CHAPTER 22

17 8 0
                                    

𝐊𝐄𝐕𝐈𝐍'𝐒 𝐏𝐎𝐕...

" Naku hijo wala siya rito,ang sabi ni jepoy inihatid raw niya sa terminal noong mga nakaraang gabi," sambit ng mama nito.

" Ma,bakit mo sinabi? ang bilin ni xyreal wag na daw sabihin pa sa kanila,alam mo bang galit siya sa kanila," puna naman ni jepoy sa mama nito.

" Abay wala akong alam diyan,nag aalala na ang magulang ng bata kaya dapat lang na hanapin siya," ani naman ng mama niya.

" Saan po ba siya nagpunta? at bakit siya nagtungo sa terminal? nagtataka kong tanong.

" Taga probinsya siya eh kaya bibisitahin raw niya ang pamilya niya doon," sambit ni jepoy na tila may galit din sa boses nito.

"Ahmmm,Saan ko po ba pwedeng puntahan si xyreal? Ano po bang address nila? pupuntahan ko po siya," sambit ko at agad naman isinulat ng ale ang address nina xyreal sa papel.

" Pupunta ka sa kanila? tanong ni jepoy.

" Oo kung kinakailangan,sagot ko at mabilis namang lumapit si jepoy saakin na tila batang nanghihingi ng candy.

" Sasama ako...okay lang ba? ani nito,napatingin naman ako sa ina niya at agad namang tumango iyon.

" Mas mabuti pa nga hijo kung isama mo na lang si jepoy,alam niya doon dahil magkakapitbahay lang naman kami," saad lang ng mama nito,pumayag naman ako kaagad at dali dali rin nagtungo si jepoy sa silid at kukuha lang daw ito ng damit niya.
.
.
.
Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon at halos apat ma oras na kami ngunit hindi pa kami nakakarating,Ganito pala kalayo ang lugar na kinalakihan ni xyreal.

" Diyan...Diyan...pasok ka sa kalsadang iyan," saad ni jepoy habang tinuturo ang daan paliko.

Sinundan ko nga lang din ang sinasabi ng kasama ko hanggang sa makarating kami sa bahayan at nakakita kami ng bahay na napalibutan ng ilaw at may mga tulda sa taas nito na para bang namatayan ang may ari ng bahay na iyon.

" Diyan ang bahay namin,at bahay naman nina xyreal iyan,bakit namatayan ata sila," sambit ni jepoy at dali daling bumaba at tumakbo patungo sa sinabi niyang bahay nina xyreal.

Agad rin akong bumaba at sinundan si jepoy,nasa labas palang ako ay tanaw ko na kaagad ai xyreal mula sa pinto at nakangiti itong yumakap sa kaibigan niya.

" Bakit ka nandito? sino kasama mo? tanong ni xyreal kay jepoy.

" Ako,Xyreal,how are you? nakangiti kong sabi ngunit lumabas lang ito at nag tungo sa may malaking puno na medyo malayo na sa bahay nila,sinundan ko naman siya kaagad kahit alam kong magagalit ito saakin.

" Anong ginagawa mo dito? ano kasama mo ba ang manloloko mong kaibigan? umalis na kayo,hindi ko kailangan ang pakikiramay niyo," galit na sabi nito.

" No,kami lang ni jepoy ang pumunta rito,hinahanap kita sa inyo pero ang sabi ng mama mo ilang araw ka daw wala,buti at nagpunta ako kila jepoy at sinabi naman niya kaagad na umuwi ka rito sa inyo," seryoso kong sagot.

" Kung ganun umuwi na kayo kaagad,Dahil hindi na ako babalik sa lugar niyo."

" Xyreal teka lang,pigil ko sa kanya ng akmang tatalikuran na naman niya ako.

" Bakit ba? tigilan niyo na ako,Alam kong may alam ka rin sa pinag gagawa ng kaibigan mo,umamin ka nga noong araw na nakita kita sa resort kasama mo ba si calix noon? tanong nito at halatang hinintay niya talaga ang sagot ko.

