| | | Chapter 12 | | |
"What is your purpose in life?"
Nagkaroon ng katahimikan ang buong klase. Natigil rin ang tsismisan ng mga lalaking nakaupo sa kabilang row sa dulo. Mga takot matawag dahil sa tanong na ibinato ng striktang guro. Ang mata nito ay kasing talas ng agila na naghahanap ng mabibiktima.
Walang nagtaas ng kamay.
"Anyone would you like to share? Hmm? Wala gustong sumagot. Hindi niyo ba alam ang purpose niyo sa buhay? What is the reason you get up in bed every morning? For what reason are you coming to school? What are you trying to achieve? Ano ang purpose ng bawat paghinga niyo sa buhay?"
Purpose? I don't know yet. Hindi ko alam kung ano ba ang purpose ng mga tulad ko sa lipunan. Maybe magbigay ng inspiration para sa iba? Dahil sa kabila ng pagkakaroon ng disability namin ay may kakayahan pa rin kami makapag-aral at mangarap? At ituloy ang buhay kahit may kapansanan.
Nabubuhay lang ba kami para sa kanila?
Paano naman ang mga katulad ko na hindi kayang i-express ang sarili sa iba. Hindi magawang sabihin ang tunay na nararamdaman. Hindi magagawang ipaliwanag ang sarili kapag nasa alanganing sitwasyon. Hindi rin nawawala ang discrimination. Madalas na ikaw ang mag-aadjust para lang maintindihan ka nila. Dahil kaunti lang ang mabuting tao na sila pa mismo ang gagawa ng paraan para maunawaan ka nila.
Purpose is something you are eager to achieve in life; in short, it is your goal and your intention. Purpose is the reason you're living, providing a sense of direction and a meaningful life.
But in my case, I have no specific answer in mind. Hindi ko pa siguro alam, sa ngayon.
I'm just living and breathing everyday for no reason. Sumusunod sa agos ng karamihan dahil ganito't ganiyan ang tama sa mata ng mga matatanda. Mag-aral at magtapos para makahanap ng magandang trabaho. Para safe ang future at hindi ka lang basta kahig isang tuka.
Sa totoo lang napakaplain ng bawat araw ko. Kung sa pagkain wala man lang kasahog-sahog, hindi masarap pero okay na. Hindi maganda at walang excitement.
In my life, I perceive things in black and white. Colors don't hold any significance to me. There's a sense of emptiness within me, a feeling of loneliness. It's not sadness that engulfs me, nor do I experience happiness. I just go through the motions each day, cherishing life in its simplicity.
A light of hope entered my life, thanks to him. On a rainy night, he reached out to save me, a stranger to him. Despite our unfamiliarity, he offered comfort and motivation, sharing wisdom as though he had lived through much.
His words acted as a healing balm for my soul. Now, I feel compelled to reciprocate the kindness he bestowed upon me. Even if he doesn't remember rescuing me from the edge of that bridge, it doesn't diminish my desire to repay his compassion.
While some label him as a troublemaker, I see him differently. To me, he is a good man, deserving of recognition for the positive impact he has had on my life.
Gano'n naman talaga ang karamihan. They will judge you even if they didn't know the whole story. Kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali hihilahin ka nila pababa na parang wala ka nang karapatan bumangon. Pag-uusapan ka, gagawing libangan ang buhay mo hanggang sa magsawa sila. Kung sa ano ang nakikita nila 'yon lang ang paniniwalaan nila.
Makitid ang utak ng mga taong mahilig manira ng iba. Malinaw sa paningin nila ang pagkakamali ng kaharap, ngunit ang sariling pagkakamali malabong makita.
Nabalik lang ang buong atensyon ko sa klase dahil sa anunsiyong dismissal na. Napagtanto kong napalalim na naman ang pag-iisip ko, kay sa ang makinig sa discussion.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings
Teen FictionStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...