CHAPTER 13

21 12 1
                                    

Nadatnan nga ako ni kevin na lasing na lasing pinipilit ko siyang umuwi na lang siya ngunit nagpumilit naman siya na mag stay at sasamahan nalang daw niya ako.

" Mama...Ate...Tulungan niyo ako,Tay wag mo akong bibitawan,tay...tay...." nagising nalang ako dahil sa pagyugyog saakin ni kevin agad naman niya akong pinaupo at pinainom ng tubig.

" you are dreaming,Bakit? may nasabi ba ako? bakit ka umiiyak, aniya.

" Napanaginipan ko lang yung araw na hinayaan ako ng tatay kong maanod sa malaking alon,Bakit niya kaya ako hinayaan nalang? Bakit? Bumabalik na sa ala-ala ko ang araw na iyon,Hinayaan niya akong matangay ng alon,hinayaan niya lang ako," ani ko at nagsimula na akong humagulgol.

" Shhhh...Hindi naman siguro,Naaalala mo ba ang itsura nila? If you want tutulungan kitang hanapin ang pamilya mo," sambit nito ngunit umiling nalang ako.

" No...Hindi na kailangan,Ako nga hindi nila hinanap,its been a years pero lumaki akong wala man lang naghanap saakin," paliwanag ko.

" Okay kung yan ang gusto mo,Tahan na,nandito lang ako if need mo ng maiyakan huh," dagdag pang sabi nito.

Bumalik na nga lang kami ulit sa pagtulog hanggang sa umaga na ng magising kaming dalawa.Nakatitig lang ako sa mukha ni kevin at sobrang nagtatatalon nga ng tuwa ang puso ko kapag kasama ko siya.

" Good morning,biglang sambit nito na agad namang bumangon.

Nginitian ko lang din siya at saka ako nahiga ulit habang siya naman ay agad nagtungo sa banyo.Pagkatapos naming magbihis ay lumabas narin kami upang kumain sa labas ng almusal,Nag paalam rin ako kay sir calix na hindi na muna ako papasok ngayon dahil wala ako sa mood magtrabaho at alam kong gulo lang din ang aabutan ko doon.Mas okay pang kasama si kevin kaysa pumasok sa work.

"Hello xyreal,tawag ni aling Loida saakin.

" Aling Loida bakit ho? napatawag po kayo,pasensya na po hindi po ako nakauwi," sambit ko.

" Ayos lang iyon pero may naghahanap sayo rito sa bahay nak,hindi ko naman sila kilala ngunit ikaw naman ang hinahanap nila," saad sa kabilang linya.

" Huh! sige ho uuwi na po ako ngayon," sagot ko lang at saka na pinutol ang linya.
" Naku kevin,kailangan ko ng umalis,importante lang, " paalam ko sa binata ngunit nag alok naman siya na ihatid nalang daw niya ako.

Mabilis ang pagpatakbo niya kaya naman mabilis rin kaming nakarating sa bahay,Kabado nga ako habang naglalakad papasok sa loob pagpasok ko nga ay ang mama kaagad ni sandra ang bumungad saakin at maluha luha itong yumakap saakin.

" Xyreal anak,Xyreal,jusko anak ko,Akala ko patay kana," mangiyak ngiyak na ani ng matanda at halos mapaluhod na ito,Nagtinginan lang din kami ni kevin habang nagtataka naman ako sa sinasabi ng babaeng ito.

"Maam pasensya na ho,hindi po ako si sandra hindi niyo po ako anak," sambit ko at inalalayan ang babaeng tumayo.

" Totoo ang sinasabi niya,kami ang mga magulang mo,heto tignan mo,DNA test yan,ani naman ng lalaking kasama nito.

Pagkatingin ko nga sa papel ay nanlaki nga ang mga mata ko at nanginginig na ang mga tuhod ko na tila gusto na niyang bumagsak,unti unting tumulo ang mga luha ko sa puntong ito,imbes na tuwa ang mararamdaman ko ay galit naman ang unti unting bumabalot sa puso ko.

