" Xyreal saan ka pupunta? salubong ng sekretarya ni calix saakin,patungo nga kasi ako ngayon sa opisina ni calix at gusto ko sanang magsorry sa kanya tungkol kagabi.
" Si sir nandiyan ba? ani ko rito ngunit pinagtatabuyan niya lang ako.
"Wala siya eh,may meeting kasama si sir kevin," sambit niya at hinaharangan ako upang hindi ako makapasok sa loob.Dahil na nainis ako at gusto kong malaman kung anong tinatago niya sa loob kaya itinulak ko siya at saka ko binuksan ang pinto ng opisina ni calix.
Nanlaki ang mata ko at agad namang nagulantang ang dalawang si calix at ate sandra na huli kong naghahalikan.
" Ow,kaya pala ayaw mo akong papasukin dahil may bisita pala ang boss natin,hindi mo pa kasi sinabi saakin nagsinungaling kapa,Edi sana hindi natin sila naistorbo," nakangiti kong sambit sa sekretarya at saka ko padabog na isinara ang pinto at mabilis akong nagtungo pabalik sa labas.
Nakasalubong ko pa si kevin at rinig ko ang pagtawag nito sa akin ngunit wala akong pakialam at patuloy lang ako sa paglalakad na tila walang narinig.
" Xyreal saan ka pupunta? pigil nito at hinila ang kamay ko.
" Si Calix ba sadya mo? naku wag kanang tumuloy busy sila," taas kilay kong sabi at saka ko na siya iniwan,hahabulin pa sana niya ako pero agad akong pumara ng jeep.
Gusto ko ng umiyak ngunit pilit ko lang pinigilan ang mga luha ko,nakakahiya naman kasi at baka pagtawanan pa nila ako rito sa jeep.Huminto lang din ang sasakyan sa kanto at naglakad na lamang ako paloob patungo sa bahay nina jepoy.
" Xyreal? Saad ni jepoy.
Pagpasok ko palang ay agad ko na siyang niyakap at napahagulgol na lamang ako ng hindi ko alam kung anong dahilan,dahil ba nasaktan ako sa nakita ko? o nasasaktan ako dahil alam kong hindi naman ako mahal ni calix.Ngunit bakit ngayon pa? ngayon pa na mahal ko na siya na akala ko nagmamahalan na rin kami,ganito pala ang feeling ng mga taong nagmamahal,kailangan mo rin palang masaktan.
" Xy..bakit? dagdag lang tanong ni jepoy.
" Gusto ko munang magpahinga,pwede ba akong dumito muna? kahit mga ilang araw lang," sambit ko lang at pumayag naman kaagad si jepoy at always welcome naman daw ako rito sa kanila kahit dito nalang daw ako titira ay mas masaya pa nga daw sila.
Nakahiga nga lang ako at ring naman ng ring ang cellphone ko,Si calix nga ang tumatawag saakin ng paulit-ulit dahil nga nakukulitan na ako sa kanya ay agad ko ngang dinampot ang selpon kong nakalapag at ini off ko nalang iyon.
" Bakit? si sir calix yun ah,sambit ni jepoy na nasa pinto pala at may hawak na isang baso ng tubig.
"Kung magtatanong siya sayo tungkol saakin,pwede bang sabihin mo nalang na hindi tayo magkasama,hindi rin ako papasok bukas,o baka pati sa susunod na araw," mahinang sabi ko.
" May problema ba?
" Ayoko nang pag usapan pa,basta sabihin mo nang iyon," sagot ko at tumalikod lang ako sa kanya.
.
.
.
Natapos na akong naligo at bumalik na nga ako sa silid ko at agad inopen ang cellphone ko,pagkatayo ko ay agad nag ring ang selpon ko at hindi ko pa nga iyon tinitignan ay sinagot ko na kaagad at minura iyon,agad naman akong napatigil sa pagsasalita ng ang tiyahin ko pala ang kausap ko."Bakit po anong nangyari? bakit po kayo umiiyak? Nag aalalang tanong ko,hindi naman siya sumasagot at tanging pagsinghot lang niya ang naririnig ko.
" Si...Si linda kasi na ospital,Nandito kami ngayon sa ospital,Nabangga siya ng van,xyreal saan ako kukuha ng pambili ng gamot para sa kapatid mo," mangiyak ngiyak na ani nito.
" Wag na po kayong umiyak,ako na ho ang bahala,subukan ko pong umuwi diyan tita," sambit ko at agad ibinaba ang linya.
"Jusko sumabay pa ang kapatid ko,jepoy,ihatid mo nga ako ulit sa bahay please kailangan kong unuwi ngayon sa probinsya," natataranta kong sabi.
" Bakit? baka wala ka ng masakyan,baka abutin ka ng gabi sa terminal nyan," saad lang nito.
" Okay lang basta tara na,bahala na," sagot ko lang at natataranta nga kaming sumakay sa trycicle nito,mabilis naman siyang nagdrive at ilang sandali pa nakarating na kami ng bahay,sinabihan ko lang siyang antayin na lamang niya ako at kukuha lang ako ng konting gamit ko pauwi sa probinsya namin.
" Hindi kana nagtanda,Alam mong mali ginawa mo pa at ikaw naman calix dinamay mo pa ang kapatid niya,Paano niyo ipapaliwanag ngayon sa kapatid mo ito? Kunwari kapang hindi mo mahal ang lalaking iyan tapos noong napunta sa kapatid mo hahabol habol ka at hindi lang iyon nagpabuntis kapa," sigaw ni mama kay ate sandra at kasama nito si calix.
" Sorry Tita pero mahal ko parin po si sandra--- Mahal mo siya? tapos si xyreal? Alam mo Loko-loko ka rin,inis na saad ulit ni mama.
" Buntis ka? nanginginig ang boses kong saad sa kanila.
Napahinto naman si mama at agad namang tumayo si papa mula sa pagkakaupo at lumapit saakin.
" Ate sandra im asking you...Buntis ka? kailan niyo pa ako niloloko? Ma...pa...alam niyo rin na matagal na palang nagkabalikan ang dalawa? bakit? bakit hindi niyo sinabi saakin? sunod sunod kong tanong.
" X-Xyreal,let me explain," ani ni calix at hindi kk namalayan ang sarili ko at nasampal ko na lang siya.
" Akala ko seryoso ka,akala ko totoo lahat ng kabaitan na pinakita mo saakin,but i was wrong calix,ginawa mo akong tanga,ginamit mo lang ako," inis kong sabi.
" Im sorry...Im really sorry xy...yes aminin ko,ginamit lang kita para mapalapit ako kay sandra ginamit kita upang makuha ko ulit ang loob ng kapatid mo para balikan niya ako ulit,sorry pero si sandra ang mahal ko eh,
"Sira ulo ka pala," galit naman na sabi ni papa at akmang susuntukin na niya sana si calix ng biglang sumigaw si sandra.
" Tama na,oo na kasalanan ko na,pero xyreal buntis na ako at si Calix ang ama,una palang binalaan na kitang wag mo ng pagtuunan ng pansin si calix,its your fault,Kung ayaw mong tanggapin wala na akong pakialam pero mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako." sambit nito kaya nasampal ko lang din siya.
" Plastik ka,hinayaan mong gamitin niya ako para magkalapit kayo ulit,Alam mo bagay kayo eh,manggagamit."
" Don't talk to me like that, it's just right for me to get what's mine, Simula bata tayo wala na akong ibang ginawa kundi ang suportahan ka pagtakpan ka sa lahat,na kahit kasalanan mo ako parin ang sumasalo dahil ayaw ko lang na masaktan ka,Pero hindi na ngayon,napagod na rin ako na lagi ka nalang pinagbibigyan xyreal." maluha luha nitong sabi.
" Ganun ba? pagod kana pala na maging kapatid ko,sabagay hindi na ako magtataka hinayaan niyo naman ako dati diba? heto...itong bracelet na ito? hindi ko na rin kailangan yan," galit na sabi ko at sakyong may nakita akong gunting sa mesa kaya dinampot ko iyon at ginunting ng pira-piraso ang bracelet na bigay ni sandra noong kabataan namin.
" Salamat sa magandang memories ng bracelet na iyan,pero hanggang ala-ala nalang," mangiyak-ngiyak kong sabi at mabilis akong pumasok sa kwarto ko,kumuha lang ako ng mga damit ko at saka ako lumabas." Xyreal anak saan ka pupunta? xyreal...hagulgol ni mama ngunit hindi ko na siya pinansin at inutusan ko na si jepoy na paandarin ang trycicle niya.
YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
RomansaAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...