CHAPTER 14

20 12 1
                                    

" Xyreal,totoo ba? kapatid mo si maam sandra? nagtatakang tanong ni jepoy.

" Huh! paano mo nalaman ang bagay na iyan? tanong ako lumingon lingon ako sa paligid namin at nagbubulungan nga mga ibang katrabaho namin.

" Nagpunta rito ang mama ni maam sandra at hinahanap ka niya kay sir calix,sinabi niyang ikaw daw ang nawawala nilang anak,totoo ba? kaya kaba umiiyak kagabi dahil doon? sambit pa nito ngunit imbes na sagutin ko ay mabilis nalang akong nagtungo sa bodega.

" Xyreal...Xy...rinig ko pang tawag nito.

Ang bilis naman kumalat ng issue na yun,hindi naman kasi totoo bakit pa ako nadadamay,ang hirap umiwas.

" Nasaan siya? rinig kong tinig ni sandra,Lumabas naman ako kaagad at hindi na ako natatakot na harapin siya.

" Ako ba hinahanap mo? sambit ko habang naglalakad patungo sa kanya.

" Ikaw nga,Tigilan mo ang pamilya ko huh,una si calix tapos ngayon ang pamilya ko,ano bang pinakain mo sa kanila at umaasta kang parang kapatid ko,you are not my sister so stop ruining my life," galit na saad nito.

" Tama ka nga,hindi ako ang kapatid mo,Sabihan mo ang mama mo dahil siya ang habol ng habol saakin,Wala akong pamilyang pabaya sa anak,kaya deserve niyo lang mawalan," hindi ko sinasadyang sabi at agad nalang lumipad ang kamay nito sa pisngi ko.

" Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang pamilya ko dahil wala kang alam sa pinagdaan namin," saad nito at nagtatagilid na ang mga luha niya.

" Oo nga...wala akong alam,pero kayo? may alam din ba kayo sa pinagdaan ko? wala diba? noong araw ma hinayaan ako ng papa mong matangay ng alon,iniligtas niyo ba ako? hinanap niyo ba ako? hindi dahil mga wala kayong kwenta," Mangiyak ngiyak kong sabi bigla nalang din sumeryoso si sandra at unti unti naring umiyak.

" So totoo nga? Ikaw ang kapatid ko? Is this true? H-Hindi ka P-Patay? nagtatakang saad niya at akmang hahawakan sana niya ang mukha ko ng pigilan ko siya.

" Hindi tayo magkapatid,Wala akong kinikilalang kapatid,At lalong-lalo ng hindi ko kayo kinikilalang pamilya," ani ko at saka ako bumalik ng bodega,napasandal nalang ako sa pader at muling humagulgol.

Bakit ngayon pa? Kaya pala hindi nila ako hinanap dahil patay na pala ako sa puso nila.
.
.
.

" Bro...magkapatid si sandra at saka si xyreal,ani ni calix sa kaibigan nitong si kevin.

" Oo nga daw pero hirap pa si xyreal na tanggapin iyon."

" Kung ganun mas malalapit ako kay sandra  kung gagamitin ko si xyreal right? ani pa nito.

" What? Are you out of you f*cking mind calix? gagamitin mo si xyreal para mapalapit ka kay sandra? inis na sabi ni kevin.

" Kevin,mahal ko si sandra at kung kinakailangang gawin ko yun para magkaayos kami gagawin ko," sagot lang nito.

" Calix napaka inosente naman ni xyreal para gamitin mo lang," kevin said seriously.

" Basta bahala na."
.
.
.
" Xyreal,Tanghali na hindi ka paba kakain? halika sabayan mo na ako," sambit ni sir calix at hila hila ako patungo sa cafeteria.

" Salamat sir pero hindi po ako nagugutom,samahan nalang kita," sambit ko lang at saka ako naupo.

" Alam mo, Give them a chance to be with you, You're wrong in thinking, they didn't abandon you."

" Sorry sir,pero hirap paniwalaan eh!

