chapter seventeen

39 8 0
                                    



Nakabusangot ako ngayon at iniisip kung pano ibabaon sa lupa ang gago Orson na yon. Siraulo siya!



Nakita na naman ako ni Montero! At kasama niya ang pamilya niya! Bwisit!


"Stop sulking. You're so beautiful tonight."Napaigtad ako nang may sumulpot na demonyo sa harapan ko. Si Montero.


"Gago, maganda ako kahit hindi gabi."Inis kong sabi at itinulak siya palayo.

"You're right. I miss you."Nangungusap ang matang sabi niya. Inirapan ko lamang siya at nagpasyang umalis. Diko alam kung san ako pupunta, mabuti na lang at malaki tong mansyon nila Orson.


Napalingon ako sa lalaki na mukhang sinundan pa talaga yata ako dito dahil nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin. Pinagmasdan ko naman siya at parang inaalala kung saan ko ba nakita ang mukha niya dahil pamilyar ito.

"Ikaw yun! Si-si Keana! Tama ako diba?"Sabi niya at pumitik pa sa harap ko. Nakakunot noong tumango lang naman ako sa kanya.

"Ako nga, bakit?"Pilit ko pa rin inaalala kung sino siya dahil kilala niya ako. Weird talaga kapag kilala ka nila pero hindi mo sila kilala.

"Ako si Sathiel! Tatay ng Anak ni Alair!"Halos masamid naman ako sa sarili kong laway sa narinig. Hindi naman halatang proud siya.

"Ahh... Congrats?"Tanging nasabi ko na ikinakunot niya ng noo.

"Sorry nga pala sa nangyari sa'tin dati ah? sainyo ni Rk. Masyado ko lang mahal yung jeep wrangler niya dahil bigay 'yon sa kanya ni Tito Alec. Gusto ko lang talaga asarin si Rk... Tska yung tungkol sa pustahan, matagal na rin kasi 'yon, tapos masyado ko lang sineryoso yung pang-gagago sa'kin ni Rk.. Sorry talaga, Keana."Paliwanag niya. Dahan dahan lang akong tumango bilang sagot.


"Ayos lang, matagal na 'yon. Wag mo na ungkatin."Sabi ko at tumingin tingin sa paligid. Mamaya biglang sumulpot sila Alair, hindi ako ready at baka makatanggap ako ng sampal sakanila pag kasama niya si Haru.

"Si Alair ba hinahanap mo? nandun sila sa table namin kasama si Haru tska si Alexis. Gusto mo ba makita Anak namin? kamukha ko 'yon"Pagmamayabang niya sa huling sinabi. Ay feeling close? close pala kami? hindi ako inform.


"Ayoko, umiiwas nga ako eh."Inirapan ko siya na ikinakamot niya sa batok niya.


"Matagal kana rin nila nakita, hindi ko lang alam kung saan. Hindi ka lang nila nilapitan kasi gusto nila ikaw daw mismo lumapit sakanila, hindi naman sila galit eh. Miss kana nga nila."Kwento pa nito. Siraulo ba'to? inuuto niya ba ako? Feeling close talaga eh, pag ako nasundan ni Montero dito yari 'to sa'kin.


"Sathiel"Ayan na nga ba sinasabi ko! Naririnig ko na ang boses ng demonyo!

"Mauna na'ko, salamat sa walang kwenta mong kwento."Sabi ko kay Sathiel na agad sumimangot bago aoo umalis. Hindi na ako nagawang habulin pa ni Montero dahil talaga nagmadali ako at dumiretso papunta sa pwesto nila Orson.

Kanda hingal hingal pa'ko nang makarating sa harapan nila. Nagtataka naman akong tinignan ng mga tao sa table nila. Ay wow, ganda koba?

"San ka galing? muntik na umiyak si Theo, alis ka nang alis!"Nakataas kilay na sabi ni Orson habang pinapakain si Theo ng cupcake.

"Ay tapos na yung party? yung speech? bakit di ko narinig?"Sunod sunod kong tanong.

"Oo late kana, wala ka nag-kiss kami ni Alyanna."Mayabang na sabi niya habang nakangisi. Rinig ko naman ang tawanan ng mga msgulang nila at siniko lang siya ni Alyanna.

"May video?"nakangisi kong tanong. Dahan Dahan tumango si Orson na ikinapalakpak ko.

