" Kevin,ngayon kalang ata napadalaw rito," masayang ani ko ng makita ko si kevin.
" Hmmm,Si calix lang ang sadya ko,sige maiwan na kita," sabi lang nito at saka niya ako tinalikuran,Tila napahiya naman ako sa tagpong iyon,parang nagpapansin lang ako sa kanya.
Bakit kaya ganun na ang trato niya saakin?Sinabihan ba siya ni calix na hindi niya ako pansinin? Hindi na niya ako masyado kinakausap,minsan kahit nakikita niya ako sa labas parang hangin nalang ako na dinadaan niya lang." Xyreal bakit ka nakasimangot? para kang sira," natatawang sabi ni belle.
" Yun kasing lalaking yun oh! sabi ko sabay turo kay kevin na nasa di kalayuan na.
" Huy ano kaba,--- totoo naman eh,hindi na niya ako pinapansin sayang crush ko pa naman sana siya," ani ko at padabog akong nagtungo sa store.
" Bakit ba may something ba kayo?
" Wala no,akala ko nga magkaibigan kami eh,pero akala ko lang pala,manhid pala lalaki na iyan...hmmmp,"inis kong sagot.
" Siya nga pala,sasama kaba saamin mamaya? may lakad kami ng iba nating ka-trabaho syempre kasama na rin si jepoy,ano G kaba? sambit nito at nakangiti siya habang inaantay ang sagot ko.
" Hmmm,sige ba ano inuman ba yan? G na G ako,tawagin mo ako mamaya," sagot ko lang at tinatapos ko na nga ang mga gawain ko.
Ilang oras rin ako rito sa store dahil hindi nga ako ngayon naka toka sa paglilista kundi tindera rin ako sa araw na ito,Palabas nga ako ng store at magtutungo lang sana ako sa cafeteria ng makasalubong ko sina calix at kevin,matamis ang ngiti ni Calix habang si kevin naman ay nakayuko habang naglalakad na para bang sinadya niya iyon upang hindi niya ako makita.
"Anong meron bro? tagumpay ka ba? bakit ganyan ka makatingin sa kanya? kevin asked.
" Secret,tanging sagot lang ni calix at nakangiting sumakay sa kotse nito.
"Oh c'mon Don't tell me you're in love with her? That's a good news, bro."
Ngumiti lang din ang binata at hindi na niya inimikan pa ang kaibigan nito.
" Hello Xy,nasaan kana? nandito na kami sa labas,hinihintay ka namin ni jepoy," boses ni belle sa kabilang linya.
" Sandali palabas na ako," sambit ko lang at patakbo nga akong lumabas ng building,agad naman kumaway ang dalawa na nasa kabilang kalsada na pala.
"Tagal mo huh,mamaya magabihan tayo,ah sabagay overnight pala yun,halika dito tayo sasakay," ani nito at sumakay nga kami sa isang van at sa loob nito ay nakaupo na rin ang ibang ka workmates namin.
"Buti at sumama ka xyreal,tama lakad pa naman ito ng mga single tulad natin hindi gaya ng iba diyan," biro ng lalaking kasama namin at kunwari ay pinatamaan niya sina jepoy at belle.
Mahigit isang oras rin ang byahe namin bago kami nakarating sa isang resort,night swimming nga kami kaya malamang overnight kami rito.
Wala nga silang kadala dala ni gamit ngunit ang tanging dala lamang nila ay walang iba kundi ang alak.Sinimulan na rin nila ang party party at nakaupo nga lang din ako malapit sa pool area,ilang sandali pa biglang lumapit ang isang babae at gusto niya na ako ang mangunang uminom sa dala nilang alak,hindi nga ako tumanggi at mabilis akong nagtungo sa cottage.
" Okay para ito sa dalawang mag jowa na to,nawa'y maghiwalay na kayo," sambit ko at sabay tagay sa alak na halos kalahati na ng babasaging baso ang alak na ininom ko.
