11

70 5 0
                                    

||| Chapter 10 |||

W

ords are powerful. It serves as a tool for expressing ourselves, conveying our feelings, and building relationships with others. Words are not just letters; whatever we utter has a deep meaning. Words are powerful and can comfort someone; words can give us motivation and inspiration; and don't forget that words can make someone bleed in pain.
 
Let us be sensitive every time we speak to others. Be careful when using words without harming others's feelings. Sa simpleng salita o biro ay pwede nang makasakit ng damdamin. Words have the power to change someone's personality, maybe in good or bad ways. Think before you speak. As long as you can control yourself. Avoid uttering an offensive word. Let's consider the feelings of one another.

Everybody says, "Don't invalidate someone's feelings."
 
Remember that everyone of us has a different personality. Maaaring sa iba okay ang binitiwan mong salita, pero sa kaniya ay hindi pala. 
 
I heard a lot of offensive words. Minsan sagad na at nakakapanghina ng loob. Dapat nga ay sanay na ako, kasi hindi na bago. 
 
Ang marinig ang masakit na salita sa taong malapit sa puso mo ay ibang usapan. Kasi parang kutsilyong bumaon sa dibdib. Hindi na mabilang kung ilang beses na akong nakaabot ng sumpa sa sariling kong papa. Mga salitang hindi lang nakakapagpababa ng pagkatao dahil para kang sinasakal sa lalamunan.

"Theodore, bigyan mo muna kahit singkwenta, walang-wala ako ngayon."

Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanila. Ang aga-aga pero nag-aaway na agad sila. Fifty pesos lang naman ang hinihingi ko para sa contribution sa school pero ang dami ko nang narinig na masasakit na salita kay papa. Hindi naman libo-libo hinihingi ko. Obligasyon naman niya magbigay dahil nagpapa-aral siya.

Bakit kapag si Ate Sav ang humingi o kaya si Driana walang masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Ang gaan pa ng kamay niyang mag-abot ng pera sa kanila.

"Dapat 'di na nag-aaral wala naman patutunguhan 'yan sa buhay. Kahit grumaduate pa 'yan 'di tatanggapin 'yan sa trabaho. "

Wala kang narinig Kaye, wala kang narinig.

"Theodore! Aayosin mo ang tabas ng dila mo o puputulin ko na! Singkwenta pesos lang ang dami mo nang sinasabi!"

"Totoo naman walang silbi ang batang 'yan. Nagsasayang lang ako ng salapi."

"Gusto mo talaga ng giyera Theodore? Magsabi ka lang pagbibigyan kita!"

Sa sobrang bigat ng loob ko, pinili kong maglakad na lang paalis. Hindi ko na hinintay na masaksihan pa ang sinasabing giyera ni mama. Naglakad ako palabas ng gate na tumutulo ang mga luha. Nanginginig ang balikat ko dahil pinipigilan ko ang sariling emosyon.

Kaya madalas nawawalan ako ng kompyansa sa sarili dahil sa sarili mo pa talagang magulang maririnig ang masasakit na salita. Ang bigat sa dibdib na para akong sinasakal. Bawat salitang naririnig ay parang punyal na sinasaksak ang puso ko.

Wala akong silbi. Walang kwenta. Palamunin na anak. Pabigat sa pamilya. Kulang na lang marinig sa bibig ni papa ang salitang hindi na sana ako nabuhay pa.

Dati iniisip ko na maswerte pa rin ako dahil malinaw ang pandinig ko. Boses lang ang wala ako. Pero kung ganito din naman, puro na lang masasakit na salita at pagbabanta, sana lang pala naging bingi na lang ako. Wala rin namang kwenta.

Wala ako ibang ginawa kung 'di ang tumulala sa hangin hanggang sa matapos ang klase. Hindi ako nagtake down ng notes during discussion. Lalong hindi ako nakinig buong klase. Nawalan ako ng gana.  Kini-question ang sarili kung ano ba ang halaga sa mundo.

SWD#1: Voiceless Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon