CHAPTER 10

32 13 1
                                    

" Halika kumain muna tayo,medyo nagugutom na rin ako," yaya nito at nagtungo nga kami sa mamahaling resto.

" Naku pwede naman sa iba nalang ang mahal kaya rito," tugon ko sa binata ngunit umiiling iling lang ito.

Pinaupo nga lang niya ako at nag order na siya ng makakain namin,nagkwekwento naman siya saakin habang hinihintay namin ang order.

" By the way, What's your name again? tanong nito.

" Xyreal...Xyreal Gomez," masayang pagpapakilala ko naman sa kanya.

" Wow,what a beautiful name like you,saan naman galing ang Gomez " tanong uli nito na hindi ko kaagad nasagot.

" Ahmmm...Long story,Hiram lang ang apilyedo kong iyan,Gomez po ang gamit ko dahil iyon ang apilyedo ng mga kumupkop saakin,Hindi ko po alam kung saan ako nagmula eh,bata pa kasi ako noong mawalay ako sa mga magulang ko,actually hindi ko nga maalala eh,kaya xyreal ang pangalan ko dahil xyreal kasi ang nakalagay rito sa bracelet na ito,kaya yun ginaya lang din ng mga kumupkop saakin," maluha luhang kwento ko sa binata.

" S-Sorry to hear that,dapat pala hindi na ako nagtanong," nahihiya namang ani niya.

" Hindi okay lang mas okay nga yung alam mo yung kwento ko,saka mukha ka namang mapagkakatiwalaan eh."

" Oo naman...Kain na tayo," pagiiba nalang niya ng usapan,nagsimula na nga rin kaming kumain.

Kung saan saan nga kami nagtungo ni kevin at kung saan saan rin kami pumasyal,hindi ko rin inaasahan na ipag sa shopping niya ako ng kung ank anong gamit na binili niya,sobrang hiya ko nga dahil halos lahat ay siya ang gumastos ni piso nga ay wala man lang akong nailabas.
Alas singko na rin ng ihatid niya ako sa bahay sobrang bait nga niya dahil hindi lang ako ang binilhan niya,binigyan niya rin ng pasalubong sina aling Loida at ang asawa nito,nagbigay rin siya ng mamahalin na pabango kay jepoy.

" Okay, I'll go now, see you again, thank you  pala sa pagsama saakin,sana maulit pa yun,bye," paalam nito at sumakay na sa kotse niya.

" Ingat ka pauwi,thanks sa mga ito," sambit ko lang at kumaway naman ako sa kanya bumisina naman siya bago ito tuluyang umalis.

" Woiii...Ang bango nito,sobrang mahal naman ng pabango na ito," ani ni jepoy.

" Sino ba iyon hija? manliligaw mo ba? nakangiti namang tanong ng papa ni jepoy.

" Naku tito hindi po,kaibigan lang," natatawang sagot ko.

" Asus kunwari ka pa,saakin niya kinuha number mo,hinahanap ka kaya niya sa opisina kanina," saad ni jepoy habang tuwang tuwa sa pabangong hawak niya.

"  Kaya pala eh,pero kaibigan ko lang po,actually bestfriend siya ng boss namin,sige po magpahinga na ho ako,ah aling loida hindi na po pala ako kakain,kumain po kasi kami sa labas," sambit ko lang at saka na ako nagtungo sa silid ko.

Agad ko ngang binagsak ang sarili ko sa kama at kilig na kilig habang iniisip ang mga magandang nangyari kanina kasama si kevin,ano ba itong nararamdaman ko,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, Am I falling in love? Oh my god...wag naman sa mapanakit lord.
Habang inaayos ko ang mga gamit na binili ni kevin hindi nga maipinta ang ngiti sa mukha ko.

𝐂𝐀𝐋𝐈𝐗 𝐏𝐎𝐕...

" Hey bro,Buti naman at bumisita ka rito sa bahay," tanong ko kay kevin nandito kasi siya ngayon sa bahay dahil binisita niya rin sina mom and dad na siyang kinikilala niya ring ama at ina mula pa noong bata kami.

" Ofcourse,Cheers,"ani nito.

" So,kailan ka babalik ng US? wala ka nabang balak?

" I think hindi na muna,gusto ko munang i enjoy ang buhay dito sa pinas, by the way bro,kumusta kayo ni sandra? biglang tanong nito.

" Hindi kami okay sa ngayon pero i will do my best para magkabalikan kami ulit,pero sa tingin ko ayaw na niya talaga," sagot ko lang habang nakatingin sa picture namin ni sandra.

" Nagpapakipot lang yun,malay mo chinachallenge kalang niya kung bibitaw kaba talaga o hindi,ganyan naman talaga mga babae eh,saad lang ng bff ko.

" I'll try...ikaw? may girlfriend kana ba? madaming babae sa US wala ka man lang ba nagustuhan? natatawa kong biro.

" Sorry per wala, but there's a girl I like but she's too serious and obviously doesn't care about guys."

" Sino naman iyan para matulungan naman kita."

" Secret no need,boyish kaya yun," sambit pa nito at sinabayan pa niya ng tawa.
.
.
.
It's already morning and I'm about to go to the office when I immediately noticed xyreal cleaning my office.

" Bakit ikaw ang naglilinis dito? hindi mo yan trabaho," inis kong sabi.

" Okay lang sir,wala pa ang sekretarya mo kaya ako nalang po muna malapit naman ng matapos sir,bibilisan ko nalang," saad lang nito at binilisan naman niya ang pagpupunas sa mga table at bintana ng office ko.

Lumabas nalang muna ako para hindi na siya maistorbo sa paglilinis,habang palabas nga ako nakalimutan ko nga ang cellphone ko kaya agad kong binalikan,nagulat nga kaagad si xyreal sa akin kaya nataranta ito at biglang gumalaw ang hagdan na inaapakan niya dahilan upang mahulog ito,mabilis naman akong lumapit sa kanya at sinalo,napatitig nga ako sa mukha niya at kitang kita ko nga ang maaliwalas na mukha nito,kung tutuusin ay may angking ganda rin siya ngunit napaka simple lang niyang babae hindi katulad ng iba.

" Sorry sir...Sige po ilabas ko lang po ang mga ito," natataranta niyang sabi.

" Hmmm.wala bang masakit sayo? nag aalala kong tanong,hindi ko rin alam kung bakit pagdating sa kanya ay napaka alalahanin ko samantalang sa iba ay wala naman akong pakialam.

" Opo,okay lang po ako,sige po sir," sambit niya ulit at saka lumabas bitbit ang mga walis habang tulak tulak naman niya ang hagdan.

Natawa nalang ako sa itsura niya halatang sanay naman siya sa trabaho ngunit hindi lang siya sanay sa mga heels,bigla ko na lang hinawi ang mga ngiti ko hindi ko rin alam bakit napapa ngiti nalang ako sa babaeng iyon, She is beautiful and sexier compared to Sandra, the only difference between them is that Sandra is more decent and Xyreal is just so simple.

Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara i know myself na wala namang laban si xyreal kay sandra at isa pa mayaman si sandra,hindi ko naman dapat sila pagkumparahin,teka bakit ba si xyreal na lang ang iniisip ko imbes na iniisip ko kung paano ko susuyuin si sandra.

Hindi ko rin maintindihan si sandra kung bakit bigla na lamang siyang bumitaw ng wala namang dahilan,Sabi niya hindi siya makapag focus sa relasyon namin dahil sa kapatid nito, I don't understand why until now she still blames herself, even though her sibling has been dead for a long time.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now