chapter eighteen

42 8 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas nang matapos ang birthday ni Theodore. Sayang talaga wala ako nung speech ng mga magulang niya. Corny pa naman yon si Orson.



Malungkot akong nakatitig sa kawalan. Umalis yung pamilya at nag-bonding, ngayon lang sila magbobonding dahil nagkabalikan na si Alyanna at Orson kaya hindi nako sumama. Nakakahiya naman, baka ako pa mapagkamalang katulong ng Anak niya.



Napaisip naman ako nang maalala yung sinabi ni Sathiel sakin nung party. Miss na kaya nila ako? Ninang din kaya ako ng Anak ni Alair? Galit ba sila sakin?



Napahiga ako sa sofa at ang tingin ay nasa kisame.



"Maganda akooo.... dahil ako ay butikiiii.... sa iyong.. kisame!"Pag kanta ko na parang walang buhay. Nakakaburyong naman dito.



Nagpasya akong maligo at may pupuntahan. Idadate ko na lang ang sarili ko.








Matapos maligo at mag-bihis ay nag-text lang ako kay Orson na umalis ako ng condo at may pupuntahan lang. Hindi ko naman siya jowa para sabihin pa kung san ako pupunta. Duh. Edi napatay ako ni Alyanna.


Nang makababa sa lobby at muli kong kinuha ang cellphone at naghanap hanap ng sa social media na pwedeng kainan. Yung hindi nakakaumay.


Sa huli ay nag pasya na lang ako na maghanap ng pagkain sa food court pag dating ko sa mall. Pumara ako ng taxi hanggang sa makasakay ay iniisip ko ang biglang cravings ko.


Moshi Manju.

Nag-crave ako bigla ron, parang gusto kong dumiretso agad sa food court ng mall at huwag nang mag-gala. Ganon din magugutom din naman ako after gumala.


Nang makarating ng mall ay napalinga linga pa ako habang nag hihintay makapsok ng entrance. May pila kasi, chinecheck yung mga bag.


"Thank you po."Pasalamat ng guard matapos halungkatin ang bag ko. Mabuti na lang at sling bag lang ang dala ko.


Matagal tagal na rin pala nung huli akong pumasok sa opisina ni Orson. May savings naman kasi ako magmula nung mag-trabaho ako sa kanya. Kaya almost 2 weeks no work, won't hurt.


Gumaan ang pakiramdam ko nang maramdaman ang lamig ng Mall. May aircon din naman sa condo ni Orson pero iba pa rin talaga pag nandito sa loob ng Mall, hindi malungkot kahit mag-isa ka.


Mag-shoshopping na lang siguro ako. Bored din ako at hindi naman ako ganon kagutom pa.


Pumasok ako sa isang brand at nag tingin tingin ng mga damit. Mostly ang tinitignan ko ay mga top, skirt, at trouser or pants. Mas prefer ko yun. Tska pala gusto ko ng bagong terno ng damit at pajama dahil hindi pwedeng nakashort at pagala gala lang ako sa loob ng condo ni Orson.



Hindi naman talaga maganda tignan na ako pa ang nakatira ron kaysa kay Alyanna kahit pa sabihin kong mag-kaibigan lang kami. Unang kita nga sakin ni Alyanna halos hagudin na ako ng tingin dahil sa suot ko. Palibhasa ay naka-nighty dress pa ang gaga.



Napatingin ako sa puting top. Ang ganda, may nakasulat na New york. Yon ang print sa damit, ang ganda rin ng font na ginamit.



Tinignan ko pa ang isang sleeveless top. Iba't ibang kulay ito, padded na rin na ikinatawa ko. As a girly na hindi mahilig mag suot ng bra, mas bet ko ang padded na damit talaga.



Akmang kukuhanin ko yon nang kamay ang mahawakan ko. Agad kong binitawan yon bago umusog kaunti palayo.



"Sorry po"Pag hingi ko ng sorry at akmang aalis na nang tawagin niya ang pangalan ko.



"Kj"Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa itinawag niya saakin. Dalawang tao lang ang tumatawag sakin ng Kj at boses ng babae iyon.



