7

49 6 0
                                    

||| Chapter 7 |||

Raven's Post

Ang gwapo ko naman para iguhit mo

Ang gwapo ko naman para iguhit mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Comments

Dashiel Torrido
Woah! Astig sino gumawa?

Sean Lopez
Takte! Bro mention mo naman artist magpapagawa din ako

Luigi Aquinas
Hindi ba yan edited lang?
______

Binaon ko ang mukha ko sa unan matapos kong malaman na pinost niya ang iginuhit ko. Pinakiramdaman ko ang puso kong hindi normal ang pagkabog. Para akong lalagnatin sa tindi ng init na nararamdaman. Nakagat ko ang labi. Nang mapatingin ako sa salamin na nasa study table ko nakapatong ay nakita ko ang sariling nakangiti. Muli kong binaon ang mukha ko sa unan.

Bakit ako nakangiti? Dahil ba pinost niya? Ibig sabihin nagustuhan niya. Pero hindi ko pa rin mapigilan mag-isip na parang nakakahiya. Anong iisipin niya na halos puro mukha niya ang nakaguhit sa sketch pad ko! Baka isipin niya na may gusto nga ako sa kaniya. Totoo nga! Pero nakakahiya pa rin na malaman niya.

Bigla akong napabangon mula sa pagkakadapa. Paulit-ulit kong tinatapik ang pisngi habang nag-iisip ng idadahilan para bukas. Kung sakaling tanungin niya ulit ako, syempre hindi ako aamin. Hindi ko 'yon gagawin. Pero ano ang sasabihin ko sa kaniya? Hindi naman pwedeng sabihin ko na nagwapuhan ako sa kaniya kaya ginuhit ko siya pero hindi ko siya gusto!

Maniniwala kaya siya?

Napahawak ako ng mariin sa buhok ko. Mababaliw ako sa kakaisip ng ipapalusot ko. Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napaayos ako ng upo sa kama. Inayos ko ang nagulong buhok at nagkunwaring normal ang kilos ko.

Napatingin ako kay Driana na nakakunot ang noo sa 'kin. Nakita niya ako!

"Nababaliw ka ba?" Tumagilid ang ulo niya. Mukha siyang natatawa dahil nakita nga niya ang pagsabunot ko sa sariling buhok. Tinaasan ko siya ng noo para iparating kung anong kailangan niya.

"Pahiram ako coloring material magdedesign lang ako." Hindi pa nga ako tumatango ay nangingialam na siya sa drawer ko. Tumayo ako sa kama at mahina siyang tinulak. Sinamaan ko siya ng tingin dahil parang bagyo ang kamay niya. Magulo na agad ang mga gamit ko.

Ibinigay ko sa kaniya ang isang set ng coloring pen at muli siyang tinaliman ng tingin. Umirap siya sa ereng kinuha 'yon. Walang pasabing nagmartsa ito palabas ng kwarto ko. Napapikit na lang ako sa inis bago lumapit sa pinto ng kwarto dahil hindi man lang nagawang isarado.

Muli kong pinoproblema kung paano ko babawiin ang sketch pad ko bukas. Mukha akong hindi makakatulog ngayon.

____

Sabay-sabay kaming pumasok nila Ate Savannah, Driana at Gueco sa school. Nag commute lang kami kahit gusto ni Kuya Annex ihatid kami. Hindi pumayag si ate dahil walang alam sina Gueco at Driana na boyfriend niya ito. Pagkarating sa school ay naghiwalay na kami ng daan. Si ate ang unang lumihis ng direksyon dahil iba ang way sa department ng mga college. Magkasabay naman na tinahak nila Gueco at Driana ang way papuntang Junior High Department.

SWD#1: Voiceless Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon