chapter twenty-two

32 8 0
                                    



Ngayon ang araw ng Proposal ni Orson. Yes, last day na ng Mission ko. Hirap na hirap ako sa ilang araw na pang-didistract ko kay Alyanna, kulang na lang dalhin ko siya sa isang children's party at gawin siyang diyosa ron para lang hindi siya magyaya agad umuwi.

Pano ba naman, palaging nag-aaya umuwi, lagi raw kaming umaalis lagi na lang daw si Orson ang nagbabantay kay Theodore. Aba naman, ang dating kasalanan ko pa.

Pero ayos lang, ngayon ang masayang araw ng siraulo kong kaibigan–jokes aside. I'm really happy for Orson. Tagal niya rin hinintay to, kahit nung hindi pa umuuwi si Alyanna ng pilipinas. Matagal na niyang sinasabi na mahal na mahal niya si Alyanna tuwing lasing siya. Aakto na parang walang nangyari pag nahimasmasan.

He's miserable without Alyanna. His life was black and white, when Alyanna is not around. Kahit nandyan si Theodore, it's not enough. He's happy when Theodore is around, yes. But when Alyanna came back, hindi mapaglagyan ang tuwa at saya niya. At lahat nang yon, nasaksihan ko.

Kung paano siya naging miserable at malungkot. Kung paano niya tinatago sa Anak niya na nasa trabaho lang ang Mommy at hindi iniwan si Theodore.

I am so happy for him. At least now, alam kong masaya na siya. Alam kong hindi ko na kailangan mag-alala dahil meron nang gagawa non para sa kanya. At proud din ako sa kanya, dahil napalaki niya nang maayos si Theodore.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha yon at nanlaki ang mata ko sa message ni Montero.


From Montero:

where r u, samonte?

nakauwi na me, i want to see u :((


Ngayon pala ang uwi niya! Nakalimutan ko. Pero maaga pa naman kaya uuwi muna ako sa bahay, isasama ko na rin siya ipapaalam ko kay Orson.

"San ka pupunta? susunduin mo pa si Alyanna hoy!"Napalingon ako sa sumigaw. Si Orson. Parang tanga naman, akala mo ang layo ko sa kanya.

"Uuwi! uuwi nako sa Asawa ko! hinihintay na kami ng Anak namin!"Balik kong sigaw sa kanya na ikinangiwi niya.

"Wow? Asawa? Anak? san nanggaling yon? label nga wala kayo eh."Nang aasar na sabi niya. Ay bastos ng bibig ni kuya!

"Bastos ng bibig mo ah! gusto mo lamasin ko ng asin yan?"Parang nag hahamon ng away na sabi ko na ikinatawa niya.

"San kaba kasi pupunta? Nakauwi na si Papi Rosh?"Tanong niya. Agad naman akong tumango at tinignan ulit ang cellphone dahil tumunog na naman. May message na naman siya.


To Montero:

w8 lAngs.. mamadAl1 k nmn

Hindi ko namalayan na nakikichismis na pala ang gago at kulang na lang lumipat na ang mata niya sa screen ng cellphone ko.

"Oh! ayan na! ikaw na!"Agad kong dinikit sa pagmumukha niya ang screen ng cellphone ko. Agad naman siyang sumimangot at lumayo sakin.

"Jejemon mag type, amp."Lait niya sa typings ko. Basher!

"Oh talaga ba? sinong may pake? Mama mo?"Pambabara ko. Agad naman siyang nag make-face na ikinairap ko.

"Basta mamaya ah! Sunduin mo si Alyanna mamayang 6pm. Pag ikaw!"Pinanlakihan pako ng mata nito. Ginaya ko ang pagmamake face niya kanina na ikinatawa ko.

"Dalhin mo rin yung 'Asawa' mo kuno!"Habol niyang sabi at tunog nang aasar. Tinaas ko lang ang gitnang daliri ko.

"Oo na! babush!"Dali dali akong lumabas ng condo niya. Wala si Alyanna, nandun sa parents niya kasama si Theodore.








Nakauwi na ako ng bahay at nakaorder na rin ng pagkain namin ni Montero. Sure ako hindi pa kumakain yon.

"Montero!"Sigaw ko. Rinig ko ang kalabugan na nagmula sa kwarto niya. Bumukas ang pinto ng kwarto niya at muntik pa siyang madapa na ikinatawa ko.

"Ano ba yan! lampa!"Pang aasar ko pero kaagad lang ito dumamba ng yakap sakin.

"Ang bigat mo!"Biro ko para umalis na siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nagpapalpitate yata ako kahit hindi naman ako umiinom ng kape.


"I miss you.. san ka galing?"Marahan niyang tanong. Napanguso naman ako st humiwalay sa yakap matapos niyang halikan ang tuktok ng ulo ko.


"Sa condo ni Orson."Mabilis kong sagot. Kumunot ang noo niya at hinila ako papunta sa sofa pero siya lang ang umupo at umupo naman ako sa lamesa na maliit sa harapan niya.

"Ano namang ginawa mo ron?"Nakataas kilay niyang tanong. Mahina akong natawa dahil nasa bewang niya ang isang kamay niya.

"Nag-usap kami tungkol sa proposal niya para mamaya. Kailangan ko utuin ulit si Alyanna na sumama sakin, tas dahil don sa place kung saan mag popropose si Orson. Basta garden siya tapos sa gitna may nakasulat na 'Marry Me'."Kwento ko na ikinatango niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Sama ka sakin ah?"Nakangiti kong sabi.

"I'm not invited there, bakit ako sasama?"Nang aasar na sabi niya na ikinasimangot ko.

"Invited ka nga! sabi ni Orson kanina!"maktol ko na ikinatawa niya. Nakarinig naman kami ng katok mula sa pinto.

"Andyan na yata yung order ko!"Masayang sabi ko.








Nandito kami sa lamesa sa hapag at eto kami nagtatalo ni Montero parang tanga lang.

Nagagalit siya dahil gumastos daw ako at hindi nagsabi sa kanya. Parang yon lang!

Eto kami at nag uusap ngayon.

Ang pera ko ay pera ko. Naiintindihan mo?” He nodded like a child. Animo’y batang nakikinig sa nanay.

“And what about my money? sayo rin ‘yon, Samonte.” Laban niya at hinila ako paupo sa kandungan niya. I winced at what he said.

“Ayoko, Montero. Ayoko.”Madiin kong sabi. Kanina pa namin ‘to pinag-aawayan nang dahil lang sa ako nag-bayad ng pinadeliver kong pagkain namin dalawa.

“I worked hard for it so you can spend it. Hindi ako nag-trabaho para lang sa sarili ko.”Seryoso niyang sabi. After that, he kissed my forehead.

Hindi na lang ako nagsalita pa at kumain na. Bahala siya diyan, gutom na yung tao eh!







Pagkatapos namin kumain ay tumawag si Orson. Oo nga pala, muntik ko na makalimutan ang mission ko.

"Montero, bilisan mo!"Sigaw ko at nauna nang lumabas at hinintay siya sa kotse.

Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse at papunta na kung nasaan si Alyanna. Nag text na rin ako sa kanya susunduin namin siya ni Montero dahil sabi ko kakauwi lang ni Montero at gusto ko mag double dinner date kami.

May dulot din pala pag uwi ni Montero. Yon yung ginawa kong dahilan para pumayag si Alyanna at hindi mag-duda.

"User.."Nang aasar na sabi ni Montero na may ngisi sa labi.

"Nye nye"Tanging sagot ko na ikinatawa niya. Ilang minuto pa ay narating na namin ang kinaroroonan ni Alyanna.

"Oh? where's Orson? akala ko ba may dinner date tayo?"taka niyang tanong ng makapasok ng kotse. Agad ko naman siyang nilingon.

"Hi Kia, Rosh."Bati niya pa samin na ikinatawa ko.

"Nauna na siya. Pinasundo ka na lang niya samin."Kinabahan ako sa sinabi ko pero wala nakong maisip na sagot.

"Ah okay. Baka dinaan pa si Theo, wala kasi ako sa house ng parents ko. Galing ako kay Rhian."Kwento niya. Napalingon ako kay Montero nang marinig ang pangalan ni Gayle.

Miss ko na siya... galit kaya siya sakin?

Nga pala, sila Alair. Minsan ko lang makita, may sari sarili na rin kasing buhay.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now