CHAPTER 11

21 12 0
                                    

𝐗𝐘𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐏𝐎𝐕...

𝟏𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐋𝐀𝐓𝐄𝐑...

"Hello tita kumusta po kayo diyan? si linda ho kamusta naman siya? natutuwa kong tanong sa tita sabik na rin kasi akong kausapin ang kapatid ko ngunit nasa eskwelahan pa raw ito,pagkatapos naming mag usap pinutol ko na rin agad ang linya dahil babalik na nga rin ako sa work ko baka mamaya ay iirap irap na naman ang masungit kong boss.

" Hey...Xyreal buti at nadatnan kita," nakangiting saad ni kevin.

" Hmm...kevin ikaw pala,hinahanap mo ba si sir Calix? nasa office siya kakatapos niya lang nag dragon eh! badmood ata dahil kay maam sandra," sambit ko.

Habang naglilista naman ako ay kinekwentuhan naman ako ni kevin,medyo hindi naman ako makapag focus dahil may madaldal sa harap ko.

" Sige maiwan na muna kita,puntahan ko muna ang masungit niyong boss," sambit nito at nagmadali ng nagtungo sa opisina ni sir calix.

Ang cute naman niya kausap madaldal rin pala,Sa isang buwan na nakakasama ko si kevin napagtanto kong mas mabait siya konti kumpara kay sir calix,Saka lang mabait si sir kapag nasapian na eh,ewan ko ba doon sa boss naming iyon minsan sinasapian ata.

" Hoy,nasaan si calix? biglang tanong ni maam sandra at hinila pa talaga ako paharap sa kanya at galit na galit ito.

" Nasa loob po siya kasama si---hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang niya akong sampalin.

" How dare you flirting mg boyfriend," galit na galit na sigaw nito,nagtitinginan na rin saamin ang mga katrabaho ko dahil sa pag I-skandalo nito.

" What the hell are you talking about? hindi ko po siya nilalandi at wala po akong intensyon na ganun," sagot at agad naman niyang pinakita ang larawan na magkasama kami ni sir calix sa iisang kwarto,bigla ko ngang naalala noong time na umattend kami sa meeting at hindi ko naman alam na sa room ko pala natulog si sir calix that night.

" Mali po kayo ng iniisip,siguro nakitulog lang ho siya,hindi ko na po namalayan na sa room ko siya natulog," paliwanag ko ngunit nagalit lang siya lalo at agad akong sinabunutan.

" Ang sabihin mo nilalandi mo ano habol mo sa kanyan pera? manggagamit,tigilan mo siya hindi mo ba ako kilala ako ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo," sigaw nito habang patuloy parin sa pagsabunot saakin,bigla rin niya akong tinulak ng dumating sina sir calix at si kevin,napaupo nalang ako sa sahig at agad namang lumapit si kevin saakin.

" Are you okay? may sugat ang tuhod mo," nag aalalang tanong nito.

" Sandra,what the hell is this," sigaw ni sir calix.

" Why don't you ask yourself? Explain it. " sigaw lang ulit ni sandra at pinakita kay sir calix ang picture naming magkasama.

" Walang malisya yan,sinamahan ko lang siya sa room niya at isa pa wala siyang alam na sa kwarto niya ako nakitulog,at isa pa kakarating lang ni kevin that time," paliwanag nito.

" Then bakit siya ang sinama mo,bakit hindi ako?---Dahil ayaw mo akong kausapin diba? wala kang balak kausapin ako,ni hindi ka nga nagpaparamdam saakin eh kahit tuldok na text wala akong natatanggap galing sayo,Hindi ko alam anong nagawa ko sayo sandra,Kung wala ka ng balak balikan ako then sabihin mo na saakin ngayon para hindi na ako aasa pa sa wala,At ito tatandaan mo, Stop causing a scene in my office, and don't also provoke xyreal,Lagi mo nalang siyang pinag iinitan ng ulo," galit na sabi ni sir calix.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang napa atras si maam sandra ng marinig ang pangalan ko,Tila bigla na lamang siyang naguluhan at maluha luha ang kanyang mga matang tumingin saakin.

" No...No..No..." tanging sabi lang nito at saka tumakbo palabas, agad naman siyang sinundan ni sir calix at agad naman akong inalalayan ni kevin na tumayo patungo sa sofa.

" Kumuha kayo ng bandaid,may sugat si xyreal sa tuhod niya," utos nito.

Ilang sandali pa dumating naman na ang inutusan nito at agad naman niyang nilinis ang sugat sa tuhod ko at saka nito inilagay ang band-aid.

" Sorry for what Sandra's did,nagbago na talaga siya,dont worry kakausapin ko nalang siya pag medyo hindi na mainit ang ulo niya," mahinhin niyang sabi.

" Hindi ko rin siya maintindihan sa dinami-dami ba naman ng nakakasamang babae ni sir calix ako pa pinag iinitan niya," sambit ko  at pinipigilan ko lang ang mga luha kong unti unti nang pumapatak.

Hindi na nga ako tumagal pa sa pag uupo lang at kinailangan ko na ring bumalik sa trabaho ko,Si kevin naman ay nanatili lang sa office ni sir calix at doon daw muna siya magpapalipas ng oras.
Abala nga lang ako sa pag che-check ng mga listahan ng wines ng bigla akong lapitan ni sir calix at agad akong niyakap nito bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon.

" Sie please," bigla kong sabi at agad ko siyang itinulak palayo saakin.

" Xyreal,Im sorry kung nadadamay ka,S-Sorry kung pinag iinitan ka ni sandra," paghingi nito ng tawad.

" Okay lang saakin sir pero sana wag niyo naman na po sanang ipahalata ang issue niyang iyon,Sir hindi po ako sanay sa ganitong gulo,kaya ho kung pwede lang huwag niyo nalang po akong kausapin o huwag nalang po kayong maging over protective saakin,Si maam sandra po ang girlfriend niyo at hindi po ako siya po dapat ang binibigyan niyo ng atensyon,sorry po sa word ko sir," seryosong sabi ko at saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Ilang oras nalang ay uwian na namin,nakaupo nga lang ako sa may bodega habang tulalang nakatingin sa labas,hindi ko rin napansin si kevin na kumakaway palapit saakin.

" Xy...Xyreal iniisip mo parin ba ang nangyari kanina? tinig nito.

" Hindi...,hindi ko naman kailangan isipin pa yun,alam ko namang wala akong ginagawang masama,Saka hindi ko ugaling lumandi sa iba no."

" Hindi nga...then bakit parang nasasaktan ka naman,may pagtingin kaba kay calix? biglang tanong nito,napatingin naman ako kaagad sa kanya at inirapan lang siya.

" Ano kaba hindi no...Mabait lang siya,at boss ko siya,Pero sa totoo lang hindi naman siya mahirap magustuhan eh! ani ko at agad akong tumayo patungo sa labas,agad namang sumunod saakin si kevin.

" How about me? dagdag pang tanong nito.

" What about you kevin? balik tanong ko rin sa kanya at tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

" Mahirap ba akong mahalin? Sambit nito at ngumiti lang ngunit alam kong ngiting papilit lang ang pinakita niyang iyon.

" Ano kaba,ofcourse not,Mas madali ka ngang mahalim eh,siguro pag nagka girlfriend ka,napaka swerte niya siguro bukod sa gwapo kana mabait ka pa," sabi ko lang at hindi ko namalayan ang kamay kong humawak sa ulo nito.

Agad ko namang binawi ang kamay ko at napansin ko kaagad ang pag ngiti ng binata sa ginawa kong iyon.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now