chapter thirteen

50 10 0
                                    








Mariin akong napapikit sa nakita. Dis oras ng gabi! jusko po!

Balak ko lang sana kumuha ng tubig dahil nanaginip na naman ako. Gusto ko ng fresh water pampakalma ng sistema ko. Ang kaso may gumagawa ng milagro sa kusina!

Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang maalala ang posisyon nila.

"Keana? G-gising ka pa?"Umangat ang tingin ko kay Orson na gulat na nakatingin sakin. Ako dapat mag tanong nyan diba?

"Obvious ba?"Lalakad na sana ako papasok ng kusina nang lumabas doon si Alyanna na inaayos ang suot niya. Halatang nagulat din siya nang makita ako at napakapit sa laylayan ng damit ni Orson.

"Tapos na kayo?"buryo kong sabi at hinawi silang dalawa. Kunwari pa na ayaw magbalikan e nauna pa ang sagupaan.

"Hoy! anong nakita mo?"Nilingon ko si Orson. Wala na si Alyanna at mukhang pinauna na sa kwarto nito. Dahan dahan kong isinalin sa baso ang tubig pagkatapos ay ibinalik ang pitchel sa ref.

"Pwet mo"barumbado kong sagot na ikinakunot ng noo niya. Pinanlakihan niya ako ng mata na ikinataas ng kilay ko. Totoo naman ah? nakatalikod siya non habang bumabayo siya kay Alyanna.

"Ah, Orson~"Panggagaya ko sa boses ni Alyanna. Pinitik niya ang noo ko na ikinasimangot ko. Gago.


"Tumigil ka!"Pinanlakihan niya ako nang mata pero inirapan ko lang siya. Inilapag ko ang baso nang maubos ang laman nitong tubig. Sarap.

"San ka pupunta?"Nilingon ko si Orson nang mag tanong ito dahil palabas nako ng kusina. Nginisihan ko lang siya nang may maisip na kalokohan.

"Sa kwarto, Orson~"ginaya ko ulit ang boses ni Alyanna at tatawa tawang lumabas ng kusina. Mas lalo pang lumakas ang tawa ko nang makita si Alyanna na pulang pula ang mukha sa hiya.

Gagawa na lang ng milagro, sa kusina pa. Ibang klase.










Nag-susuklay ako ng buhok nang lumabas ako ng kwarto. Nakita ko pa si Alyanna na bihis na at mukhang ako na lang ang hinihintay. Pilit niya rin iniiwas ang tingin niya sa‘kin na ikinatawa ko.


"Tinang Ganda!"Napalingon ako sa tumawag sa‘kin. Si Theodore. Halatang kakaligo lang at sasama sa Daddy niya dahil wala naman siyang kasama rito pag umalis kami.

"Hi, Little Dino!"natatawa kong sabi at niyakap siya. Halos masinghot ko na siya sa sobrang bango niya na ikinatawa niya.

"I know i'm mabango Tinang Ganda, calm down."Nakangisi nitong sabi na ikinataas ko ng kilay. Aba‘t mayabang! manang mana sa pinagmanahan.

"Ah ganon?"Pinanliitan ko siya ng mata at kiniliti. Tawang tawa naman siya at nang makawala ay tumakbo siya sa Mommy niya na natatawa rin sa kakulitan niya.

"Ang kulit!"natatawa kong sabi. Humagikgik lang naman si Theodore at patakbong lumapit sa Daddy niya na kakalabas lang ng kwarto. Tumayo nako at sinalubong ng nakakalokong ngisi si Orson na inirapan lang ako.

"K-kia, alis na tayo?"Yaya ni Alyanna. Muntik na akong matawa dahil hanggang ngayon ay pilit niya pa rin na iniiwas ang tingin sakin. Tumango lang naman ako at hinayaan siyang magpaalam sa mag-ama niya.

Nauna na rin ako lumabas ng condo at baka kung ano pa ulit ang makita ko.

"Tara na?"tanong ko kay Alyanna. Hindi matigil ang tawa ko nang tumango lang ito at iniwas na naman ang tingin sakin.

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now