CHAPTER 9

18 13 2
                                    

Paggising ko ng umaga,nabigla nga ako ng may nakalatag na sa kama na damit at agad naman akong napayakap sa katawan ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si sir calix.

" Ako naglagay nyan,isuot mo yan,magbihis kana at aalis na tayo," sambit lang nito at agad ring lumabas.

Napasuklay nalang ako sa buhok at bumuntong hininga,Agad na rin akong tumayo at nagtungo sa cr.

Hindi ko nga mahanap si sir calix sa kaya naisip ko nalang lumabas at magtungo sa kotse nito at sakto nga ang paglabas ko dahil nag aantay na pala siya roon.

" Get in," ani lang nito,mabilis rin akong sumakay at agad naman niya iyong pinaharurot.

Abala nga si sir Calix sa pagdadrive kaya hindi na lamang ako kimikibo,napansin ko ring ibang way ang dinadaan namin at hindi papuntang opisina kaya hindi ko na napigilan pang tanungin siya.

" Ihahatid kita sa inyo,magpahinga kana muna don't worry bayad parin ang day-off mo ngayon," mahinang ani niya.

" Pero sir okay lang naman ako pwede naman akong pumasok,"

" No...Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi so ipahinga mo nalang muna," ulit na sabi nito,ayoko na ngang painitin pa ang ulo niya kaya pumayag na rin ako.

Pagkahatid niya saakin ay agad naman niyang kinuha ang mga damit na binili niya kagabi at ibinigay saakin,hindi na rin siya nagtagal pa at agad na ring umalis ito.

"Oh xyreal,Hindi ka umuwi kagabi,nabanggit ni jepoy na isinama ka raw ng boss mo sa meeting niya,siya ba yung boss niyo? parang nakita ko na dati ah," ani ni aling loida.

" opo,siya po yung naghatid saakin dito noon,siya rin po ang nag offer saakin na mag apply sa kumpanya nila," sagot ko lang.

" Oh sige hija magpahinga kana muna,may naluto ng pagkain riyan kumain kana lang mamaya ah,aalis na rin kami ng tito mo,si jepoy maagang bumiyahe papunta sa trabaho niyo,oh siya sige na,"paalam pa nito at saka na rin sila umalis.

Naupo nga lang ako sa sala habang nakatingin sa labas,medyo nalulungkot lang ako dahil miss na miss ko na rin ang pamilya ko sa probinsya lalo na ang kapatid ko.Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip kung ano na ang kalagayan nila doon,gustong gusto ko ng umuwi ngunit hindi naman ako pwedeng umuwi ngayon na wala man lang naipon.

Saktong paghiga ko sa sofa ay bigla ring nag ring ang cellphone ko hindi naman kilalang number ang tumatawag ayaw ko sanang sagutin ngunit makulit naman ito.

" Hello sino po sila? tanong ko kaagad sa kabilang linya naman ay tanging tawa lang ang narinig ko.

"Ako ito si kevin, Where are you? Can we meet? boses nito sa kabilang linya.

" Sir kevin ikaw pala,saan mo naman po nakuha ang number ko?

" Kay jepoy, He said that he knows you and he also said na he is your friend, so I asked for your number from him,susunduin kita sa inyo,see you," sambit lang nito saka niya pinutol ang linya.

Kabadong kabado namam ako at mabilis na nagtungo sa cr upang maligo,Medyo naeexcite ako na hindi dahil ikaw ba naman yayayain ng isang gwapo at mayaman na lalaki lumabas aba ngayon lang mangyayari ito sa tanang ng buhay ko.

Natapos na ako lahat lahat at inaantay ko nalang ang tawag ni sir kevin,ilang sandali pa nakarinig na ako ng malakas na pag busina mula sa labas kaya mabilis na rin akong nagtungo sa kinaroroonan niya.

" Ang layo pala ng bahay niyo,tapos sa bayan ka pa nagwowork,buti hindi kayo nahihirapan sa pagsakay," ani nito sa mahinahong boses.

" Naku sir sanay na ho kami,kailangan namin magtiis no choice eh! nakangiti ko ring sagot.

" So tara na? sambit nito at mabilis nagtungo sa kabilang pinto at pinagbuksan niya pa ako,tumatalon naman sa sobrang kilig ang puso ko dahil sa kabaitang pinapakita ng lalaki saakin.

Habang nagda-drive nga ito nahihiya nga akong kumibo baka isipin pa niya nagpapapansin pa ako,porke niyaya ng lumabas feeling close na.

" By the way,bakit pala hindi ka pumasok ngayon? pagbabasag nito ng katahimikan.

" Hindi na po ako pinapasok ni sir calix,sabi niya magpahinga na lang daw po ako,"

" Ganun ba? sorry niyaya pa kita imbes na magpahinga ka," malamig na boses nito.

" Naku sir okay lang,mag isa lang din naman ako sa bahay," tugon ko.

" Please don't call me sir, just call me Kevin because it feels awkward, it's like I'm too high up," saad pa nito.

" Sige po," sagot ko nalang.

Hindi na nga kami nagkibuan at patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang malaking mall at niyaya niya akong pumasok doon,Parang napaka ignorante ko nga dahil ngayon lang din ako nakapasok sa ganitong kalaking mall sana nga ay kasama ko ang kapatid ko tiyak na matutuwa yun kung sakali.

" Halika rito,doon tayo " sambit nito at hila hila ako patungo sa mga rides,Agad naman niyang kinausap ang guard doon at sabay kaming sumakay sa kabayong umiikot ikot,jusme nagmukha na kaming bata nito.

Tuwang-tuwa nga rin ako at sobrang nag eenjoy kasama si kevin,hindi lang siya mabait sobrang napaka caring din niya.

" Nag enjoy ka ba? halata eh..biro nito.

" Oo,salamat huh,para akong bumalik sa pagkabata," sagot ko lang,nabigla ako ng hilain niya ulit ako papuntang park at sumakay naman kami sa isang viking first time ko nga lang din sumakay nito kaya noong umandar na iyon ay sobrang lakas talaga ng sigaw ko hanggang sa dumuyan nga ng malakas ay napayakap nalang ako kay kevin ng wala sa oras.

" Are you okay? takot ka pala sa ganito," seryosong ani nito,hindi naman ako umiimik at mahigpit lang ang yakap ko sa kanya.

Hilong hilo nga ako ng makababa na kami agad naman akong humingi ng tawad sa binata dahil sa ginawa ko kanina sa kanya.

" Its okay,look," ani nito at pinakita saakin ang mga kuha nitong larawan kanina.

" Hala...ang pangit ko naman diyan,hindi ko po napansin na kinuhanan mo pala alo ah," nahihiya kong sabi.

" Remembrance natin to,ang ganda nga eh lalo na ikaw," saad nito at napatingin nalang ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kilig ko sa lalaking ito.

" Ano ka ba sir...ay k-kevin pala,wag ka magbiro ng ganyan baka maniwala pa ako," biro ko naman sa kanya.

" I'm not joking, you're really beautiful,i swear," seryoso lang na sabi nito,ngumiti naman ako sa binata ng pilit at iniba ko nalang ang usapan,kunwari ay niyaya ko na lang siyang maupo habang pinagmamasdan namin ang mga batang sumasayaw doon.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now