||| CHapter 8 |||
[ MESSENGER ]
Raven HarrisonHi francine 👋
Pa accept naman po gandaIf you reply, Raven Harrison will be able to call you and may see info like your Active Status and when you've read messages.
DELETE BLOCK
Sunod-sunod ang pag-ubo ko nang marecieved ang notification sa messenger ko. Naibaba ko ang hawak na phone. Inabot ko ang baso para uminom ng tubig. Nagbabara ang lalamunan ko dahil bigla kong nalunok ang buong kanin. Naguguluhan na napatingin sa 'kin si Ate Sav. Si Driana naman ay walang pakialam habang kumakain at may hawak na phone. Kaming tatlo lang ang nasa mesa. Nasa sala naman sila mama, si Gueco at si papa, nanonood sila ng TV habang kumakain.
"Sabi na kasing 'wag magselpon kapag kumakain." Dumungaw si ate sa phone ko. Nakalimutan ko itong i-off kaya agad ko itong hinablot dahil baka mabasa niya. Natabig ko tuloy ang basong may kalahating tubig.
"Gosh! Anu ba yan!" Sinamaan ako ng tingin ni Driana dahil sa direksyon niya umagos ang tubig. Agad tumayo si Ate Sav para kumuha ng basahan. Napadungaw tuloy sa amin si mama dahil sa tinis ng boses ni Driana. Nagtatanong ang mata ni mama kung anong meron.
"Wala 'to, ma. Natapon lang 'yong tubig." Si Ate Sav ang sumagot. Natatawa ito hindi dahil sa muntikan na kaming pagalitan ni mama kung hindi dahil sa naging reaksyon ko kanina.
"Nawalan na ako ng gana, kainis." Umirap sa ere bago tumayo si Driana. Nilagay nito ang platong wala nang laman sa lababo.
"Wala ng gana, talaga? Pero naubos mo." Asar ni ate rito. Muli ay umirap ito bago lumabas ng kusina. "Driana, huwag ka muna matulog maghuhugas ka pa!" Pahabol ni ate rito. Muli kong inabala ang sarili sa pagkain nang tumabi siya sa 'kin.
"Sino 'yon?"
Kumunot ang noo ko at nagkunwaring walang alam sa tinutukoy niya.
"Nakita ko may ka-chat ka. Sino 'yon girl? May nanliligaw na ba sa 'yo." Napanganga sa sinabi niya. Napatingin pa ako s kusina sa takot na baka biglang pumasok si papa.
"Tumahimik ka, ate. Nag-chat lang nanliligaw na agad?"
"So, meron ka nga ka-chat. Ipakilala mo sa 'kin."
"Bakit ko siya ipapakilala sa 'yo? Hindi kami close. Nagchat siya kasi may kailangan siya."
"Anong kailangan sa 'yo?"
Napakamot ako sa pisngi ko dahil nagiging mausisa na naman siya.
"Hep, 'wag mo kamutin ang pisngi mo baka magkapimple ka, sige ka." Muli siyang ngumiti. "Pero seryoso sino nga 'yon?"
Ang kulit!
Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan. Hindi ko pinansin ang natatawang reaksyon ni ate. Itutulad niya pa ako sa kaniya na lihim pumasok sa isang relasyon. Iniwan ko siya sa kusinang halos hindi na malunok ang kinakain dahil natutuwa siyang naasar ako.
Dumaan ako sa sala. Nakita ako ni papa. Medyo may tama na rin ng alak nang makauwi galing sa pamamasada ng truck. Nagdedeliver si papa ng mga bamboo sa iba't ibang lugar. Madalas ay gabi na rin siya nakakauwi. Umismid ito sa 'kin at muling ipinagpatuloy ang panonood ng TV. Ngumiti lang sa 'kin si mama na mukhang nakita ang ginawa ni papa. Maliit na bagay lang 'yon pero para sa 'kin ang bigat sa pakiramdam. Mabigat ang loob kong ni-lock ang pinto ng kwarto.
Umupo ako sa harap ng study table ko para mag-aral na lang at gawin ang homework. Biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng short kaya muli kong naalala ang chat sa 'kin ni Taegan. Mabilis ko itong binasa.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings
Teen FictionStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...