3

63 7 4
                                    

||| Chapter 3 |||

Ang sunod kung ikinagulat ay ang bigla niyang pagtabi. Sa sobrang bilis nang pangyayari natulala na lang ako. Hawak na niya ngayon ang tinidor habang ngumunguya ng shanghai na dapat ay kakainin ko!

Hindi ko alam kung anong sumapi sa kaniya. Halos mamula ako sa pagkailang dahil ang tinidor ko ay ginamit niya! Nagawa niya pang abutin ang pink na tumbler ko para uminom. Double na ang kabog ng puso ko na parang umabot na sa lalamunan. Ang init ng pisngi ko habang pinanood siyang halos makalahati na yata ang laman ng tumbler.

Napakurap ako nang bigla siyang dumighay na parang kulog. Gamit ang kamao ay pinunasan niya ang gilid ng labi. Sa bawat galaw niya, kahit pati sa paghawi niya sa kaniyang makintab na itim na buhok ay sinusundan ko ng tingin. Nang tumingin siya sa mga mata ko doon na ako parang nakulong sa mga titig niya.

"Babayaran ko." Nakangisi ang labi niya at itinuro ang baonan ko na medyo kalahati na. "Sa susunod na magkita tayo. Wala akong pera ngayon."

Pati sa pagtayo niya nakasunod pa rin ang tingin ko. Pakiramdam ko ay nag-iimagine lang ako ngayon. Nag-unat pa siya ng mga kamay at kunwari sumusuntok sa hangin.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang tatlong lalaki na tumatakbo sa direksyon namin. Agad kong namukhaan ang matabang lalaki na siyang guard ng school at ang dalawang lalaki naman ay sigurado akong mga janitor ng school dahil sa uniform ng mga ito.

"Opps...shet!" Napatingin ako sa kaniya at muli sa tatlo na papalapit na. "Hindi ba 'to mga napapagod? At talagang nagsama pa ng dalawang janitor."

"Harrison! Wala ka nang kawala ngayon!"

Bago pa man siya maabutan ng mga ito ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Nagawa pa niya mag-iwan ng middle finger bago tuluyan makalayo. Wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng puso. Nang sulyapan ko ang lunchbox na kalahati na ang laman, sa tumbler na kalahati na ang tubig at sa kutsara na ginamit niya, ay biglang nag-init ang magkabilaan kong pisngi.

_____

Uwian na sa hapon. Papalabas ako ng room nang makarecieve ako ng text galing kay Ate Savannah. May lakad daw sila ni Kuya Annex kaya hindi siya makakasabay umuwi sa 'kin. Kaya pala wala siya sa tapat ng room nang lumabas ako na madalas niyang gawin, ang hintayin ako tuwing uwian. Nagbilin pa siya na sumabay ako umuwi kay Driana at sunduin si Gueco sa classroom nito.

Dumaan ako sa hallway papuntang Junior High Department. Mas maingay at magulo ang mga istudyante. Yong tipong mapapatakip ka ng tainga kapag dumaan ka sa hallway nila.

Muntik pa akong madulas at mabasa sa paglalakad dahil biglang may nagbuhos ng tubig sa hallway. Mga kalalakihan na walang suot na t-shirt habang may hawak na mop. Nagtawanan ang mga ito sabay signal ng peace sign.

Pinabayaan ko na lang ang pastidyong mga istudyante. Kung papatulan ko pa ay mauuwi lang sa gulo. Nilagpasan ko sila para tahakin ang classroom ni Gueco. Nasa second floor ang room nito kung kaya't lumiko ako para tahakin ang hagdan. Tumigil ako sa room ng mga Grade 7.

"Gueco!"

Nang makita ako ng mga kaklase ni Gueco ay chorus ang mga itong isinigaw ang pangalan niya. Dumungaw ako sa pinto nila. Tapos na ang klase pero naroon pa rin ang iba para mag general cleaning.

"Gueco Havanah nandito ate mo!"

Agad kong nasumpungan si Gueco, nakataas ang dalawa nitong paa sa teacher's table habang nakaupo at nagcecellphone. Hindi niya yata narinig dahil may nakasuot na earphones sa tainga niya. May lumapit sa kaniyang babae at itinuro ako, doon niya lang ako napansin.

"Hays! Ba't pumunta ka pa sa room ko? Hindi na ko bata para sunduin mo." Iritable itong nilagpasan ako, sukbit na nito ang bag sa balikat. Ang mga mata ay nakatuon pa rin sa cellphone. Hindi nakatakas sa mata ng kaklase niya ang pagiging moody niya. Nakaabot tuloy siya ng hampas lalo na sa mga babae.

SWD#1: Voiceless Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon