chapter twenty-five

36 8 0
                                    


Linggo ngayon at ngayong araw kami magsisimba nila Montero. Inimbitahan niya rin ang mga kaibigan niya kaya inimbita ko rin si Orson at Alyanna kasama si Theodore. Balak din namin kumain after ng mass.

"Lai!"Tumatawang sabi ko habang tumatakbo siya palapit sakin at iniwan si Sathiel na nakasimangot na nakatingin sakin habang hawak hawak si Blare. Ang anak nilang lalaki. Ang inaanak ko.

Oh! di niyo kaya, dalawa na inaanak ko.

Nang mayakap si Alair ay nagmake face at dumila lang ako kay Sathiel na mukhang naaasar sakin. Buti nga.

"Nasan si... Haru?"Bahagya ko pang iniliboy ang paningin ko.

"Ayun.."Nguso niya sa may likuran ko. Nilingon ko naman at nakita ko si Haru na kasama ang boyfriend niya na naglalakad palapit samin.

"Hi Alair."Bati ng boyfriend niya kay Alair at bumeso pa sa pisngi. Ganun din naman ang ginawa niya sakin.

"Ano?"Nakataas kilay niyang tanong sakin. Napangisi naman ako bago pabirong irapan siya.

"Sakin? hindi ka babati? bebeso?"Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Kita ko ang pag irap nito bago lumapit sakin at bumeso. Palihim akong natawa sa inasta niya.

"Bakla ka! wag kana kasi magalit!"Maktol ko at yumakap sa kanya. Ramdam ko kung pano siya natigilan at lumingon sa boyfriend niya na malawak ang ngiting nakatingin samin.

"Sorry na nga!"dugtong ko pa. Ramdam ko ang dahan dahan niyang pag ganti sa yakap ko na ikinangiti ko.

"Bati na tayo?"Natutuwang tanong ko. Kita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya pero binawi niya ang tingin sakin na ikinatawa ko.


"Ang tagal ng sorry mo! nakakainis ka!"Asik niya na ikinatawa ko. Totoo naman, pero mag sosorry naman agad ako kung hindi niya ako sinungitan. At alam kong mali yon dahil valid ang naramdaman niyang galit. Umalis ba naman ako bigla eh.

"Eto na nga!"Tumatawang sabi ko at nilingon si Alair na umiiyak na pinapanood kami.

"Sorry din, Lai... Sorry Haru.."Puno ng sinseridad na sabi ko. Sabay silang lumapit upang yakapin ako. Napangiti ako at naluha na lang dahil sa saya na nararamdaman.

Ang saya saya ng puso ko. Magaan na, at okay na kami ni Haru.

"Hoy! Tangina bakit mo niyayakap Asawa ko?!"Galit na sabi ni Sathiel nang makalapit. Agad siyang hinampas ni Alair na ikinagulat ko dahil parang maamong tuta itong tumingin kay Alair.

Samantalang kanina lang ay halos umusok na ang ilong niya sa galit.

"Aw! niyayakap ka kasi!"Maktol nito at dinuro pa si Haru na nakangisi lang sa kanya. Ang boyfriend niya, ayun kalaro si Blare at tinatawanan pa si Sathiel na parang batang inagawan ng Candy. Tumatawa rin naman si Blare, animo'y naiintindihan ang nangyayari sa Ama.

"Kaibigan ko si Haru!"Laban ni Alair at masamang tingin ang ipinupukol kay Sathiel.

"Oa ng jusawa mo, Lai!"Nakatawang sabi ni Haru na ikinatawa ko rin. Lumipat ang tingin sakin ni Sathiel at sinamaan ako ng tingin.

"Lai oh!"Mabilis kong sumbong kay Alair at tinuro pa si Sathiel na may masamang tingin pa rin sakin.

"Sumbungera!"Asik niya sakin pero nang aasar na inilabas ko ang dila ko.

Kita ko ang pagkapikon niya nang sawayin muli siya ni Alair at pinapunta sa Anak. Walang nagawa ang mokong at nagpapadyak sa inis na lumapit kay Alexis at Blare.

Dumating si Montero kasama ang dalawa niyang kaibigan. Kasabay ng kotse na nasa likod nila na sa hula ko ay si Orson na yon.

"Haru, Lai! siya yung kaibigan ko!"Masayang tinuro ko si Orson na umikot pa upang pagbuksan si Alyanna at Theodore.