" Yes,kasama ko sila ni sandra, ani ko at nanlaki lang ang mga mata niya.

" Kita mo na so pinagtatakpan mo rin siya,kaya na hindi mo ako pinapansin noon? dahil inutusan ka ni calix na wag mo akong kausapin?

" Hindi,Sinadya ko talaya iyon para hindi ako masaktan," mahinahon kong sabi.

" Masaktan saan kevin? ako nga pinagkaisahan niyo eh,----Xyreal gusto kita,Pero noong nakita ko kayo ni calix na naghahalikan sa office niya nasaktan ako,ang akala ko gusto mo na rin siya,na mahal mo na rin siya,kasi hindi ka naman papayag magkipag halikan sa kanya kung hindi kayo diba?

" Gusto mo pala ako,bakit hinayaan mong lokohin ako ng kaibigan mo? dahil ayaw mong masira friendship niyo? o naduduwag kalang, inis na sambit nito.

"Xyreal hayaan mo naman akong mag explain sayo,That time na nagpunta kayo sa resort,pinagmamasdan kita noon habang nakaupo ka sa pool,hindi ko alam kung nakita mo rin kami ni calix eh," paliwanag ko.

" Kaya pala,akala ko nakikisapmata lang ako ng makita ko si calix,Kasama niya lang pala ang kapatid ko,tsssk hayaan mo na halika na wag kang makulit at baka multuhin ka ng kapatid ko," sambit nito at nauna ng naglakad pabalik sa bahay nila,napangiti nalang din ako dahil hindi na ganun kagalit saakin ai xyreal.

" Magkape muna kayo,xyreal pakainin mo na kaya sila para makapag pahinga na rin sila," utos ng tita ni xy at inilapag ang kape sa lamesa.

" Hindi ho,kumain na po kami ni jepoy kanina," sambit ko at agad ko namang siniko si jepoy.

" Ahhh opo tita,hindi na busog pa nga kami," sagot naman ni jepoy.

" Sige na ubusin niyo nalang yang kape at doon kayo matutulog sa kwarto dun,saad naman ni xyreal sabay turo sa isang kwarto.

Hindi pa namin nauubos ang kape ay hinila na kami kaagad ni xyreal papunta sa kwartong tinuturo niya kanina.

" Dito kayo matulog,sige na magpahinga na kayo,maaga kami aalis bukas dahil burol na ni linda," seryoso ang mukhang sabi nito.

" Teka iiwan mo kami? b-baka kwarto ng kapatid mo to,Utal kong sabi at nakahawak na pala ako sa kamay niya.

" Kalalaking tao takot sa multo,ano ba kayo kwarto ko to, diya na kayong dalawa dito nalang ako matutulog mamaya sa sofa," sambit lang niya at saka na ito lumabas.

Hindi naman halatang takot ako,marahan nga akong dumikit kay jepoy at kinuha ang kumot na nasa paanan namin.

" Huy,ano kaba bakla kaba? bakit ka dikit ng dikit saakin? bakit kaba nakakumot ang init init," inis na sabi ni jepoy at agad ngang inagaw ang kumot at ibinato sa sofa malapit sa higaan ko.

Ilang sandali pa napansin kong pumasok si xyreal at nahiga sa sofa.

" Bakit gising kapa? tulog na yang kasama mo," ani nito na bakas sa mga mata niya ang lungkot sa pagkawala ng tinuring niyang kapatid.

" Hindi ako makatulog eh,Ani ko at saka ako naupo at humarap sa kanya.

" Pilitin mo nalang,pasensya na hindi kami mayaman gaya mo kaya masikip lang ang kwarto ko," seryoso lang na sagot niya at saka siya tumalikod,hindi ko na lang din siya sinagot pa at hinayaan ko nalang na matulog siya kitang kita rin sa mata niya ang puyat dahil nangingitim na rin ang eyebags nito dahil narin siguro sa kakaiyak niya.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now