"Success yung plano natin!"Masayang sabi ko kay Theo na busy pa rin sa pagkain niya na may candy na hugis dinosaur.


"Anong plano?"tanong ni Orson sa'kin at nilingon pa si Theo na wala pa rin pakialam sa mundo.


"Sabi ko mag-kaaway kayo ni Alyanna eh, tas sabi ko mamaya hingi siya kiss sainyong dalawa sa cheeks niya."Paliwanag ko. Mukhang alam naman na nila ang sunod na mangyayari.

"Ugok! anong sinasabi mo? nakipag-balikan ako kay Alyanna kaya kami nag-kiss, sira ba ulo mo? dinamay mo pa anak ko!"Singhal niya. Napakamot naman ako sa Pisngi. Nagpaalam din saglit ang parents nila na aalis kaya apat ulit kaming natira dito sa table.


"Sorry naman! Pahingi ako pagkain, kuha moko please."Pagmamakaawa ko kay Orson. Inirapan niya muna ako bago tumayo at pumunta sa mga pagkain para ikuha ako na ikinapalakpak ko.


"Nagkabalikan na kayo?"Pang-iintriga ko kay Alyanna. Natatawang tumango naman siya habang kumakain ng chicken.

"Nauna pa boombayah niyo kesa mag balikan eh. Tibay niyo rin, congrats!"Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Boombayah?"tanong niya na parang naguguluhan. Nilingon ko naman si Theodore at mukhang wala pa rin talagang pakialam sa mundo.

"Boombayah, bembangan, action star sa bed!"Paliwanag ko gamit ang pabulong na boses na ikinalaki ng mata niya.

"Kia!"Sigaw na suway niya. Mukhang nakuha naman namin ang atensyon ng Anak niya at nag-angat ng tingin samin.

"Why are you shouting, Mommy?"Tanong ng Anak niya na ikinatawa ko. Binato lang naman ako ni Alyanna ng tissue'ng nadampot niya bago lumingon sa Anak niya.

"Nothing little dino."At hinalikan pa ang anak sa noo. Bumalik naman sa sariling mundo niya si Theodore. Yaman talaga, may sariling mundo. Di niyo kaya.


"Oh pagkain mo!"Ibinaba ni Orson ang dalawang plato. Ako talaga nag-suggest ng mga pagkain na 'to eh. Para ako yung may birthday no? Pero tinanong naman ako ni Orson tska ni Alyanna, okay lang naman daw sakanila. Tska fav din naman ni Orson ang buttered shrimp.

"Nice, Thank you!"Nakangising sabi ko at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan na ako nang may dumating na asungot.

"Uy, Keana!"Walang hiyang umupo si Sathiel sa tabi ko. Parang kabute, may pamilya 'to diba? anong ginagawa neto dito?

"Hindi ako si Keana"Sagot ko habang kinakain ang hipon na binalatan ni Orson. Muli naman siyang nag lapag ng balat na na hipon kaya kinuha ko 'to. Wala rin si Alyanna at nasa loob pa dahil ihahanda niya lang daw ang damit na isusuot ni Theodore. Change outfit, panis.

"Asawa mo?"walang hiyang tanong niya na parang walang pake kung maririnig ni Orson.

"Ano naman sayo?"Pag sagot sa kanya ni Orson. Tinignan ko naman si Theodore na kumakain ng kitkat, pinakuha niya talaga yan dahil nag-ccrave siya. Napatitig tuloy ako ron, gusto ko rin non.


"Keana inaaway ako oh!"Pag susumbong ni Sathiel na parang bata.


"Magsumbong ka sa mama mo, wag sakin."Sabi ko nang hindi siya nililingon habang nakatingin pa rin sa kitkat na hawak ni Theodore. Nag angat ng tingin sakin si Theodore at mukhang napansin niya ang tinitignan ko.



"You want po, Tinang ganda?"Tanong niya na ikinatango ko. Inabutan niya ako ng isang kitkat na masaya ko namang kinuha.


"Thank you, little dino!"masayang sabi ko.

"ano raw? timang ka raw pero maganda?"Pag-eepal ni Sathiel.


"Orson palayasin mo nga to!"Sumbong ko kay Orson na dali daling tumayo at hinila paalis si Sathiel. Nakakahiya, pinagtitinginan sila, mukha siyang tanga. Siguro ikinakahiya siya ni Alair, napilitan lang kasi may anak sila.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now