chapter six

66 13 2
                                    


Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan si Gayle na kumakain habang may pinapanood sa cellphone niya. Ilang araw ko na rin hindi kinikibo si Montero.

Kung magkikita man kami, tanging tingin lang ang ibinibigay ko sa kanya. Kapag susubukan niya namang kausapin ako, hinahayaan ko lang at sinasagot kung may tanong man siya. May isang beses na sinubukan niya akong asarin pero pagkatapos non ay iniwan ko siya sa sala at pumasok ng kwarto.


Ewan ko ba, may gusto pa akong malaman bago ko ulit kausapin ng masinsinan. Kaya ba siya sumunod hanggang dito sa bahay ko ay dahil matagal na nila hinahanap ang nawawalang bunsong babae ng Montero? Pero bakit ako? bakit parang alam na niya simula pa lang?

Hindi ko alam, hindi ko alam kung tama bang pagdudahan ko si Montero kung pwede ko naman na tanungin na lang siya at kausapin.


Pero nagdadalawang isip ako. Paano kung hindi totoo yung sasabihin niya? Alam ko namang maling pangunahan yung mangyayari, kailangan ko lang siguro ng oras para makipag usap ulit sa kanya.

Napalingon ako cellphone ko. Hindi ito yung bigay ni Montero, itinabi ko ang bigay niya sakin at muling ginamit ang luma kong cellphone.



Mga Prinsesa ni Haru✨

Alair:
guess what

Haru:
nanalo ka sa lotto?

Napakunot ang noo ko sa reply ni Haru. Sana nga. Napailing na lang ako sa naisip.

KJ:
Buntis ka?🤣🤣

Alair:
luh pano mo nalaman?

Haru:
edi congrats sa bobo nating kaibigan Kia!


Natawa na lamang ako sa biruan namin hanggang sa maibagsak ko ang cellphone ko nang makita ang ultra sound na sinend ni Alair.

Alair:
sent a photo.
syug look, ang liit pa niya🥹

Haru:
seryoso kaba?

KJ:
nasisiraan ka naba ng bait, lai?
pangit mag joke ah, ganap na ganap.



Tumahimik ako nang hindi ito mag reply kaya napakagat ako sa labi ko. Buntis siya? pano? malamang nakipag bembangan siya.


Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang bumukas ito. Si Gayle lang pala.


"San ka galing?"tanong ko. Nawala kasi siya kanina eh, sabi niya lalabas lang daw siya.

"Lumabas po, sumama nga po si Kuya Rosh eh. Tas nagkita po ulit kami ng parents niya, alam mo ate ang bait bait nila. Sabi pa nila kamukha ko yung anak nila. Gusto nga raw sana nila ako makausap kaso biglang tumutol si Kuya Rosh e siya nga tong nagdala sakin sa parents niya."Mahabang paliwanag niya. Sumama ang tingin ko sa cellphone na hawak ko. Nilabas niya si Gayle nang hindi sinasabi sakin?

Kinausap ko pa si Gayle at sinabihan magpahinga na at maligo dahil galing siya sa labas.

Lumabas ako ng kwarto upang kausapin si Montero. Pag labas ko ay kaagad ko siyang nakitang nakaupo sa sofa at ang tingin ay nasa akin na para bang alam niyang lalabas ako ng kwarto dahil sa narinig kay Gayle.

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now