Lunch Break nga namin at nasa cafeteria nga ako dahil inaantay ko si jepoy dahil siya ang kasama kong kakain,wala naman kaming problema sa pagkain dahil libre naman ang mga pagkain rito sa cafeteria.
" Ahmm Ms,Gomez,take this,napansin ko kasing hirap ka maglakad dahil sa sugat sa paa mo,ipahid mo sa sugat mo yan at ilagay mo na rin itong band aid,ani nito at inilapag sa mesa iyon.
" Salamat sir, nahihiya kong sabi at ipinahid ko lang ang ointment sa paa ko at ilalagay ko sana ang band aid ng agad niyang inagaw iyon saakin at kusa niyang inilagay iyon sa kalyo sa paa ko.
" Sir hindi niyo ho kailangan gawin iyan, ani ko ngunit nailagay naman na niya iyon.
" Tauhan ko kayo kaya dapat lang na pahalagahan ko kayo, ani nito at ng dumating si jepoy ay nagpaalam na rin siya.
" Bakit ano sinabi sayo? pinagalitan ka ba niya? may pagdududang tanong ni jepoy.
"Wala naman,nagbigay lang siya ng band-aid saka ointment saakin,napansin niya pala ang mga kalyong naging sugat na sa paa ko,sagot ko nalang at sumubo na ako kaagad dahil nagugutom na rin ako kakaantay sa mokong na ito.
" Napaka OA naman ni sir,rinig kong saad nito ngunit hindi nalang ako sumagot dahil inuna ko na munang kumain.
Matapos akong kumain iniwan ko na nga muna si jepoy at ibabalik ko lang ang pinggan na nagamit ko,saktong dadaan ako ay bigla na lamang akong banggain ng babaeng may ari ng botique,Alam kong siya iyon dahil natitigan ko naman ang mukha niya kagabi.
" Ano ba! kita mo namang dadaan ako hindi ba? Ikaw yung babae kagabi na pumasok sa store namin,Dito ka pala nagwowork sabagay halatang baguhan," pang iinsultong sabi nito.
" Sorry po miss pero nakita niyo naman na dadaan ako pero sinadya niyo parin akong banggain eh, sabi ko lang at pilit parin akong ngumiti.
"Are you saying that I'm lying? that im stupid? galit na saad nito.
" Naku miss hindi po sa ganun,Wala naman po akong sinasabi," sagot kong parang nagmamakaawa.
Agad namang lumapit si jepoy at pansin ko rin si Sir Calix na tumatakbo palapit saamin.
" Sandra, why what happened? ani ng boss namin,at kilala niya pala ang babaeng masungit na ito.
" Itong babae na to iniinsulto ako,ngayon nga lang ako dadalaw dito eh,Galit na sabi ng babae.
" Sir,hindi ko po sinasadya---- its okay,sandra doon tayo mag usap,pagpuputol ni sir calix sa ipapaliwanag ko sana.
" Sandra? napabulong nalang ako.
" Naku girl,lagot ka hindi mo ba siya kilala? siya lang naman ang babaeng kinababaliwan ng boss natin,actually haggang ngayon todo suyo parin yan si sir sa kanya eh! paliwanag ni belle.
Siya pala ang sinasabi nilang dahilan kung bakit broken si sir calix noon.Maganda nga siya ang suplada naman,naku mga tao nga naman dito,sayang ang ganda kung pangit naman ang ugali.
" Xy,okay ka lang? dapat kasi inantay mo nalang ako,ani naman ni jepoy.
" Halika na back to work nalang tayo,siya naman talaga may kasalanan kahit tignan pa nila sa CCTV dito," pagpupumilit kong rason.
" Hayaan mo na talagang mababaliktad ka malakas pala yung babae na yun kay sir eh! sagot naman nito,tama nga siya kahit i-defend ko pa sarili ko kung malakas naman siya sa boss namin ako parin talaga ang magmumukhang mali.
" Buti alam mo," seryoso pang sagot nito.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
" Sandra bakit ka ba nanggugulo dito? calix said.
" No im not cal,yung babaeng iyon naman talaga eh,saka pwede bang huwag mo na akong sisihin? why are you defending that woman? Hindi bat matuwa ka pa nga at dinalaw kita rito, inis na sabi ng dalaga.
"Okay im sorry,hindi ko siya pinagtanggol,pero sana naman hindi mo na pinahiya yung tao ka bago bago pa lang nga eh! said calix.
" Okay fine,doon kana sa babaeng iyon,sambit lang ni sandra at padabog ng lumabas.
"Hoy babaeng basura, Alam mo kung ako sayo mag resign kana dito hindi ka naman bagay rito,i level mo naman ang sarili mo, Inis na sabi ng babae saakin at tila galit na galit.
Agad naman siyang sinundan ni sir calix at tinawag ito ngunit ni lingon man lang ay hindi pa nagawa ng babae.Balisa ngang pumasok si sir calix at seryoso ang mukhang tumingin saakin.
" Sorry sir...--- Can you please stop saying that f*cking sorry all the time? If you're sorry, then it shouldn't happen again,galit na sigaw nito.
Napaatras na lang din ako dahil sa hiya sa lakas kasi ng sigaw nito ay nagtitinginan na saakin ang mga ibang staff at nagbubulungan pa ang mga ito.
" What the hell are you guys staring at? Go...back to work...Dagdag pang sigaw nito at nagdadabog na naglakad pabalik sa opisina niya.
Hay naku ganun ba talaga epekto ng pag ibig? Grabe naman kasi yung babaeng maldita na iyon siya na nga sinusuyo pakipot pa,ano bang ayaw niya kay sir calix mayaman naman at gwapo,o sadyang pakipot lang.
" Huwag mo na isipin yun,heto dalhin mo sa opisina ni sir at dalhan mo na rin siya ng coffee niya," utos ni belle at iniabot ang mga listahan.
" Sandali bakit ako? ikaw nalang nakakatakot boss niyo eh! parang armalite yung bunganga," sambit ko at binalik ko lang ang listahan sa kanya ngunit binalik lang rin niya saakin.
" Ikaw na goodluck,Tawang-tawa na sabi nito at saka tumakbo na palayo.
No choice dito ako nagwowork kaya kailangan kong gawin ito,bumalik nga ako sa cafeteria upang timplahan ng kape si sir at saka ako dahan dahan na nagtungo sa office nito,kumatok lang ako at dahan dahan na pumasok sa loob,inilapag ko lang ang kape sa table nito at saka akong nagsimulang magsalita kahit nginig na nginig na ang boses ko.
"Ano yun? galit na sabi nito.
" Ahmm sir,heto nga po pala ang mga listahan na bigay saakin ni belle,sambit ko at iniabot ang listahan sa kanya.
Humigop lang siya sa kapeng binigay ko at saka niya tinignan ang listahan,ilang sandali pa seryoso itong tumingin saakin at sinenyasan akong umupo sa kabilang table,nanlaki naman ang mga mata ko at sinunod ko na lamang siya,Unti-unti siyang lumapit saakin at hindi ko alam kung napapraning naba ako o nag iimagine lang.
" Hoy!sabi ko i encode mo muna ito bago ka lumabas," Sambit nito at saka inilapag ang papel sa table.
" A-Ahh...S-Sige ho sir,utal kong sabi at naupo na lamang ako at agad inopen ang laptop sa lamesa at nagsimula na rin akong mag encode,mabilis naman akong mag encode dahil sanay naman akong humawak ng laptop buti nga ay may laptop kami sa bahay na dinudutdot ko kung hindi baka tatanga-tanga ako ngayon.
YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
Lãng mạnAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...