Athena Del Rosario POV
"Aalis na po ako!" Sigaw ko habang nag mamadaling tumakbo palabas ng bahay.
"Ang taggal mo" naiinis na itsura ni Bella saakin.
"Ano ka pa Bella minsan lang naman mahuli si Athena, hindi tulad mo. " pang aasar naman ni Bryan sa kanya kaya napa irap nalang si Bella.
"Excuse me?" maarteng nito sabi.
"Excuse me?" Pang gagaya naman ni Bryan sa maarteng salita ni Bella.
Pinapanood ko nalang silang nag aaway at natatawa nalang ako sakanila habang kumakain pa ng pandesal na kinuha ko kanina bago lumabas ng bahay.
"Pag ito talaga naiwan tayo ng jeep ah" sabi ni Bella na sabay sabay kaming mabilis na nag lalakad para maka abot pa kami dahil ilang minuto ay aalis na yung jeep pero minsan kahit wala pa sa seven o'clock am kung puno ay aalis nalang yung jeep, okay lang na mapuno basta maabutan namin sasabit nalang kami kung sakali.
"Buti nalang nakahabol pa tayo" sabi ko sakanila habang pawis na pawis na kami.
"Wala na amoy pawis, ang baho ko na agad " habang inaamoy amoy ni Bella ang damit niya.
"Kahit naman hindi ka pawis " pang aasar ulit ni Bryan sakanya. Dahilan napatawa ako.
"Napaka gago mo ah masasapak na kita ng wala sa oras Bryan " masamang tingin nito.
"Paano ba yan kita kits nalang" paalam ko sakanila nag tanguan naman silang dalawa dahil ako lang ata ang kumuha ng Education course silang dalawa naman ay Architecture.
Nang natapos ang klase ay dumiretso ako ng canteen at hinihintay na rin sila Bella at Bryan sa bungad palang ay makikita mo na na nag babangayan ang dalawa.
"Hindi pa ba kayo tapos mag away ah, parang inaraw-araw niyo na, baka kayo na mag katuluyan niyan" mapang asar na ngiti ang binigay ko sakanila. Nag katinginan pa sila dalawa.
"Ewww"
"Yuck noo!" sabay nilang sabi. Tinawanan ko nalang silang dalawa. At bumili nalang kami ng pagkain. Nang biglang lumapit saakin si Bella.
"Pero alam mo ba Hana may bago kaming kaklase, ang gwapo niya kinikilig nga ako minsan pag tinitignan siya"halos parang nabudburan ng asin ang katawan ni bella sa sobrang kilig nito.
"Mas gwapo pa ako doon, maputi lang yon." Si bryan .
"Duh. Mas gwapo yun, tsaka malaki din ang katawan non kaysa sayo, parang sarap mag pasakal" hagikgik ni Bella.
"Oyy Bella tuminggil ka nga anlandi landi ah " sabay kurot ng tagiliran pero hindi naman yun gaanong masakit, napa irap nalang ito saakin.
"Tumaggap pa rin sila ng transferee kahit na patapos na ang semester ngayon?" Tanong ko sakanila.
" Aba malay ko, ang alam ko di na pwede ah ewan" napa kibit balikat nalang di Bella at uminom na din ng coke.
"Speaking of yung Daddy ko" nakatingin ito sa pintuan kaya sinundan ko ito ng tingin.
Isang lalaking matangkad ang pumasok sa canteen madilim din ang mata pero kitang kita ang kulay kayumanggi nitong mata. Ang katawan nito ay hindi gaanong malaki at hindi gaanong kaliit tamang tama lang.
"Pogi no?" Bulong Bella saakin. " Kaso nakakatakot lang siya" dagdag niya.
Totoo naman nakaka takot siyang lapitan o kausapin manlang para pang kahit di mo pa kausapin ay masisigawan kana agad.
Napatingin din ako sa mga babae dito ay nakatitig din sa kanya at nag bulong bulangan habang kinikilig.
" Halina nga kayo baka tayo pa ang malate sa susunod na subject natin" sabi ko sakanila dalawa inayos ko na din ang mga pinag kainan namin, habang si Bella naman ay titig na titig pa din dito.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.