chapter fifteen

60 10 0
                                    


Rosh Theodore Montero


Kakauwi ko lang ng Mansion at kaagad dumiretso ng kusina upang kumuha sana ng beer nang makita ang isang kasambahay na nag huhugas.

"Ate, pa‘no ‘yan?"Pag lapit ko sa kasambahay na naghuhugas. Mukhang nagulat siya sa pag lapit ko at hindi inaasahan na magtatanong ako tungkol sa pag-huhugas.

"Po? Ang alin po?"nakakunot noo niyang tanong.

"Ayan"inginuso ko ang ginagawa niya. Sinabi kong gusto kong subukan at kahit naguguluhan ay hindi na siya nakatanggi pa.

"Sigurado po ba kayo, Sir? ako na po kaya?"Tanong ni Ate. Seryoso ang mukha ko habang ginagaya ang nakita ko kanina. Kukuha ng plato. Sasabunan at babanlawan. Paulit ulit ko iyong ginawa.

"Tama po ba?"Tanong ko at bahagyang napatingin sa t-shirt ko na basang basa. Tama nga, para naman akong naligo.

"O-opo"Alanganin sagot ni Ate at kumuha ng towel iniabot sa‘kin. Kinuha ko ‘yon at marahan ipinunas sa Kamay hind pinapansin ang basang damit.

"Mag-palit na po kayo Sir, tama po yung ginawa niyo. Konting practice pa po para hindi mabasa masyado yung... damit niyo po"Tinuro pa ni Ate ang damit ko na ikinatawa ko. Nagpasalamat lang ako bago napagpasyahang umakyat ng kwarto.

"Rosh"Napalingon ako kay Rye. Kapatid na ang turing ko sa kanya pero bibihira lang ito pumunta sa Mansyon. Nasa tamang edad na rin kasi at may sariling kabuhayan.

"Kuys"Tipid kong sagot at nakipag-fistbump.

"Musta? Napadaan lang, tumawag si Dad kanina silipin ko raw kung nakauwi kana. San kaba galing?"Tanong niya at tinignan pa ang damit kong basa.

"Diyan lang sa kusina, nag-hugas ng pinggan."Natigilan siya sa sagot ko. What's wrong with my answer?

"Gago, bakit ka nag-hugas ng pinggan?"tanong niya na para bang isa akong malaking tanga sa ginawa ko.

"Trip ko lang"Kibit balikat kong sagot. Napadila siya sa labi at binigyan lang ako ng nakakalokong ngisi.

"Ewan ko sayo"Natatawang sabi niya bago ako tapikin sa balikat at umalis. Napakibit balikat lang ako at tumuloy nang pumasok ng kwarto.

Pag pasok ko ay nakita kong may isang kasambahay na nag-lilinis. Pinalinis ko nga pala ‘to pag-kauwi ko pa lang.

Sandali ko pa pinag-masdan ang kasambahay na nagwawalis at pinapagpagan ang higaan ko. Itinupi niya ang ilang damit ko pagkatapos ay inilagay sa closet at ang mga maruruming damit naman ay sa hamper. Itinabi niya saglit ang walis at kaagad na lumapit sa kama ko upang pagpagan naman ang unan ko.

"Andyan na po pala kayo Sir Rosh, tapos na po akong mag-linis"Sabi nito na ikinatango ko lang at nag-pasalamat sa kan‘ya bago lumabas ng kwarto.

Pabalya kong itinapon ang sarili sa kama. Iniisip si Samonte. Miss ko na siya. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog.









Naiiritang nakatingin ako sa hudlong na bigla na lang pumasok sa kwarto ko at binuhat ako papunta sa swimming pool at inihagis. Mga putangina.

"Tangina! ang bigat mo bestfriend!"Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang tawa ni Sathiel. Maging ang dalawang gago ay tawa rin nang tawa.

"Tangina niyo"pinag taasan ko sila ng gitnang daliri na ikinatawa nila lalo. Ang lamig puta.

"Ay may chismis akong nasagap"Biglang sabi ni Clark at lumuhod pa sa harap ko. Tinulak ko ang mukha niya dahil sobrang lapit non.

"Ano?!"Asik ko at pilit na itinutulak ang mukha niya. Mukhang nacucurious ang dalawa at inilayo kaunti si Clark sakin.

"Sabihin mo na tangina ka"Pagmumura ni Sathiel sa kanya. Si Gabriel ay mahina na lang na natawa.

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now