6

61 5 0
                                    

| | | Chapter 6 | | |

Raven's Post

@Kyline Samantha Ferrero Pinalayas ako sa bahay namin, patira nga

Comments

Logan Kython Ferrero
The fu*k? I'll punch your face really hard, you see

Sean Lopez
Lagot ka sa kuya HAHAHAHA

Dashiel Torrido
Wat da f, dude?

Raven's replied
Tanga! Berde ng mga utak!
_____

Naalimpungatan ako dahil sa lamig ng hangin. Nakita ko ang sariling nakahiga sa clinic bed habang nakatutok sa akin ang isang electric fan. Matagal akong napatitig sa kisame habang inaalala ang nangyari kanina. Nakapa ko ng pisngi dahil parehong mahapdi dahil sa lakas ng pagkasampal sa 'kin. Nararamdaman ko pa rin ang pagkirot ng tuhod ko likha ng pagkakadapa ko kanina. Napansin kong may nakalagay ng band aid at malinis na rin ang sugat.

Babangon na dapat ako nang matigilan. Gulat akong napatitig sa lalaking nasa kaliwa ko. Nakaupo ito sa higaan na walang umuukupa, nakahawi rin ang kurtina sa gilid. May hawak na phone at hindi ko alam kung kanina niya pa ako pinapanood. Napakurap ako nang bigla itong matamis na ngumiti.

"Hi!" Kumaway siya sa harapan ko dahil nanatili akong tulala sa kaniya. Muli itong tumingin sa phone niya. Gumalaw ang kaniyang mga daliri na parang may itetext na kung sino. Sandali lang yon dahil muli niya akong pinagtuunan ng pansin.

"Siguro, one and half hours ka din walang malay. Kumusta pakiramdam?" Wala siyang nakuhang sagot sa 'kin. Nailang yata siya dahil siya na mismo ang umiwas ng tingin. Napakamot ito sa batok.

Muli nitong binasag ang katahimikan. "Kami pala nagdala sa 'yo dito. Natagpuan ka namin walang malay sa storage room... at——" muli itong natigilan. Para siyang nangangapa ng sasabihin at hindi na niya alam ang kasunod.

"Anong ginagawa mo doon? I mean... Ah, may nagkulong ba sa 'yo roon——" muli itong natigilan, nagkamot ng ulo. "Malamang may naglock sa 'yo do'n kasi alangan naman na ikandado mo sarili mo, 'di ba? Ha ha ha." Muli itong natigilan dahil siya lang naman ang tumawa.

"Ba't ba kasi ako pa ang pinagbantay." Mahina nitong reklamo na parang may sinisisi siya na kung sino. Akmang babangon ako ay mabilis siyang tumayo para pigilan ako. Umiwas ako nang hahawakan niya ako para alalayan. Kahit siya ay natigilan dahil sa oa na reaksyon ko. Kalaunan ay numiti lang siya, friendly smile.

"Huwag ka muna daw umalis, kailangan ka pang icheck ng nurse." Napabuga ako ng hangin. Bakit ba nangingialam 'to? Naiiling ako sa presensya niya. Lalo na't lalaki siya. Hindi ako komportable na may kasamang lalaki lalo na kaming dalawa lang. Si Gueco at Kuya Annex lang ang exception ko, at pati siya.

"Dashiel Torrido, my name. Ikaw?" Napatingin ako sa kanya at muli sa kamay niya na nakalahad sa harap ko. Binawi niya rin dahil tinitigan ko lang ito. Narinig ko pa ang pabulong-bulong niya sa hangin.

"Watdaef, para naman ako kumakausap ng rebulto nito."

Hindi naman niya kailangan magpakilala. Kilala ko na siya, matagal na. Sinong hindi makakakilala sa kaniya? Sikat sila sa school. Sikat ang barkada nilang mahilig sa gulo at madalas bukambibig ng nga teacher. Hindi dahil sa nag-eexcell sila sa klase. O mas magandang sabihin nag-eexcell sila sa pakikipagrambulan. Isa siya sa mga kaibigan ni Taegan.

Natigilan ako nang may mapagtanto. Sila ang nagdala sa 'kin dito. Ang tinutukoy niya bang sila, kasama kaya si Taegan?

Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Abala na siya ngayon sa phone. Bakit kaya kailangan niya pa akong bantayan? Ang pag-iisip ko ay naantala nang nahawi ang puting kurtina. Niluwa nito ang isang familiar na nurse. Ngumiti ito sa 'kin.

SWD#1: Voiceless Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon