chapter four

66 13 2
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang patirahin ko si Gayle rito at mukhang nagiging close naman sila ni Montero, wala namang kaso sa'kin yon. Mas mabuti na rin iyon na may nakakasundo si Gayle bukod sa'kin.

"Ate, binilhan po ako ni Kuya Rosh ng cellphone at Ipad.."Nahihiyang sabi ni Gayle. Napataas ang kilay ko dahil pagkapasok niya pa lang ng kwarto ay yon agad ang ibinungad niya sa'kin.

Gayle is incoming Grade 11, she's already 16 years old. Last last week lang siya nag birthday at hindi naman kami naghanda, kumain lang kami sa labas tatlo.

"nag-thank you ka?"tanong ko habang nag aapply ng mascara. Muli ko siyang nilingon nang mahusto sa paglalagay sa aking pilik mata.

"Opo, sabi niya kakailangan ko raw po ito sa pasukan."Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at inilapag sa lamesa ko ang gadgets na bigay ni Montero sa kanya.

"Regalo na raw po niya sa'kin"dagdag niya pa. Kumunot ang noo ko nang makitang iphone ang cellphone niya maging ang Ipad ay apple.

"swerte mo ah, naunahan mo pako mag iphone"biro ko na ikinatawa naming dalawa. Naka android lang naman kasi ako at tatlong taon na sakin ang cellphone ko na yon, nabili ko lang yon dahil sa ipon ko galing sa sweldo na nakukuha ko nung nangangatulong pako sa Mansion ng mga Montero.

"May ibibigay daw po pala si Kuya Rosh sayo pag labas mo ng kwarto Ate, sana raw po tanggapin niyo na lang at wag na raw kayo mag salita."Tumatawang sabi ni Gayle at nagpaalam na aayusin na ang ibinigay na gadgets ng kuya Rosh niya.

"Gayle ha, hindi pwedeng magbabad sa gadgets!"paalala ko sa kanya na ikinangiti niya. Hindi naman ako mahigpit sa kanya, pero hanggat maaari nililimitahan ko ang pag gamit niya ng gadgets. Mamaya ay hindi na matulog yan dahil enjoy masyado sa cellphone niya.

"opo Ate, Love you!"napangiti ako sa sagot niya at kaagad na nag i love you sa kanya bago lumabas ng kwarto.





Naabutan ko si Montero na hindi mapakali sa inuupuan niya kaya napataas ako ng kilay. Nang mapansin niya ang presensya ko ay kaagad syang nagpanggap na may ginagawa.

"Anong ibibigay mo sa'kin?"diretsong tanong ko nang makalapit sa kanya. Iniabot niya lang sakin ang isa pang iphone na ikinaawang ng bibig ko.

"Ano to?"kunot noo kong taong at hinawakan ang nasa lalagyan pa na iphone. Nakabox ito at halatang hindi niya pa binubuksan, malamang bigay nya nga sakin eh? ano kaba self.

"Cellphone malamang, hindi ba obvious?"Napakagat ako sa labi ko dahil sa sagot niya. Magaling. Kaltukan ko kaya to?


"Alam ko, tanga ka. Ang sinasabi ko bakit moko binibigyan nito? birthday ko ba? kelan pa? bakit hindi ako aware?"sunod sunod kong tanong na ikinairap niya.

"Wala, ikaw lang naman kasi naka android samin. Naaawa lang ako sayo."Muling napaawang ang bibig ko sa sagot niya. Walang pagdadalawang isip na itinuktok ko sa ulo niya ang nakabox pa na cellphone na hawak ko.

"Masira! kakabigay lang sisirain mo agad, wala kang pagmamalasakit sa gamit!"pangaral niya pa sa'kin na ikinairap ko.

"Wala kang pake"asik ko at kaagad na umupo sa tabi niya. Bahagya ko pa siyang tinulak dahil nasisiksik niya ako.

Nang mabuksan ang box ay bumungad sakin ang iphone. Color purple ang kulay nito, agad akong namangha dahil aaminin ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito.

"Naks, pwedeng pamato sa piko."Pang aasar ko kay Montero habang pinagmamasdan ang iphone na hawak ko.

"Try mo, nang malaman mo kung gano kalakas kaltok ng demonyo."Napahagalpak ako nang tawa sa seryoso niyang mukha. Hindi mabiro ang isang to.

"Joke lang, salamat dito."Nakangising sabi ko at inasar pa siya.

"Anong kapalit nito? pera? wala akong pera eh. Pwede bang kiss na lang?"Nakangisi kong sabi at muling ibinalik ang tingin sa iphone nang bumukas ito. Kaagad akong cumonnect sa wifi namin, si Montero ang nagpakabit nito. Hindi nako nagreklamo, siya naman daw ang magbabayad.

"Pwede, gusto ko tatlo"Nangunot ang noo ko at nilingon si Montero na may malaking ngiti sa labi. Tinaasan ko siya nang kilay bago dahan dahang lumapit sa kanya.

Kita ko ang pag galaw ng adams apple niya nang sunod sunod siyang lumunok. Inilapit ko pa masyado ang mukha ko at isang usog ko pa ay magdidikit na ang labi naming dalawa.

"Oh bakit? akala ko ba gusto mo ng kiss?"pang aasar ko gamit ang malanding boses at hindi inilalayo ang mukha sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang sa isang iglap ay magkalapat na ang labi namin. Ramdam ko ang pagpulupot ng braso ni Montero sa bewang ko at kaagad akong hinila papalapit sa kanya na ikinaupo ko sa kandungan niya.

Hindi ko alam ang gagawin nang dahan dahang gumalaw ang labi niya. Nakarinig kami ng kalabog kaya agad kaming napahinto at napatayo ako nang makita si Gayle na nakadapa malapit sa pinto ng kwarto.

"A-anong nangyari sayo?"kunot noo kong tanong at kaagad lumapit sa kanya kahit labis labis ang kaba sa puso ko.

"Nadapa ako Ate.."nahihiya niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin. Nakita niya kami.

"Naistorbo ko pa tuloy kayo-"kaagad ko siyang sinuway. Halos magpalamon na ako sa lupa dahil sa hiya.

"Pumasok na tayo"kaagad ko siyang hinila papasok ng kwarto nang hindi nililingon si Montero na nakaupo pa rin sa sofa.

"Ate boyfriend mo naba si Kuya-"Kaagad niyang naitikom ang bibig niya nang tignan ko siya nang masama. Halatang nagpipigil ng tawa si Gayle na ikinairap ko at padabog na kinuha ang blush on at marahas na inilagay sa mukha ko.

Nang matapos ay isinuot ko ang black heels ko na may strap. May inom kami nila Haru at Alair ngayon, biglang yaya lang dahil broken si Alair.

"Aalis ako, matulog kana mamayang 10."paalala ko na ikinatango niya. Humalik lang ako sa pisngi niya at nagpaalam na.

Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto hanggang sa makalabas. Malapit nako sa main door nang marinig ko ang pag tikhim ni Montero. Napakapit ako ng mahigpit sa door knob bago dahan dahang nilingon si Montero.

"Aalis ako, sunduin mo na lang ako mamayang 12"kaagad ako tumakbo palabas ng bahay at apuradong pumara ng taxi. Nakita ko pa si Montero na nakangising nakasandal sa hamba ng pintuan nang makasakay ako ng taxi.

Napapikit ako nang muling maalala ang nangyari kanina. Nakakahiya ka Kia! bumigay ka agad sa lalaking yon!

Anang ko sa isipan. Napasapo na lang ako sa noo at marahas na napabuntong hininga. Ngayon hindi ko alam kung paano pa makikitungo ng matino at maayos kay Montero dahil panigurado ay aasarin na ako nun araw araw.

d o l c e l a m i a b e l l a

Love's Sweet Surrender Where stories live. Discover now