13

66 7 4
                                    

| | | Chapter 13 | | |

If happiness were something I could buy, I'd probably be happy right now.

If there was a medicine to erase this feeling, maybe I wouldn't be suffering this pain.

I wish I had been born 'normal,' so everyone would like me. Especially Papa, I wish he loved me the way he cares for Ate Sav, Gueco, and Driana. I wish I wasn't mute, maybe I wouldn't have become who I am now. I try to be brave, even though I'm weak. I pretend not to care what people say to me. I pretend to be okay in front of them so they won't mock me. But now I'm too tired to pretend. I'm tired of proving to anyone that I'm strong.

Pagod na rin akong patunayan ang halaga ko sa iba.

If I was not born like this siguro may pakinabang rin ako sa mata ni papa.

" 'Nak, dinalhan kita ng damit."

Hindi ako makatingin sa matanda na nasa harap ko. Nakaupo lang ako sa malambot na kama, nakayuko habang pinipisil ko ang sariling kamay dahil sa hiya. Hindi ko rin magawang igala ang tingin sa kabuan ng kwarto, kung nasaan ako ngayon.

Nakakapagpababa ng pagkatao ang mga gamit sa paligid. Nagmistula akong taong grasa na nakaupo ngayon sa malambot at malaking kama. Inuusig ako ng konsensiya kung bakit pa ako sumama kay Teagan. Alam ko naman no'ng una pa lang na halatang may kaya ang pamilya niya. Hindi ko lang talaga ini-expect na mas double pa pala sa inaakala ko.

Dinala lang naman ako ni Taegan sa Mansion ng Lola niya. Papasok pa lang kami sa malaking gate namangha na ako, dahil kahit walang tao, isang busina lang kanina ni Taegan ay automatic na bumukas ang gate at kusa rin itong nagsara pagkapasok namin. Nagsimula akong manliit sa sarili nang malula ako sa laki at lawak nito. May limang magagarang kotse pa ang nakaparada sa tapat ng mansion. Dahil na rin sa napakaraming ilaw sa paligid ay mas lalo kong na appreciate ang ganda ng fountain. Lalo na siguro kapag umaga na.

Isang magaang haplos ang naramdaman ko sa ulo ko. Napatingin ako sa Lola ni Taegan nang may inabot itong phone. Binasa ko ang nakasulat. Siguro sinabihan na siya ni Taegan na hindi ako nakakapagsalita.

"Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi. Kaibigan ka ng apo ko kung kaya't welcome ka rito."

Sa mga ngiti nito ay nagkaroon ako ng comfort, kung kaya't hindi ko napigilan ang sariling maluha na naman. Sa bawat hagod nito sa likod ko ay pinapanatag ako.

Muli siyang nagtipa ng mensahe at muling ipinakita sa akin.

"May pupuntang maid dito para gamutin ang mga pasa mo hija. Pagkatapos no'n pwede kang mag shower para makatulog ka ng komportable."

Muli niya akong binigyan ng magaang ngiti bago ito tuluyan lumabas ng kwarto. Hindi man lang ito nag-usisa kung bakit may mga pasa ako sa katawan kahit na nakikita ko sa mga mata nito ang awa at pagtatanong.

Nang maiwan akong mag-isa ay muli kong naramdaman ang lungkot at sakit. Ang pakiramdam na mag-isa lang ako at wala akong kakampi. Pakiramdam ko ay kaaway ako ng lahat at walang handang kumampi sa akin.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang muling bumukas ang pinto. Inasahan kong katulong ang pumasok dahil sa sinabi ni Lola Fyang na gagamutin raw ang mga pasa ko. Pero dahil sa familiar na amoy nito ay napaangat ako ng tingin. Pumasok si Taegan habang may nginunguya. May dala itong tray ng pagkain.

"Kain."

Nilapag nito  sandali ang dala sa kama. Sa taranta kong matapon ang basong tubig ay agad ko itong hinawakan. May kung ano itong hinila sa sulok. Pinanood ko lang ang ginawa niyang pag assemble ng maliit na table. Saka muling lumapit. Nilagay niya ito sa lapag at doon ipinatong ang dala niyang dinner. Hindi ako nakapalag nang hilain niya ako at pinaupo sa carpet, sa tabi niya.  Sa isang kurap ko lang ay narinig ko ang pagbukas ng flat screen TV sa harapan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWD#1: Voiceless Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon