chapter eleven

49 11 0
                                    



Pagod akong napaupo sa tabi ng guard house. Halos may kalayuan din ang tinakbo ko bago makalabas ng gate ng village. Ito yata ang isa pang gate bukod sa main gate.

"Ma'am okay lang po ba kayo?"tanong ng guard na kakalapit lang sakin. Mapait akong napangiti sa tanong niya. Okay lang ba'ko?

"Ayos lang po.."Sagot ko. Napalingon kami nang may sasakyan na bumusina. Walang nagawa ang guard kung hindi lumapit doon upang makalabas ang kotse.

Napatingin ako sa paa ko, namumula iyon. Sinuot ko pa rin ang heels kong puti, ramdam ko kung pano nanghina ang tuhod ko nung sumubok akong tumayo.

Ilang beses ko pa sinubukan hanggang sa nakatayo ako ng tuluyan. Nakakapit ako sa kung saan pwede ako humawak sa guard house. Sinilip naman ako agad ng guard at naaawang nakatingin sakin. Nginitian ko lang siya upang ipaalam na ayos lang ako.

Naglakad ako kaunti at lumiko nang makalabas ng village. Panigurado namang may taxi rito dahil may nakikita akong ilang taxi na dumadaan kaya lang ay may mga sakay.

Nang makapara ng taxi ay kaagad akong sumakay at sinabi ang address kung san ako pupunta. Duon muna ako pansamantala hanggat hindi ko pa nasisiguro na nakaalis na si Montero sa bahay ko.





Nang makarating sa tapat ng bahay ni Mama ay nagsabi ako sa driver na hintayin ako at kukuha lang ako ng bayad.

Nasa tapat nako ng pinto nang makarinig ng ingay kaya agad akong kumatok. Ilang minuto pa ang itinagal bago bumukas ang pinto, kumunot pa ang noo ni mama pero wala na akong oras at nahihiya na rin sa driver kaya agad kong nilahad ang kamay ko.

"pwede mangutang ng 200, Ma? ibabayad ko lang sana sa taxi"Napalingon pa siya sa taxi na sinakyan ko na nasa tapat ng bahay. May kinuha siyang dalawang daan sa dibdib niya at iniabot sakin. Nakangiwing inabot ko sa driver ang bayad at nagpasalamat.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya at hinagod pa ako nito ng tingin bago ako bigyang daan na para bang pinapapasok niya ako sa bahay. Kaagad naman akong pumasok at inilibot ang tingin. Walang nagbago, ganoon pa rin.

"Dito po muna ako pansamantala.."Napakagat ako sa labi at nilingon si Mama na nakakunot ang noong nakatingin sakin pero kaagad nagkibit balikat.

"ikaw bahala, sa makalawa pa naman ang uwi ng asawa ko."Napabuntong hininga na lang ako sa narinig. Asawa niya. Mapait akong napangiti.

"Siguro nalaman mo na yung plano ng boyfriend mo no?"Kunot noo kong nilingon si Mama na may hawak na yosi at inipit sa bibig. Sinisindihan niya. Si Montero ba yung tinutukoy niya?

"May alam ka ron, Ma?"Tanong ko at tinitigan siya. Anong alam niya?

"Bakit moko tinitignan ng ganyan? kailangan ko lang ng pera kaya pumayag ako magbigay ng impormasyon kay Gayle. Tska di ka naman niloko talaga non, gusto lang mapalapit sa nawawalang kapatid niya kaya ginamit ka."Paliwanag niya. Bumuga pa ng usok na ikinainis ko. Sa harap ko pa talaga nag yosi, sana nilunok niya na pati usok.

"Ma, ginamit nya ko. Pinagpustahan din nila ako ng mga kaibigan niya."Madiin kong sabi at ipinapaintindi sa kanya ang maling ginawa ni Montero.

"Oh tapos? sinaktan kaba?"lumapit ito sakin at marahas akong pinatalikod at pinaharap na para bang may tinitignan sakin.

"Hindi naman eh, ang arte mo. Di ka na nga lugi ron eh, mayaman yon kayang kaya ka bilhin."Inirapan pako nito na ikinaawang ng labi ko. Unbelievable.

"Ma pano mo nalaman lahat ng yan tungkol sa nangyari sakin?"Ikinuyom ko ang kamao ko at hinihintay na sumagot siya. Humipak pa siya sandali sa yosi bago ito itapon sa lapag at tapakan.

"Pumunta siya rito dati, tinatanong niya kung anak ba kita. Sabi ko oo, ayon tinanong nyako kung Anak ko rin ba si Gayle. Syempre sabi ko hindi, bigla na lang sumulpot dito yung batang yon dala dala ng papa mo."Mas lalong sumiklab ang galit sa puso ko. Hinawi niya pa ako nag simulang ligpitin ang pagkain at bote ng alak na nakakalat sa lamesa. Meron pa ngang mga yosing upos na.

"Sabi niya bibigyan niya ako ng pera kung tutulungan ko siya. Pera na yon eh, pumayag ako. Tska simple lang naman kasi pinagawa niya, pinahanap niya sakin yung lampin ni Gayle yung unang suot niya nung dumating siya rito. Nang hingi rin siya ng permiso kung pwede raw ba siya tumira sa bahay mo, edi pumayag ako basta babayaran niya ako. Nangako rin naman siyang wala siyang gagawing masama sayo."Mahabang kwento ni Mama. Napapikit ako at pagdilat ko sunod sunod na nagtuluan ang luha ko.

"Umiiyak kaba? bakit sinaktan kaba niya?"kunot noo niyang tanong habang hawak hawak ang apat na bote ng alak.

"Pumayag ka Ma?"Hindi makapaniwalang sabi ko. Nanginginig ang labi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Sunod sunod din ang pagtulo ng mga luha ko.

"Bakit hindi? wala namang nasaktan, gusto niya lang mahanap yung kapatid niya."Kibit balikat niyang sabi at dumiretso papunta sa taas. Inilapag niya lang sa gilid ang bote ng alak.

"Ma sinaktan nyako! niloko nyako! pinagpustahan nila ako!"Sigaw ko habang nakasunod sa kanya. Pumasok siya ng kwarto nila dati ni Papa kaya sumunod ako.

"Sinaktan kaba physically? hindi naman. Keana Jade, wag kang masyadong mag inarte diyan. Parang hindi mo naman napakinabangan yung lalaking yon. Kung wala siya baka nga katulong ka pa rin ngayon."Kumunot ang noo ko at marahas na pinalis ang mga luha ko. May hawak hawak siya na hamper na puro damit na marurumi.

"Anong ibig mong sabihin Ma? ako mismo ang umalis kasi kaya ko na at may sarili na akong pera."Nanggigigil kong sabi na ikinangisi niya.

"Ano kaba? Yung boyfriend mo yung nagpapasahod sayo at nagpaaral matapos niya malaman yung kay Gayle. Hulaan ko, singkwenta mil nakukuha mong pera?"Nakangisi niyang sabi. Tama siya, nagugulat din ako pero ang sabi normal daw yon sa mga Montero, galante sila. Pero ang alam ko ang mag asawa ang nagpapasahod sakin.

"Oh, natahimik ka no? Ganon kalaki binigay niya sakin. Wag kang tanga diyan."Tumatawang sabi ni Mama at nilagpasan ako. Pano niya naaatim na sabihin sakin yon na parang wala lang? pano niya nagagawang tumawa?

"M-may alam kaba tungkol sa pustahan, Ma?"kahit nanginginig ang labi ay nagawa kong magsalita pa ulit. Natatawang nilingon nyako.

"Tanga ka talaga! syempre wala na akong alam don boba. Baka naman katuwaan lang nila, ikaw naman masyado mong dinadamdam."Irap niya bago lumabas ng kwarto. Tuluyan na akong napaluhod at napahagulgol. All this time.. niloloko lang ako ni Montero?

Napailing ako at dahan dahan na tumayo. Marahas kong pinalis ang luha ko at pinagpagan ang sarili. Hindi ako pinalaki ni Papa para lang magmukhang kawawa ng ganito. Hindi ako papayag na napaglaruan lang ako. Babalik ako, babalikan kita Montero. Ipaparamdam ko sayo lahat ng pinaramdam mo sakin. Unti unti kitang uubusin.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now