chapter nineteen

43 8 0
                                    

Matalim ang tingin ko sa daan at hindi pinapansin ang demonyong nag-ddrive ng kotse. Halikan ba naman ako para tumahimik!-tagumpay naman. Tignan niyo ako ngayon, behave. Good girl.

"What are you thinking, Samonte?"Pang-eepal ng demonyo na ikinairap ko.

"chismoso ka rin no?"Sarkastiko kong sabi at saglit siyang nilingon bago umirap. Kung nakakayaman lang ang pag irap, milyonaryo nako.

"Ready to hear my explanation?"Pag-iiba niya ng usapan. Ready naba ako? kahit narinig ko na kay Sathiel? pero siguro... ito na rin yung time. Halos apat na taon na rin ang lumipas, baka pwede na? baka hindi masakit kapag narinig ko ulit?

"Sige. May 5 minutes ka para mag-explain"Masungit kong sabi. Kita ko naman ang pag buntong hininga.

"Where do you want me to start?- Never mind. Doon na lang kung pano nag-start yung pustahan. At first i was so curious about you, especially when you mumbled something on my sister's photo. You call her, Gayle."Pagsisimula niya. Napalunok naman ako at inisip yung huling sinabi niya.


Yon yung nakita niya ako sa kwarto ng parents niya at kinalat yung maruruming damit niya sa sahig kung pwede namang iabot ng maayos sakin.


"Tapos?"Tanong ko. Gusto kong marinig, gusto ko bilisan niya mag explain. Mag rap siya kung gusto niya, magaling naman ako mag memorized makakabisado ko yun.


"Yun nga, i got curious about you so i secretly searched your surname doon sa mga suspect sa pag kidnap kay Ri-and i found your Father's name."Nagulat ako sa narinig at mabilis na nilingon siya. Sinasabi niya bang kasabwat ng Papa ko yung mga sindikatong yon?


"It's not what you thinking, Samonte. Nandun lang siya dahil nakita siya sa cctv nung gabing yon, that's all. Kaya kasama siya sa suspect. Pero as far as i know siya ang unang naabswelto, i don't know how or why pero naniwala din naman ako na inosente siya at napadaan lang based din sa cctv footage. After ng mga tanong sa kanya pinaalis na rin siya at hindi na pinabalik."Napasimangot naman ako pero hinayaan siyang magpatuloy sa kwento.


"Hindi ko lang alam kung paano napunta si Ri sa kanya. But we're still thankful, dahil sa inyo siya napunta."Saglit siyang tumingin sakin na may tipid na ngiti. Napaiwas naman ako ng tingin.


"Ano pa?"tanong ko na parang inuudyok pa siyang mag kwento.


"I started following you, sinubukan ko rin kaibiganin ka kaso masyadong matabil ang dila mo. Ang ingay, nakakainis."Natatawa niyang sabi na ikinakunot ko ng noo at kaagad siyang hinampas na ikinatawa niya lalo.


"Hambog ka kasi!"Inis kong sabi at sumandal sa kinauupuan.


"I won't deny it."Natatawa niyang sabi.



"Remember when my friends visit me? Yung nag-laro kami ng basketball."Pag-papaalala niya. Yon din yung time na inutusan niya ako pagkatapos tinaboy. Gago.



"Doon nag-simula yung pustahan. But believe me, i thought Sathiel is only joking because he really wants my wrangler. Isang beses lang namin napag-usapan yon at hindi ko alam na seseryohin niya. After you left, i bought him a new wrangler."My eyes widened from what i heard. Gago? binilhan niya?



"Yes, pero hindi ganon kadali yon. Tinali ko muna siya bago binato sa pool yung susi ng kotse at hinayaan siyang kunin nang nakatali."Tumatawang sabi niya at parang proud na proud sa ginawa niya.



"Siraulo kaba? paano kung namatay yon? edi ang saya ko"Kaagad siyang tumawa ng malakas na ikinatawa ko rin. Syempre joke lang, tatay yon ng Anak ni Alair eh.

"Samonte.."Nakangiting nilingon ko siya pero seryoso na itong nakatingin sakin kays unti unti kong inalis ang ngiti ko.


"Bakit?"tanong ko. Napalunok ako dahil sa kaba na nararamdaman.


"I'm really sorry. Pinagsisihan ko na nasaktan kita, believe me wala akong idea nung sabihin ni Sathiel sa harap mo yung tungkol sa pustahan. Kasi akala ko, nag bibiro lang talaga siya. Sorry, mapatawad mo sana ako."Pag hingi niya ng pasensya habang may pangungusap sa mga mata.


Inayos ko muna ang sarili ko at tumingin sa daan. Kinakapa ko ang sarili ko kung may masakit paba o nasaktan bako sa sinabi ni Montero. Pero parang wala na, parang gumaan na rin ang pakiramdam ko lalo nung narinig ko yung paliwanag niya. Nawala rin ang poot at galit sa puso ko.

Magaan na.

Kinain ko lang din yung huling sinabi ko bago ako lumayo sakanila. Ang mag higanti. Baka nga galit lang talaga ako noon nung nasabi ko yon. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga bagay na yon.

"Pinapatawad na kita."Pag-basag ko sa katahimikan matapos ang ilang minutong pananahimik naming dalawa.


Nagulat ako nang ihinto niya ang kotse saktong sa tapat ng Bahay. Namiss ko to. Hindi ko alam na nakarating na pala kami rito, hindi ko napansin.


"Samonte..."Nilingon ko si Montero at ganun na lang ang gulat ko nang makitang umiiyak siya.


"Baliw ka! bakit ka umiiyak?"taranta kong tanong at tinanggal ang seatbelt. Hinawakan ko ang pisngi niya.


"Samonte, Thank you..."Sincere niyang sabi bago ako hilain at mahigpit na niyakap. Natatawang bumawi naman ako sa yakap niya.


"Halika na! baba na tayo! miss ko na yung bahay ko!"Excited kong sabi at nauna nang bumaba sa kanya. Kaso wala pala sakin ang susi. Hindi ko rin dala yung main key, duplicate lang ang na kay Montero. Alam ko dahil ako ang nag bigay sa kanya non at hindi ko binigay ang main key sa kanya. Dinala ko yon kahit pa nung mapunta ako sa puder ni Orson.


Hanggang ngayon nasa akin pa ang susi pero naiwan ko sa condo ni Orson eh.


"Ang ganda!"Tanging nasabi ko nang mabuksan ni Montero ang pinto. Nagbago ang kulay ng dingding, naging mas maaliwalas din. Pero ganun pa rin naman, kulay lang ng dingding ang naiba.


"Naks, pinaayos."Nakangisi kong sabi at nilingon siya na may ngiti sa labi.


"Welcome home, Samonte..."Nakangiti niyang sabi at lumapit para yakapin ako na ikinatawa ko.


"Nakakarami kana ha!"Asar kong sabi sa kanya at mahina hinampas ang dibdib niya.


"I miss you, kahit kasama na kita ngayon. Miss na miss pa rin kita, Samonte."Naramdam ko pa ang bahagyang pag halit nito sa tuktok ng ulo ko na ikinangiti ko.


Nakauwi na rin ako...


"I love you 3000, Keana Jade Samonte."Marahang sabi niya pa at bahagyang nilayo ako sa kanya.


Para akong nalulunod sa paraan ng pag titig niya. Mahal ko rin ba siya?-o talagang nagkaron nako ng feelings sa kanya kahit noon pa?

Napailing na lang ako sa naisip. I love y-ME! tama! mahal ko rin ang sarili ko. Hehe.


d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now