"L-lai"Nauutal kong sabi nang makaharap sa kanya. Maging siya ay nagulat at hindi inaasahan na makikita niya ako rito. Hindi ako gumalaw at hinintay ang susundo niyang sasabihin.



"Kj!"Umiiyak na lumapit siya sakin. Nagulat ako nang yakapin niya ako at halos masakal na ako sa paraan ng pag yakap niya.


"Alair..."Tanging nasabi ko bago dahan dahang bumawi ng yakap. Namiss ko siya. Namimiss ko sila...


"Kasama ko si Haru, puntahan natin siya?"Tanong niya habang sumisinghot nang makahiwalay sa yakap. Nabalisa naman ako sa tanong niya.


"Hindi ba siya galit sakin?"Alanganin kong tanong. Sa ilang taong hindi ko pagpapakita baka masampal na lang ako non bigla kapag sumulpot ako sa harapan niya.


"Hindi gaga! miss kana nga non eh!"Hinila ako nito palabas ng Store at ganun na lamang ang gulat ko nang hindi lang si Haru ang nandon. Nandon ang demonyo!



"Ah.. L-lai ano kasi.. mauna nako"Pilit kong inaalis ang hawak niya pero hindisiya nagpatinag at sumigaw pa.



"Nathaniel! Kasama ko na si Keana!"Sigaw niya na ikinalingon nila maging ang ibang taong dumaraan. Nakaramdam naman ako ng hiya, gusto kong pinagtitinginan ang ganda ko pero wag naman sana sa ganitong paraan.



Kita ko ang sabay sabay na pag kunot ng noo nila pero si Sathiel ay nakangising nakatingin sakin at pumalakpak pa. Aba gago.



"Hi"Maikling sabi ko dala ng kaba. Lamunin na sana ako ng lupa dahil ang talim ng tingin sakin ni Haru.



"Bakit kapa bumalik?"Nagulat ako sa tanong nito at parang naumid ang dila ko. Shet, eto na nga ba sinasabi ko. Bitch mode: on si ate mo girl.



"Di ah, hinila lang niya ako."Turo ko kay Alair. Way na rin yon para bawasan ang tensyon sa aming dalawa. Nasaktan ako pero ayos lang, kasalanan ko naman.



"Sana di kana bumalik."Muling sabi niya na ikinairap ko pero iniwasan ko lang talaga ang tingin niya dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko.


"Ang taas ng pride mo no? nakuha mo pang irapan ako ikaw na 'tong nang iwan."Talagang diniinan niya ang salitang 'nang-iwan'.


"Tapos?"Tanong ko at muling umiwas ng tingin. Pinag-titinginan na kami ng mga tao. Oo na, maganda nako.


"Hon, tama na yan. Let's go."Awat sa kanya nung lalaking katabi niya. Ito siguro yung boyfriend niya.

"Hindi, yang babaitang yan naiinis ako!"Asik na sabi ni Haru na ikinairap ko. Nye nye.

Biglang sumingit ang Demonyo at gumitna pa talaga saamin. Akala ko kung anong gagawin.


"She'll come with me."Walang pasabing hinila ako paalis ng Demonyo. Himala hindi siya nagsalita kanina?

"Wag mo na ibalik yan! ligaw mo kung gusto mo!"rinig ko pang sigaw ni Haru habang nagpupumiglas sa kapit ng Demonyo. Agad ko siyang nilingon at tinaas ang gitnang daliri ko na ikinairap niya.


"Hoy bitawan mo ngako! san moko dadalhin? kidnapper ka no? help! may kidnapper!"Sigaw ko pero kaagad nitong tinakpan ang bibig ko.


"She's my girlfriend. Gutom lang, nag-tatantrums."Sabi nito sa mga taong tumingin samin. Sinubukan ko pang magsalita at magpumiglas pero masyadong malakas ang demonyo.


"You're not a kid anymore. Iuuwi kita sa bahay natin."Madiing sabi nito at hindi pa rin inaalis ang pagkakatakip sa bibig ko.


Ang bango ng kamay niya parang masarap dilaan.


"Shit!"Bulong na sigaw ng demonyo na ikinatawa ko dahil tinanggal niya ang kamay niya nang dilaan ko ito. Buti nga.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now