chapter five

69 14 2
                                    

Inis akong napahilamos sa mukha ko bago nag halungkat sa damitan ko. Tanginang Montero yan, humanda sakin yan. May hang over pa‘ko dahil uminom kami kagabi.

Tumawag sakin ang Mommy ni Montero, at tinatanong kung nakapag ready na raw ba kami. Syempre dahil wala akong alam, nataranta ako at hindi alam ang isasagot kung hindi oo. Peste.

Nakita ko rin sa balita na ipapakilala na si Montero bilang CEO ng Montero Empire. Ang ipinagtataka ko lang ay hindi niya nabanggit sakin to, ang sabi niya lang may trabaho siya– Oh shucks!

Muli akong naging aligaga nang maalala yung araw na sobrang inis ako sa kanya dahil sa kalat ng bahay. Nabanggit niya ron na may pinapatapos sa kanya ang Daddy niya.

"Ate?"Napalingon ako kay Gayle na bagong gising at nagkukusot pa ng mata. Dahan dahan siyang bumaba at may kinuha sa ilalim ng doble deck. Napakunot ang noo ko dahil medyo may kalakihan ang lalagyan na hawak ni Gayle, nakasimangot pa siya kaya naman natawa ako.

"Ano yan?"tanong ko at kaagad na lumapit sa kanya para kunin ang pink na lalagyan nito.

Nagkibit balikat lang si Gayle at kaagad sumalampak sa kama ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil mukhang inaantok pa.

"Ate gisingin moko after 10 minutes, aalis daw po tayo sabi ni kuya Rosh."kunot noo kong tinignan si Gayle. Aalis? bakit siya alam nya? bakit ako wala akong alam?

Hindi nako nakasagot pa dahil kaagad siyang tumalikod sakin at natulog ulit. Napakamot ako sa aking pisngi at hinila ang ilang hibla ng dulong bahagi ng buhok ko upang kagatin gamit ang labi. Nagpasya akong buksan ang lalagyan at bumungad sakin ang isang dress. Kulay maroon siya na nahahaluan ng itim. Inilapit ko pa ang mukha ko nang makitang makinang ang bahaging parte ng dibdib. Ano to, diamond? Hinawi ko ang buhok ko na kagat kagat ko kanina at kaagad na tumayo upang mas maayos makita ang dress.

Fitted ito, halata. Pero pag papasadahan mo ng buo mula taas hanggang baba ay parang gown na siya dahil hindi na fitted pag dating sa ibabang bahagi. Namangha ako dahil kumikinang din iyon pero hindi katulad sa top halata mong may diamond ito at nahahawakan mo pa.

"Ate, maliligo lang po ako."Napatingin ako kay Gayle na may tuwalya na sa kanyang balikat at dire diretso lumabas ng kwarto. Nonchalant premium siya.

Kaagad akong kumuha ng hanger at isinampay ito. Mabuti na lamang at nakaligo nako kani kanina, medyo basa pa nga ang buhok ko kaya naisipan kong iblower ito. Kinulot ko ang ibabang bahagi nito, hindi ko na masyado kinulot dahil tinamad nako.

Nagsimula na ako mag make up nang matapos si Gayle maligo. May tuwalya sa buhok niya na kaagad niyang tinanggal at kinuha ang isa pang upuan upang tumabi sakin. Napakunot ang noo ko dahil nakatalikod ito.

"Ate pablower ng buhok"Napaawang ang bibig ko. Pakiramdam ko multo tong kasama ko eh, ang tamlay tamlay tapos tska lang sasabihin kung anong gagawin kapag ipapagawa or nagawa na niya.

"Lagyan kita make up, light lang."Kaagad siyang tumango matapos kong iblower ang buhok niya. Sakto lang ang haba ng buhok ni Gayle pero halata mong healthy ito dahil malambot at madulas.








Nang matapos kaming magbihis ay lumabas kami ng kwarto. Napatingin ako sa cellphone na bigay ni Montero sakin. Tawagan ko kaya? mamaya pinaprank niya lang kami.

"Ate nasa labas na raw po yung driver"Napalingon ako kay Gayle. Color pink ang gown niya na bumagay naman sa kanya. Nag tagal pa kami dahil sa buhok niya, Binraid ko pa yon.

"Ang ganda mo"Puri ko na ikinapula ng pisngi niya.

"Ikaw din po, Ate."Nahihiyang sabi niya kaya natawa ako at kaagad na umangkla sa braso niya at tatawa tawang lumabas kami ng bahay.

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now