| | | Chapter 4 | | |
"Hi, miss! Wanna ride with me?"Alam kong gusot na ang plantsadong palda ko dahil sa diin ng pagkumos ko. Hindi ko maintindihan ang sariling damdamin kung bakit ganito na lang kalala ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita siya.
"Oh, wait? Sandali, you looks so familiar." Kabadong tumingin ako sa kaniya. Triple ang kabog ng dibdib ko nang masilayan ko ang maganda niyang tawa. "Hmm, naalala kita." Napatitig ako sa hintuturo niya na nakatapat sa 'kin. Hindi ko magawang tagalan ang tumitig sa mata niya. Para itong apoy na nakakapaso.
"Ikaw si lunchbox girl. Tama ikaw 'yon."
Napalunok ako ng laway. Ang akala ko pa naman naalala niya ako na minsan niya ako niligtas sa tulay noon.
"Hey, gabi na, ah. Ba't nasa kalye ka pa?" Muli ay hindi ko alam ang iaakto sa harapan niya. Hindi ko rin magawang salubingin ang tingin niya. Nataranta ako.
Narinig ko ang pagtunog ng kaniyang dila na parang hindi siya makapaniwala, na ang isang tulad ko na hanggang ngayon ay nasa kalsada pa rin kahit gabi na.
"Angkas na." Parang lobo 'yon na pinaputok nya sa harapan ko kaya bigla akong nagulat. "Pampalubag loob sa lunch mo na kinain ko." Napahawak ako nang mariin sa gilid ng palda ko at mas lalong napayuko. Dapat ba akong sumakay o hindi? Hindi naman niya ako kilala. Hindi kaya nakakahiya na bigla na lang akong aangkas?
"Bagal. Huwag na mgpakipot 'di ako namimilit." Muli kong nasalubong ang nata niya na matamlay na nakatingin sa akin. Ngunit kahit ganon ang unfair pa din dahil mukha pa rin siyang maangas sa paningin ko.
"Ayaw? Sige, 'di pa naman ako namimilit." Nataranta ako na napatingin muli sa kaniya. Binuhay na niya ang makina ng motor, deretso na rin ang tingin niya sa daan, handa nang umalis. Sa pagkataranta ko ay hinawakan ko ang braso niya. Agad rin akong napabitaw nang bumaling siya. Umangat ang labi niya para ngumisi. Nag-iiwas ako ng tingin habang nahihiyang umupo sa likuran niya.
Napapikit ako dahil damang dama ko ang kabog ng puso ko. Hindi pa nakatulong ang halimuyak ng pabango niya na para kang papatulugin sa bango ng amoy.
"Huwag ganiyan, dapat kumabayo ka."
Napamulat ako ng mata sa gulat dahil sa boses niyang napakalapit sa tainga ko. Pabulong niyang sinabi 'yon. Humalakhak siya dahil sa naging reaksyon ko.
"Mabilis ako magpatakbo. Baka paglingon ko nahulog ka na pala."
Napabuga ako ng hangin bago ko sinunod ang sinabi niya. Nanginginig pa ang kamay ko na hindi alam saan kakapit. Nang lumingon siya ay agad na napaatras ang ulo ko dahil sa lapit ng mukha niya.
"Kapit mabuti, baka liparin ka." Automatic na napahawak ang kamay ko sa damit niya nang bigla niyang paharurutin ang motor. Natakot ako dahil sa bilis nito. Napatitig ako sa kamay kong nakakapit nang mariin sa dulo ng jacket niya.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni papa na galit na galit. Kapag nalaman niyang umangkas ako sa motor at sa lalaki pa baka tuluyan na niya akong mapatay.
"Dito ba ang daan mo, san parte bahay niyo?" Bumuka ang bibig ko. Natigilan ako dahil imposible niyang marinig ang nasa isip ko. Napasulyap siya sa side mirror. "Hey, kanina ka pa tahimik?"
Ang matamlay niyang mata kanina ay biglang naging seryoso. Kumunot ang kaniyang noo na paminsan-minsan akong sinusulyapan sa side mirror. Kung kaya't hindi maiwasan na magtama ang tingin namin. Halata na siyang nagtataka. Nakagat ko ang itaas na labi. Pikit mata kong niyugyog ang balikat niya para iparating na tumigil siya.
Alam kong naguguluhan man siya ay naramdaman ko na lang ang mabagal na pag-andar namin. Hanggang sa tuluyan niya itong itinigil. Itinabi sa gilid ng bungad ng mailaw na plaza. Mabilis akong bumaba.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings
Teen FictionStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...