" Please makinig ka,ako ang boyfriend noon ni sandra kaya alam ko ang pinagdaanan niya,Ang hirap ko siyang niligawan noon dahil mas priority niya ang botique na pangarap daw ng kapatid niya,kapag magkasama kami,lagi siyang umiiyak at lagi niyang sinisisi ang sarili niya dahil hindi ka man lang daw niya nailigtas noon,Araw-araw gabi gabi siyang umiiyak kung alam mo lang,tinatagan niya ang loob niya para makapagtapos siya at nagtrabaho siya at nagpagawa ng botique na pangarap niyong dalawa,wag kang magalit sa kanila dahil hindi mo rin alam ang pinagdaanan noon ng pamilya mo," paliwanag nito.

" Sorry sir pero hindi ko po alam kung paano ko tatanggapin ngayon."

" Pagbigyan mo nalang ang mama mo,halos siya ang nagdudusa sa pagkawala mo noon,speaking of your mom...Tita," sambit nito at nilapitan niya ang kausap niya mula sa likod,hindi nga ako lumilingon at nanatili lang akong nakayuko mula sa pinag uupuan ko.

" Kung okay lang sayo hijo,pwede ko bang yayain saglit si xyreal? sambit ng babae agad namang pumayag si sir calix at sinabihan niya akong sumama muna sa babae.

" Pero sir may work pa po ako---sige na,nakangiti lang na sabi niya.

Kahit ayaw ko nga ay napilitan na lang akong sumama sa matandang babae nagtungo nga kami sa kabilang building.

" Nandito na kami," masayang sigaw ng babae agad namang lumabas ang asawa nito at pati narin si sandra.

" Maupo ka...buti naman at pinag bigyan mo kaming makasama ka kahit sa hapag-kainan man lang," ani ng lalaki.

Ngumiti lang din ako ng peke sa kanila ng hindi umiimik.

" Anong gusto mo? nagluto ako ng paborito mo,heto o alam kong paborito mo itong ginataang gabi,ako nagluto nyan," masayang ani ng ginang at saka nagsalin sa pinggan ko. " sige na...tikman mo,dagdag pang sabi nito.

Para hindi nga sila mapahiya ay sumubo na nga ako at halos naiiyak na rin ako dahil ngayon ko lang ulit natikman ang paborito kong pagkain na niluluto niya noon.

" Anong lasa ganun pa rin ba? nakangiting sambit ng asawa nito.

" Hmmm...masarap naman po,kaso hindi ko na maalala ang lasa," seryosong sabi ko napatingin naman ako kay sandra na hindi umiimik at patuloy sa pagsubo ng pagkain.

" Ganun ba? Okay lang yun,atleast kasama ka namin," ani naman ng ginang.

" Ahmm...Maam pwede tapusin ko nalang ho ang kinakain ko tapos babalik na ho ako sa trabaho ko," ani ko at nagtinginan lang din ang mag asawa.

" No,pagbigyan mo na sila mama,ako na bahala kay Calix," singit naman ni sandra.

" Sayo dahil ex boyfriend mo siya,ako trabahador niya,may binubuhay akong pamilya,hindi ako ang mag aadjust para makasama ko kayo,my family needs my help,so kung pwede lang po,huwag niyo naman po sana akong storbohin sa oras ng trabaho ko," mahinahon kong sabi.

" Pero nagpaalam naman kami sa boss mo," ani pa nito.

" Yung oras ko ba babayaran mo? kasi importante ang oras ko sa trabaho ko,kung wala na po tayong pag uusapan babalik na po ako sa work ko," sambit ko at tumayo na nga ako at akmang aalis na ngunit pinigilan lang ako ng matanda.
Nagtatagilid ang mga luha nitong yumakap saakin.

" Xyreal anak,sana maulit itong muli,"saad nito.

" Sana nga po...ani ko lang at bumalik nagpatuloy na ako sa paglakad patungo sa kabilang building.

Bakit ganun nalang ba kadali ang lahat para makuha ang loob ko ng ganun ganun lang,hindi ganun kadali magpatawad.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now