Kinaumagahan maaga kaming nag paalam kanila mama at papa para umuwi dahil kailangan ko ring pumasok pa ng school.
Hindi na din kami nakapag almusal dahil na rin sa pagmamadali niyang umuwi. Atat na atat ng makauwi.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya ng mahigpit niyang hawak ang braso ko papasok ng bahay.
Matalim niya akong tinapunan ng tingin umigting ang panga nito dahil sa galit. Binitawan niya ang kamay ko ng nakapasok tuluyan na kaming nakapasok ng bahay, napahaplos ako doon.
" Could you text or call me next time " pagtitimpi niyang saad.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, hindi pa rin ba kami tapos sa away na ito.
"Na lowbat ako, hindi pa ba sapat ang paliwanag ko sa iyo kahapon?" Sambit ko.
Mariin itong napa pikit at tumingin ulit sa akin na walang pag babago ang reaksyon matalim pa ring nakatingin, saakin.
"You fucking kidnapped last time. And you didn't even reply in text." He said firmly.
Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya, tama naman siya. Wala pang isang buwan na nangyari iyon. Na parang nawala iyon sa isipan ko.
"Sorry, hindi na mauulit." I softly said.
Sa nangyari iyon ay araw araw ko nang tinitignan ang percentage ng phone ko. Kung fifty percent ay hindi ko na ginagamit. Dahil ayaw ko na iyon nanaman ang pag ayawan namin.
Inilagay ko ang phone sa bulsa, kahit na kating kati ang kamay sa pag scroll ng phone na ay kailangan kung tigilan.
Nakarating na kami sa isang Korean Store. Nang natapos ang klase dumaan muna kami rito sa isang Korean Store, minsan lang nga kami nakakapunta dito.
"Ito sa akin" kumuha ako ng dalawang ramyeon at isang nori seaweeds.
"Ito sa akin." Kumuha din si Bella ng ramyeon at isang container na kimchi,kumuha na din ako ng isa.
Si Bryan naman ay nasa likod lang ni Bella, napapairap minsan lalo napag nag tatalo sila.
" Ipatry mo iyan sa asawa mo." Kinikilig na saad ni Bella saakin.
Napatingin ako sa bitbit ko.
"Hindi naman iyon kumakain ng ganito" saad ko.
Dahil totoo, kadalasang pagkain non ay puro sosyalan kahit pa ang hinahain ni Vanessa ay napapangiwi na ito pag nakita ang pagkain. Pero kahit na ganon ay kinakain pa rin ito.
"Nga pala ano susuotin mo sa Baccalaureate?" Saad ni Bella sa akin.
Buti nalang talaga ay nakahabol ako, iniiyakan ko pa nga ang iba dahil ang iniisip ko na baka hindi ako makahabol sa deadline na sinabi nila. Pero mabuti nalang talaga.
"Formal malamang Bella." Si Bryan.
"Bella? Bella? Talaga ba Bryan?" Matalim na tingin saad ni Bella.
"Oo, Bella" pang aasar naman ng isa.
"Tumuggil nga kayo." Pag aawat ko sa kanila.
Napairap na lamang si Bella na ikinangisi ni Bryan, napailing ako sa kanilang dalawa.
Nang nakita ko na ang kotse ay nagpaalam na ako sa dalawa. Na itong si Bryan napapakamot dahil hindi pinapansin ni Bella.
"Susuyuin ko pa." Sambit ni Bryan.
"Ikaw kasi " tawa kong sabi sabay kaway sa kanila.
Mabilis kong binuksan ang backseat ng familiar ang boses nito nang nagsalita na ito.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.