"Ay ang pogi!"

"Yummy!"

Sabay na sabi ng dalawa na ikinahalakhak ko at tumingin sa mga lalaki nila na masama ang tingin sakanilang dalawa pero mukhang hindi nila napapansin dahil busy pag pantasyahan si Orson na naglalakad ngayon palapit samin habang buhat buhat si Theodore at sa tabi naman niya si Alyanna na masayang kumakaway sakin habang magkaholding hands sila ni Orson.

Powerful ng pamilyang to. Ang pogi at ang ganda, shet..

"Hon, yung tingin mo.."Nagbabantang sabi ni Alexis na nasa tabi na ngayon ni Haru.

"Alair Vienna! yung tingin mo ha!"Naiinis na sabi naman ng isa. Syempre si Sathiel yon.

Sabay tumawa si Haru at Alair pero tumakbo ako palapit sa Pamilya.

"Little Dino!"Masayang sabi ko at kinuha si Theodore kay Orson. Akmang hahalikan ako ni Orson sa noo nang may pumalupot sa bewang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya.

Sabay kaming natawa ni Alyanna sa inasta ni Montero habang si Orson ay nakangisi lamang at napailing bago nakipag fistbump kay Montero.

"Namiss kita!"Sabay na sabi namin ni Alyanna bago nagbeso.

"Namiss din kita, Little Dino!"Nanggigil kong sabi at pinugpog ng halik ang mukha ni Theodore.

"Tinang ganda!"Natatawang tawag ni Theodore sakin at nagpupumiglas. Nang mahusto sa paghalik ay dahan dahan ko siyang binaba.

"Samonte.."Suway ni Montero sakin nang akmang hahalikan ko na naman si Theodore. Puno na ng kiss mark ang mukha niya! Hala!

"Sorry, Theodore.."Natatawang sabi ko. Natawa lang naman si Alyanna sakin habang si Orson ay nakangisi lang. Adik to.

"Musta bff ko?"Nang aasar na tanong niya. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at asar na humarap kay Montero.

"Theodore huh?"Kita ko ang pikon na ngisi niya na ikinakunot ko ng noo.

"bakit? Theodore naman ang pangalan ng Anak ni Orson at Alyanna."Nilingon ko pa ang pamilya, si Alyanna ay pinupunasan na ang mukha ngayon ni Theodore na puno ng kiss mark habang si Orson ay tumatawa lang. Ano naman tinatawa ng gagong to?

"You named him after me?"Dugtong na tanong pa nito sakin na ikinalaki ko ng mata at galit na nilingon si Orson bago ibalik muli ang tingin kay Montero.

"Sino naman nagsabi sayo nyan?"Nakataas kilay kong tanong at kating kati malaman na si Orson ang gagong nagsabi sa kanya.

"Si Orson."Diretsong sabi niya at walang ano ano ay lumapit ako ka Orson at piningot ang tenga nito.

Rinig ko ang tawa ni Sathiel hindi kalayuan at ang ilang pagmumura ng mga kaibigan ni Montero na parang natatawang sinasaway si Sathiel.

"Siraulo ka! si Alyanna ang nagpangalan ng Theodore kay Theo!"Nang mahusto ay binitawan ko na si Orson habang si Alyanna ay mukhang gulat sa nangyayari. Si Theodore naman ay wala na sa harap niya kaya nilibot ko ang tingin at nandun siya sa pwesto ni Alair, Haru at Alexis kasama si Blare.

"Bakit?"Naguguluhang tanong ni Alyanna at lumapit sa fiance niya.

"Ayan! may sinabi yata kay Montero! Ako raw nag pangalan ng Theodore kay Theo!"Sumbong ko kay Alyanna. Natawa na lamang si Alyanna samin.

"I'm the one who named him, Theodore. Theodore is Taehyung in Korean. And Taehyung is Kpop, bts member."Paliwanag ni Alyanna. Natatawang nilapitan ako ni Montero at humalik sa noo ko na ikinakalma ng buong sistema ko.

"Di ka naman mabiro!"Asik ni Orson. Rinig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan ni Montero.

Inirapan ko lang si Orson bago hinila palayo si Montero sakanila. Mamaya kung ano pa ulit sabihin ni Orson, gago yon.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now