chapter twenty-seven

37 8 0
                                    

Nakasimangot akong bumuntong hininga at nabuburyong na inilibot ang paningin. Tanging isang maliit na side table, papag at ceiling fan lang ang narito.

Muli akong napasimangot dahil ramdam ko ang panlalagkit ko sa pawis. Ceiling fan mo pink panther, pagod na!

Pano ba naman parang gusto nitong lumipad na parang butterfly at ayaw na umikot. Malas!

Buti na lang talaga at hindi ako binalik sa pagkakaposas ni pink panther at hinayaan niya lang rito matapos nang pag uusap nila ng hindi ko kilala.

Dahan dahan akong lumapit sa kabilang side ng papag upang buksan ang drawer sa maliit na side table sa tabi ng papag. Dahan dahan kong binuksan iyon dahil lumalangitngit na nakakagawa ng maingay na tunog. Luma na kasi kaya mahirap buksan.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa puros alikabok na nalanghap. Ano ba naman yan!

Kumunot ang noo ko nang makakita ng ng iisang picture. Halata ang kalumaan nito at medyo nasisira na rin at lukot. Walang pag dadalawang isip na pinunas ko ang damit sa litrato upang mawala ang alikabok.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Si Papa! si Papa yung isang lalaking nasa picture, may kasama siya na naka akbay sa kanya na isa pang lalaki at ngiting ngiti. Pamilyar ang mukha niya..

Bahagya ko pang pinakatitigan ang mukha ng lalaki na katabi ni Papa. Bakit may picture si Papa sa bahay na to?

Unti unti nag-sink in sa utak ko na baka si pink panther ang may ari ng bahay na to at siya ang lalaking nasa tabi ni Papa! Oo, tama!

Nakarinig ako ng mga yabang papalapit sa pwesto ko. Napatingin sa may maliit na bintana na halos malapit na sa kisame. Pansin kong gabi na, ilang oras na rin pala akong nandito. Gutom nako...

Dahan dahan kong isinara ang drawer at umayos ng upo bago itago ang picture sa pwetan ko at inupuan.

"Ano?!"Singhal ko nang makitang nakatingin sakin ang lalaki habang may hawak hawak na tupper at tubig. Pagkain!

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sakin hanggang sa makapasok at maisara ang pinto. Pansin kong halos lahat ng mga kasama ni pink panther dito ay nakamaskara. Bakit kaya?–ay! kidnapper nga pala sila, edi malalaman ko ang mga mukha nila kung di sila magmamaskara. Tanga.

"Akin na yan! Alis!"Singhal kong muli sa lalaki pero nanatili itong nakatayo sa dulo ng papag. Kumunot ang noo ko at naamoy ang pamilyar na pabango. Suminghot singhot pako at baka sarili ko lang yon kaso nang amuyin ko ang sarili ko, amoy alikabok na ewan.

Agad akong napaubo. Kita ko pa sa peripheral vision ko ang isang beses na pag hakbang ng lalaking nakamaskara pero kaagad din huminto. Inis ko siyang nilingon matapos umubo.

"Akin na kasi! gutom nako!"Asik ko pero hindi ko magawang lapitan siya. Ayoko naman siyang lapitan, duh.

Halos mag diwang ang loob loob ko nang ilapag niya sa dulo ng papag ang tupperware at tubig na may kasamang kutsara at tinidor na nakabalot sa tissue.

"Salamat ah!"Sarkastiko kong sabi at kinuha ang inilapag niyang Tupperware at tubig kasama ang mga kubyertos.

Nakita ko pa siyang may nilingon kung saan bago umalis ng kwarto. May kakaiba sa kilos niya, hindi ko lang mahulaan kung ano–ah basta! gutom nako, kakain na lang ako!

Magana akong kumakain dahil masarap ang ulam. Hindi ko alam kung ano eh pero kinakain ko, mukha namang eatable. Keri lang, basta busog.

Nang matapos kumain ay kinuha ko ang bottled water at inisang tungga hanggang sa maubos. Success!

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now