na lang magpapaapi.
Being friends with them is a ways of time and effort; they fake anyway.
I took my seat on the last row at the back, where the sliding window is located.
Muling nagpatuloy ang ingay sa loob, they're talking about their weekend. Ang iba ay maagang nagpapabaga ng mga tsismiss at mga kalukuhan. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana para abalahin ang sarili at huwag makinig sa usapan nila. This is my usual routine in the morning while waiting for the first subject. Ang tumulala sa labas o kaya ay magbuklat ng mga notes para magreview.
Sa malalim kong pagkakatulala sa labas ng bintana ay bigla akong nagising dahil sa lakas ng pagpito. Kasunod ay ang malakas na pagtawa. Napakurap ako sa taong dumaan sa tapat ng bintana. Patalikod ito kung magjogging habang hindi mawala ang ngisi nito sa labi.
"Walang hiya ka talagang bata ka! Namumuro ka na sa 'kin!" Tumigil sa tapat ng classroom namin ang isang matabang lalaki na siyang school guard namin. Hinihingal ito dulot nang pagkapagod sa pagtakbo. Maging ang mga kaklase ko ay natigil dahil sa komusyon sa labas. Sumilip ang mga ito maging ang ibang istudyante sa kabilang room ay nagsilabasan para makisosiyo.
"Dapat nga magpasalamat ka sa 'kin, dahil d'yan nakalibre ka ng exercise sa umaga!"
"Walang hiya ka talaga Harrison! Sakit mo sa ulo!"
"Atleast may ulo kay sa wala!"
Muli itong hinabol ng guard. Sinundan ko ng tingin ang lalaking maligalig na alertong tumakbo. Nang mawala ang mga ito ay muling nagsibalikan ang tao sa kani-kanilang room. Ang naudlot na ingay kanina ay muling ipinagpatuloy.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings
Teen FictionStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...