chapter twenty-three

34 8 0
                                    



"Ano to? bakit ang dilim?"Kuryusong tanong ni Alyanna nang makapasok kami sa garden. Napakagat ako sa labi at nilingon si Montero na nakangiti sakin at hinapit ako papalapit sa kanya.




"Sinong pumili ng lugar na to? bakit ang dilim ng trip niyo?"Reklamo ni Alyanna. Natawa ako sa pagiging mahinhin ng boses niya.




"hindi rin namin alam, actually si Orson pumili nito."paliwanag ko at muli kinagat ang labi. Hindi ko alam, pero ako ang kinakabahan.




Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Orson di kalayuan na tumatakbo. Nasa may gilid siya at nasa harap at diretso ang tingin ni Alyanna kaya hindi niya napansin.




"Puta–"tinakpan kaagad ni Montero ang bibig ko. Gago men! nadapa si Orson!





Gusto kong humagalpak sa tawa pero kaagad ko pinigilan at baka masira ang plano niya.




"Sigurado ba kayong dito? wala naman akong nakikitang lamesa–"sabay sabay kaming napahinto maging si Alyanna ay napahinto sa pagsasalita nang biglang lumiwanag.




Nagulat ako nang marahan akong hilain ni Montero palayo papunta sa gilid. Nanlaki ang mata ni Alyanna nang makitang lumalayo kami.




"Hey! where are you going?!"Sigaw ni Alyanna at mukhang kabado pa.



"Pagkatiwalaan mo na lang si Orson!"sigaw ko pabalik. Hindi siya natinag at sinubukan kaming sundan pero agad napukaw ang atensyon niya nang umiwalay ang bawat letra na nakasulat. Naglalakihan ang mga iyon kaya naman kitang kita at kaagaw agaw ng pansin.




Nandun si Orson sa gitna ng nakapalibot na letra. Ang haba! ano ba yon?



Can i be your husband?





Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa at ganoon na lang kabilis pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Grabe...




"Orson ano to?"Nanginginig ang boses ni Alyanna nang itanong niya yon.





"Go Mommy! Say yes!"Napayakap ako kay Montero at natawa sa narinig. Panigurado akong si Theodore yon.





"Theo..."Tuluyan nang umiyak si Alyanna nang makita ang anak sa pwesto namin. Hindi ko alam bat naririnig namin sila, bala may mic don. Taray talaga ni Orson.




"Babe.."Panimula ni Orson na lalong ikinaiyak ni Alyanna. Luh? wala pa nga. Pero babe tawagan nila? jejemon talaga to si Orson.




"With the help of God's grace, we have found love again.."Pagsasalita ni Orson. Lalo akong naiyak habang si Montero ay natatawa sa tabi ko at marahan lang hinahagod ang likod ko. Siraulo talaga.




"since we parted ways, my hope and love for you.. never faltered. Along with our child, Theodore.. Buddy."Nilingon nila si Theodore na masayang pumapalakpak na ikinatawa ko. Napaka cute.




"..we have been reunited not just as lovers but as a Family. Love is trustworthy, enduring... and hopeful, according to the book of Proverbs. The example of Song of Solomon 8:7.."Mas lalo akong naiyak sa narinig.




Halos puro iyakan at masasayang kwentuhan ang namumuo rito sa pwesto namin dahil nandito lahat ng pamilya at kaibigan ng dalawa.




"Someday, i will kneel down in front of you.. asking you to marry me, Samonte."Sabi ng kayakap ko na ikinatigil ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya, nag tama ang paningin namin pareho. Puno ng sinseridad at pagmamahal ang paraan ng pag tingin niya sakin.




"I love you, Samonte.."Sabi niya at Marahang hinalikan ang noo ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Wala ng 3000? 3k?



"I love you 3000, Montero..."Halos mawalan ako ng lakas at mapakapit sa kanya nang masabi ko ang mga katagang iyon. Halatang natigilan siya at mas lalong humigpit ang pag hapit niya sakin palapit sa kanya.




"I love you, more than 3000.."Pumungay ang mata niya kasabay ng pagkislap nito tanda na iiyak na siya. Napangiti naman ako.




Bumaba ang tingin ko sa labi niya at sa isang iglap ay naglapat ang labi naming dalawa kasabay nang pag putok ng fireworks. Saglit lang ang halik naming iyon dahil agad kong ibinalik ang tingin sa dalawa.




Lumawak ang ngiti ko nang makitang buhat buhat ni Orson si Alyanna at inikot pa ito bago ibaba. Patakbong lumapit si Theodore sakanila na ikinangiti ko lalo. Buo na ulit sila...



"Montero, sobrang saya ng puso ko ngayon..."Sumbong ko kay Montero at tinignan siya. Malawak ang ngiti niya habang nakatitig sakin.




"Sobrang saya ko rin, Samonte..."Makahulugan niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin at hinampas siya sa dibdib na ikinatawa niya.



Sabay sabay kaming nagpalakpakan habang palapit ang pamilya sa pwesto namin. Agad napunta ang tingin sakin ni Orson na may nang aasar na ngiti sa labi na ikinataas ko ng kilay.




"Dito pa kayo naghalikan.."Bungad niya na ikinalaki ng mata ko at kaagad nilamutak ang mukha niya palayo. Umiwas lang naman siya at tumatawang lumapit sakin bago ako nayakap. Natawa na lamang din ako at gumanti ng yakap.




"Sobrang saya ko para sayo.. siraulo"Natatawang sabi ko. Pagkahiwalay niya sa yakap namin ay kaagad niyang ginulo ang buhok ko. Papansin talaga.




"Ako rin... Salamat sa lahat."Nakangisi niyang sabi bago nakipag fistbump kay Montero.





"Congrats."Tipid na sabi ni Montero sa kanya na ikinatango lang ni Orson at nagpasalamat bago pumunta sa Pamilya niya.




"Samonte..."Tawag sakin ni Montero. Nakangiting nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang pabiro siyang lumuhod sa harap ko.




"Gago!"Mura ko sa kanya at inirapan siya. Agad naman siyang humalakhak at lumapit sakin para yakapin ako. Napaka siraulo.




"Uwi na tayo?"Marahang tanong niya. Agad nawala ang inis sa sistema ko at tumango sa kanya.




"Mag tetext na lang ako kay Orson"Sabi ko bago humiwalay sa yakap.




"Hindi ka sasama sakanila?"Tanong niya. Agad akong umiling, maiintindihan naman ni Orson tska may sarili kaming venue para sa mga kaibigan niya. Eh wala naman akong close sakanila so uuwi na lang muna ako.











Tinext ko si Orson habang paalis kami sa lugar na iyon. Hawak hawak ni Montero ang kamay ko habang papunta kami sa sasakyan niya.



Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan to at natawa sa reply ni Orson.


To Orson Jejemon:

uW1 n4 kmi nG b4bYc@k3s k0h..😝😁

From Orson Jejemon:

GeH 1nGaT bFf kOh❤️🧡💛💚🩵💙💜🤎🖤🩶🤍🩷


"Why are you laughing?"Nakakunot noong tanong ni Montero nang lingunin ko siya. Sumakay muna kami ng kotse bago ko ipakita sa kanya ang palitan namin ng message ni Orson. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"What the hell... Saang planeta ba kayo galing at ganyan kayo mag type?"Tanong ni Montero na ikinahalakhak ko. Hindi ko siya sinagot na ikinailing na lang niya at nagsimulang paandarin ang kotse.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now