chapter twelve

44 11 0
                                    


4 years...







Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido nang wala sa oras. Konti na lang talaga pepektusan ko na tong si Orson. Kainis!

"Sorry na nga! curious lang!"Sigaw niya na nagtatago sa likod ng sofa. Andito ako ngayon nakatayo at nakapameywang sa harap ng sofa habang siya ron halos ipagsiksikan na ang sarili sa likod ng sofa.

"Mayaman ka naman, maghanap ka ng makakausap mo! Wag ako!"Inis kong sigaw at nagpapadyak pabalik sa kusina upang ituloy ang niluluto. Tapos naman na, ilalagay ko na lang pala sa lalagyan. Nagluto kasi ako ng buttered shrimp, request ni Orson. Kahit hindi ako marunong nanood ako sa youtube.

Bwisit na lalaking yon, tapos sstressin ako! Itanong ba naman kung naeexpired daw ba ang lason!

"Tapos na?"halos magningning ang mga mata ni Orson nang makitang dala dala ko ang isang lalagyan na may buttered shrimp. Dalawa lang kami dito sa condo niya pero naparami ang luto ko dahil nilahat ko na ang binili niyang hipon.

Sinamaan ko lang siya ng tingin pagkatapos ay inilapag sa mesa ang ulam. May mga plato na roon na sa hula ko ay si Orson ang naglagay.

"Wag mong ubusin!"banta ko. Kahit siguro gano karami ulam namin kaya niyang ubusin eh. Katulad na lang nung nag Jollibee kami, halos kinse ang kiddie meal na binili niya. Nung una sakin nya pa binibigay yung mga laruan, pero nung maubos niya na yung mga pagkain ay binawi niya rin kaagad yon. Collection niya raw, aba matindi.

"Oo na! pangit naman siguro luto mo"Sabi nito. Muntik ko na siya batuhin ng plato sa inis.

"Joke lang! kain na nga!"Napairap ako sa sinabi niya at umupo na. Siya rin ang naglead ng prayer namin.

"And last but not the least, sana bumait na si Keana."Pinagtaasan ko ng kilay si Orson. Binuksan nito ang isa niyang mata habang ang isa ay nakapikit.

"Hephep! nagdadasal tayo! nakikita ka ni Lord!"Napairap ako at dahan dahan ibinaba ang tinidor na hawak ko habang nakatutok sa kanya. Matapos namin magdasal ay kumain na kami.

"Gising naba si Theodore?"tanong ko. Umiling lang siya biglang sagot dahil punong puno ng kanin ang bibig niya.

"Kakatulog niya lang kanina, nagising kasi naubos yung gatas niya."Tumango lang bilang pag sagot. 5 years old na si Theodore. Anak ni Orson.

Hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako, sa isang iglap siya na ang kasa-kasama ko sa loob ng tatlong taon. Naaksidente kasi ako at siya ang nakabunggo sakin, bilang pag hingi ng tawad siya sumagot sa lahat ng gastusin dahil medyo malakas din ang tama ko. Dahilan niya, nagmamadali siyang umuwi dahil mag isa lang si Theodore sa condo niya.

Syempre nung una hindi naniniwala, malay mo tumatakas lang siya sa kasalanan niya. Kaya ang ginawa niya niyaya nyako, pumayag naman ako pagkatapos ko malabas ng hospital.

Nung nakita ko si Theodore na halos wala ng boses kakaiyak, inurong ko ang balak kong kaso kay Orson. Simula non tinulungan niya rin ako, pinatuloy nyako dito sa condo niya dahil ang sabi ko wala na akong ibang mapupuntahan. Ayon! instant yaya, mommy at wife material pa bigla. 3 in 1 to men, wais!

Malaki rin naman ang utang na loob ko kay Orson, siya rin ang dahilan kung bakit ako nagkatrabaho. Ginawa nya akong secretary niya dahil may sarili pala siyang kompanya.


At tungkol nga pala sa Nanay ni Theodore, eh wala naman akong alam don. Hindi na lang ako nanghimasok pa, nagkwento naman si Orson pero hindi lahat. Ang sabi niya lang hindi pa raw ready maging Ina yung nanay ni Theodore. Gusto pa raw matupad yung mga pangarap kaya ayon pinagbigyan niya.


Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now