"Hindi ko kayo kilala,Baka nagkamali lang ho kayo,hindi ako ang anak niyo," mahina kong sabi.

" Ano para mo ng awa kausapin mo naman kami,Kaytagal akong nangulila sayo,"mangiyak-ngiyak na ani ng babae.

Napatapik naman si kevin sa balikat ko,pinipigilan ko rin ang mga luha ko at napayukom nalang ako.

" Nangungulila? Hinayaan niyo akong matangay ng alon,lalo na ikaw (sabay turo sa lalaki),nagmamakaawa ako sayo na iligtas mo ako ngunit hinayaan mo ako,Ngayon sasabihin niyong anak niyo alo? Ni hindi niyo man lang ako hinanap lumaki ako sa piling ng mga kumupkop saakin,alam niyo nagpapasalamat nga ako at sa kanila ako lumaki eh! umalis na ho kayo,matagal na po akong walang magulang,"Sambit ko lang at hindi na ako umimik.

Hindi naman tumitigil sa pag iyak ang babae at panay ang tawag niya sa pangalan ko.

" Xyreal...pagkakataon mo na ito upang makilala mo ang pamilya mo,Tignan mo small world sina tita pala ang ang tunay mong mga magulang,at ang kaaway mong si sandra ay siya rin pala ang kapatid mo," sambit naman ni kevin.

" Hindi ganun kadali kevin,Mag isa lang ako,Nasanay na akong walang kinikilalang magulang,Alam mo okay na ako kahit wala sila," sagot ko habang unti unti ng naglaglagan ang mga luha ko,marahan kong pinunasan ang mga luhang iyon.

" Hija,hindi sa nakikialam ako,pero sa itsura ng babae halatang nangungulila talaga siya sayo,ang sabi nga niya kanina ang alam nila patay kana raw,ngunit lagi ka raw niyang napapanaginipan kaya noong gabing nakita ka raw niya nagpa imbestiga raw siya na mapatunayan niyang ikaw ang anak nilang matagal ng nawalay sa kanila," paliwanag ni aling loida.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na kumikibo,Nagpaalam na rin si kevin at hinatid ko lang siya sa labas saka na ako nagkulong sa kwarto ko.
Naisip ko ngang tawagan nalang ang kapatid ko upang mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon ngunit mas lalo lang akong humagulgol sa iyak ng marinig ko ang boses ng mga kumupkop saakin,naguiguilty lang ako dahil at nalulungkot habang nangungulila sa kanila.

" Ate...Sambit ni linda.

" Linda...naluluhang ani ko.

" Umiiyak kaba? halata kasi sa boses mo,ate huwag ka ng malungkot,miss kana rin namin," aniya.

" Miss ko na rin kayo,bukas magpapadala ako sa inyo pang gastos niyo sa bahay mag iingat kayo palagi,mahal na mahal ko kayo, saad ko lang at agad kong pinutol ang linya hindi ko na kasi kayang patagalin pa ang pag uusap namin at mas lalo lang akong iiyak.

" Xyreal hija lumabas kana riyan,dumating na si jepoy halika na kakain na tayo," tawag ni aling loida.

Binuksan ko lang ang pinto at agad naman akong nagtungo sa kusina.

" Oh! anong nangyari sayo? ikaw huh! kung ano ano kalokohan mo," sambit naman ni jepoy habang tawa ng tawa.

Seryoso lang din ako at napansin niya ata iyon kaya sumeryoso lang din siya,sininyasan naman siya ni aling loida na tumigil na.

" Kumain kana,kanina mo pa tinitingnan ang kanin mo," rinig kong ani pa niya.

Hindi naman ako nakapagsalita at pinunasan ko lang ang mga luha ko,nagulat naman si jepoy ng makitang umiiyak ako,gusto niya akong tanungin ngunit pinigilan naman siya kaagad ng mama niya,Hindi ko na nga kayang pigilan pa ang mga luha ko maya tumakbo na lamang ako pabalik ng kwarto ko at doon inilabas ang iyak na kanina ko pa pinipigilan.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now