Naghihiyawan lang din ang iba dahil kinakantyawan nga nila sina jepoy at si belle.
.
.
.
Mag 11:35 na rin at lasing na nga kami,patuloy parin ang iba sa pag inom,nagpaalam naman ako sa iba na maglakad lakad muna ako sa malapit sa pool,nakatayo nga ako habang pinagmamasdan ang kulay asul na tubig ng pool,pag lingon ko sa kanan ay tila nakisap mata ako sa nakita ko,Napatayo nga ako at tinignan kong mabuti kung si calix ba ang nakita ko kanina,ng maaninagan ko iyon ay iba palang tao at malayo sa itsura ni calix." Sabagay bakit naman pupunta si calix rito diba,bulong ko nalang sa sarili ko.
KEVIN'S POV...
" Bro are you sure about that? how about xyreal? Bakit pumayag si sandra na magkita kayo at dito pa talaga sa resort huh,sambit ko may calix.
" Basta,hindi naman malalaman ni xyreal eh,gusto ko lang makasama si sandra,and sorry bro,Something happened last night between sandra and I,And umamin rin siyang mahal niya pa ako,at nasasaktan daw siya sa tuwing nakikita niya kaming magkasama ng kapatid niya,"
" So anong balak niyo.?
" Pumayag si sandra na itago nalang kay xyreal na kami na ulit,please kevin,wag mo na sana mabanggit pa sa iba ang tungkol saamin ni sandra,i trust you bro."
Umiling nalang ako at iniwan ko na siya kasama si sandra nagmadali nga akong nagtungo sa labas at pinagsisipa ko ang gulong ng kotse ko,hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang akong nagalit ng malaman kong niloloko ni calix at sandra si xyreal na wala man lang kaalam alam.
" It's my fault, I shouldn't have allowed them to be together again,bulong habang patuloy parin sa pag sipa sa kotse ko napatigil nalang ako ng may marinig akong pamilyar na boses.
" Kevin ikaw nga...Bakit ka nandito? coincidence lang ba? nagtatakang tanong nito.
" X-Xyreal...A-Ahmmm,na...na...naflat kanina yung gulong ko kaya inayos ko lang,actually paalis na rin ako,ikaw bakit ka nandito? pagsisinungaling ko.
" Nag night swimming ang mga kasama ko sa trabaho niyaya lang nila ako,paalis na rin ako pero gusto ko munang mapag isa kaya iniwan ko nalang sila,May lakad kaba? halika samahan mo kaya muna ako,may alam ka bang bar dito? baka naman gusto mo akong saluhan sa pag inom," ani nito at hila hila ang kamay ko,palingon lingon lang din siya at talagang naghahanap siya ng bar house.
Bakit naman kaya nag aya ito mag inom ng ganito kaaga,tanghaling tapat.
" Ayan na yung alak,tititigan mo lang ba? pagsusungit nito.
" Wala naman kasi akong balak uminom ng ganitong oras," sagot ko lang at nabigla naman ako ng damputin niya ang beer sa harap ko at parang tubig lang na ininom niya iyon.Natawa nalang din ako sa itsura niya na para bang kay bigat ng problema niya para uminom ng ganitong oras,its already 2 pm halos kami lang ata ang customer at tanging siya lang din ang umiinom sa apat na beer na inorder niya.
" Ayaw mo talagang uminom? edi ayaw," papikit pikit na sabi nito.
" Ang bilis mo namang malasing," biro ko lang at hindi ko naman alam na iinumin na naman niya ang isa lang beer.
"Thats enough,your already drunk," pagpipigil ko ngunit sinigawan niya lang ako kaya natahimik nalang din ako at pinagmamasdan ko na lamang siya.
Nakaramdam nga ako ng awa sa kanya dahil para saakin ay napaka inosente pa niya upang lokohin lang ni calix at sandra, Sandra agreed to let Calix court Xyreal, but why did she suddenly change her mind? even now that xyreal has fallen into the trap of my friend calix.

YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
Lãng mạnAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...