chapter eight

55 13 2
                                    

Memories: KJ, Alair and Haru's friendship








"Tigilan moko Montero, sasapakin kita."Banta ko. Kanina pa niya ako inaasar dahil natigilan ako nung nag kiss kami. Siraulo.

"I love you 3000, Samonte. Come here."Natatawa niyang sabi at bahagyang lumapit sakin. Inirapan ko lamang siya at hinayaan na humawak sa bewang ko.

"Nga pala, anong balak mo?"tanong niya sakin. Nasa tapat na kami ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako pagkatapos ay sumakay na rin siya.

"Anong balak? nananahimik ako rito pinagbibintangan moko."Napaawang ang bibig niya sa narinig at nailing.

"What i mean is– anong balak mo? sabi mo sakin kahapon may alis ka tomorrow. It's Alair's gender reveal party, Samonte."Napahawak naman ako sa baba ko at nanliliit ang matang nakatingin sa kanya.

"Oo nga no, muntik ko na makalimutan."Pumilantik pako sa harapan niya at inabot ang sling bag sa backseat. Iniwan ko to kanina.

"Invited bako?"Tanong ni Montero na ikinangisi ko. Shanghai lang gusto neto.

"Hindi, no pets allowed. Kaya maiwan ka sa bahay."Kaagad namin itong nagpapadyak sa inis at bigla na lang kaming umandar at huminto naman kaagad. Nabitawan ko ang cellphone at sling bag ko at kaagad bumagsak sa lapag.

"Nakakainis to, oa premium!"Asik na sabi ko. Natatawang lumapit naman siya saakin bago ako hinalikan sa noo. Inirapan ko lang siya kaya nagsimula na siyang mag drive.

Dinial ko lang ang number ni Alair. Habang hinihintay na sumagot siya ay kinuha ko ang nakita kong tatlong candy sa ibabaw. Fres iyon. Red, green at blue ang kulay na ikinangiti ko. Tinignan ko pa ang nakasulat sa likod nito. "I like you" at "Yolo" yun ang nakalagay. Dalawa ang i like you, yung color green at red.

"Hoy?"Napalingon ako nang may magsalita sa cellphone kaya agad ko itong kinuha. Binuksan ko pa muna ang isa pang fres bago ito isubo kay Montero. Hindi naman siya nagsalita at tinanggap lang iyon. Dapat lang.

"Delivery po ito, sex toy po ang nakalagay sa parcel ma'am."Nagpipigil ng tawa na sabi ko. Nilingon ko pa si Montero na nakangisi habang ang tingin ay nasa daan.

"Siraulo"rinig kong sabi ni Montero.

"Wala po akong inoorder na sex toy, may sarili ako rito buhay na buhay pa."Muntik ko na malunok ang candy na nasa bibig ko. Tanginang babae to.

"Tangina mo"mura ko na ikinatawa niya. Kaagad hinawakan ni Montero ang kamay ko.

"Ano nga kasi? bat ka tumawag?"tanong niya habang tumatawa. Rinig ko pa na parang kumakain ito.

"Bukas naba yung gender reveal? hindi pwedeng imove? Next month?"Suhestyon ko. Natawa pako na para bang may nabagsak.

"Tanga! manganganak nako nun. Bobo kaba?"Napahagalpak ako sa tawa. Bakit kasi kung kelan 8 months ay don siya nagpa gender reveal?

Naalala ko pa na hindi siya nagbibiro nung mga time na nagsend siya ng ultra sound niya sa gc. Nilait lait pa nila si Denise. Napailing na lang ako sa naisip.

After non ilang weeks bago kami nagkita ulit tatlo, medyo hindi pa halata ang baby bump niya non. 5 months preggy siya nung makilala namin yung boyfriend ni Haru.

Napangiti ako nang maalala rin kung pano nagsimulang naging magkakaibigan kaming tatlo.







"Hi, may nakaupo ba dito?"napatingin ako sa lalaking medyo may katangkaran. Nandito ako ngayon sa Canteen dahil lunch na. Bago lang din ako dito sa University at si Senyorita Amanda lang ang nag pasok sakin dito.

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now