" Dito ginagawa ang mga alak,dapat niyong ikutin ang lahat at ilista ang mga ipapack dahil nagdedeliver rin kami sa iba't-ibang mga lugar at hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin,ganito kasikat ang alak ng family corpuz, sambit ng babaeng staff.
Grabe napaka lago naman pala ng kumpanyang ito,Dati pinapangarap ko lang ang makapasok at makakita ng ganito karaming mga mamahaling alak tapos ngayon nagtatrabaho na ako rito.
" Ang yaman naman pala talaga ng may ari nito, manghang ani ni jepoy.
" Sinabi mo pa,Dati hindi nagfofocus si sir calix dito dahil brokenhearted siya sa gf niya,sino ba naman hindi mabobroken sa ganda ng gf niya noon,Ilang araw hindi pumasok si sir noon at buti ngayon medyo okay na siya eh! kwento ng babae,tila matagal na siya rito dahil saksi na rin siya sa nangyayari sa kanilang boss.
" Ahh sana nga tuloy tuloy na yun mukhang mabait naman siya eh! ani ko at ngumisi lang ang babae.
" Sige maiwan ko na kayo,si belle na lang ang bahala sa inyo, saad lang ng babae at saka na ito humakbang palabas ng wine's store.
Sa Maghapon namin rito ay agad naman kaming natuto ni jepoy sa trabaho rito,at siguro naman ay hindi naman kami papalya dahil hindi naman gaano kabigat ang mga trabaho mga lalaki naman ang magbubuhat ng mga alak at kami naman ay maglilista lamang kung saan magdedeliver ang mga wines na ito.
Alas sais na ng hapon at palabas na kami ng building ng mapadaan kami sa botique at hinila ko saglit si jepoy at pumasok kami sa loon at tinignan ang mga damit na nandoon.
" Bibili ka ba? kasi kung hindi magsasarado na kami,it's already 6," taas kilay na ani ng babaeng maganda at medyo may katangkaran rin ito.
" Ahhh...Sorry po miss,nagagandahan lang kasi ako,sambit ko lang at agad naman akong hinila ni jepoy palabas.
Nadismaya nga ako sa botique na iyon sayang naman ang laki ng building ang sungit naman ng amo nila.
Abala nga kami sa paglalakad ng biglang may mabangga kaming isang ginang at kasama nito ang kanyang asawa na tila patungo sa botique."Sorry ineng,okay ka lang ba? tinig ng babae,Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin at tila narinig ko na dati ang tinig ng babaeng ito.
" Ineng,dagdag pang sabi nito at napatingin nalang ako sa kanila." A-Ahh..A-Ayos lang ho ako sige po, saad ko lang at naglakad na ako palayo agad namang sumunod si jepoy saakin at tinanong ako kung bakit daw bigla na lamang nagbago ang mood ko ng makaharap ko ang mag asawang iyon.
" Hindi ko alam ngunit parang narinig ko na dati ang mga tinig nila,Hindi ko kasi maalala ang nangyari noon," malamig kong sabi.
"Ganun ba? bakit naman apektado ka sa boses nila? nagtataka na tanong ng binata.
" Naaalala ko kasi ang boses ng mama ko sa babae kanina,Sambit ko at saka ako tumahimik.
Sumakay nalang ako sa trycicle ng hindi na kumikibo kahit ang dami pang sinasabi at tinatanong ni jepoy.
Ng makarating kami sa bahay ay tuwang tuwa naman ang binata na binalita sa mga magulang nito na nakuha kami sa trabaho at tuwang tuwa naman sina aling Loida saamin.
" Maupo na kayong dalawa,alam ko pagod kayo,kumain na kayo, ani ng matanda at naupo na rin kami at nagsimula ng kumain.
" Agahan mo gumising bukas ah! first day natin sa trabaho kaya agahan naman natin, sambit ko sa binata at agad naman itong tumango dahil hindi makapagsalita dahil puno ang bunganga nito.
Ng matapos na kaming kumain pinagpahinga na nga kami ni aling loida at siya na lamang daw ang mag huhugas,hindi na nga ako nagpumilit pa at pumasok na rin ako sa kwarto ko,lumabas lang ako ulit dahil naligo lang ako at pagkatapos nun ay bumalik naman ako kaagad ng silid at nahiga na,Bago nga ako matulog ay naisipan ko munang tawagan ang kapatid ko at buti naman at sinagot na rin niya ang tawag ko.
" Hello ate," tinig nito.
" Linda,kumusta kayo diyan? pakisabi kay tita nakahanap na ako ng trabaho ko,masayang balita ko sa kanila.
" Hello Xy...Kumusta ka diyan?wag kang gagawa ng gulo diyan huh! ingatan mo sarili mo at tulungan mo rin minsan si Loida, sambit ni tita.
" Opo tita wag kayong mag alala magpapakabait po ako rito,sige na ho,kinamusta ko lang po kayo," saad ko lang agad ko ng pinatay ang linya dahil hindi ko na napigilan pang hindi mapaiyak dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanila,miss na miss ko na kasi talaga sila.
.
.
.
Matapos naming mag umagahan,nag-uunahan pa kami ni jepoy sa pag toothbrush dahil masikip lang ang lababo,ng matapos kami ay mabilis naman kaming umalis at naglakad patungong terminal ng mga jeep." Pag ganito ba naman kabagal ang takbo nito tiyak mapapagalitan tayo, biro pa ni jepoy.
" Hayaan mo na sabihan nalang natin kapag si sir na malayo ang tirahan natin at siguro naman ay maiintindihan niya yun, sambit ko nalang,pati ako ay nababagot na dahil ang bagal ng takbo ng jeep papuntang bayan.
Late nga kami ng isang oras at buti naman ay maganda ang mood ni sir calix at hindi naman siya nagalit.
Abala ako sa paglilista ng mga naka pack na alak binibilang ko rin ang mga naka karton na idinadala sa sasakyan,Umatras nga ako sandali ng may maapakan akong bagay na dahilan upang mapatumba ako at buti nalang ay may kamay na agad sumalo saakin.Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa bewang ko at si sir calix pala iyon,sandali pa kaming nagkatitigan hanggang sa bigla na lamang akong tumayo at lumayo sa kanya dahil hiyang hiya na nga ako sa nangyari na iyon kakaumpisa palang ay palpak na kaagad ang trabaho ko." Sorry sir,Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito kataas na heels,nakayukong ani ko.
" No its okay,pero dapat sanayin mo,nakakahiya naman sa ibang babae kung ikaw lang ang magsasapatos diba? sambit nito at napatingin sa paa ko,iniatras ko naman kaagad ang paa ko para hindi na niya makita pa ang sugat ko roon ng dahil nangangalyo na ito hindi naman kasi talaga ako sanay magsuot ng ganito,okay na ako sa tsinelas at sapatos lang,pero gaya nga ng sabi ni sir kailangan kong sanayin ang sarili ko para maging fair sa ibang mga staff.
Kailangan kong tiisin mag heels mataas at mag makeup araw-araw,grabe naman talaga dapat pati staff mukhang mayaman rin,kaya pala inakala ko noong unang pasok ko rito na yayamanin rin ang mga staff dahil pala iyon ang kagustuhan ng boss ang magmukhang galante pati ang mga staff niya.
YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
RomanceAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...