"Good Morning po Ma'am" pagkababa ko palang ng hagdan nang bumati agad si Vanessa. Ngumiti ako dito bilang ganti.
"Good morning din"
Nagulat ako kanina dahil himalang hindi lock ang pinto kaya binuksan iyon, kaya ito ako ngayon. Nakaupo sa harap ni Zicu na nagbabasa ng dyaryo.
Nagbuhos ng orange juice si Vanessa sa baso, napainom ako non bago tumingin kay Zicu na di manlang sumulyap sa gawi ko.
Di naman ako pinapansin ng mokong na ito , bahala siya! ako kakain na ako kanina pa ako gutom.
Napasulyap ako sa kanya na nagsimula na ring kumain.
"So malaya na ba ako?" Panumula ko ng usapan.
"Not yet" malamig na boses ang tono niya ng hindi pa rin sumulyap saakin.
" Hanggang kailan ba kasi ang pagpa-panggap ko?"
Sa wakas ay tumingin na siya sa akin, pero nakakunot na ang noo nito.
" Don't ask me, just eat "
Napakunot na din ako sa sinabi niya. Sa huli ay sumuko din, paano mamaya bigla na namang magalit ito.
" Kailangan ko ng pumasok sa school, sana ay payagan mo ako tsaka di naman ako tatakas, Nag-aalala na din ang magulang ko saakin" mahabang paliwanag ko.
Napatingin ako sakanya kasabay non ang pagayos niya ng pag upo. Tumitig siya ng mariin para bang prino-proseso nito ang mukha ko.
" Fine, I will come with you" nagtagal ang titig ko sakanya. " to make sure you don't run away" dagdag niya.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Inis ding sinaksak ng tinidor ang hotdog, tatakas ako paano maangyayari iyon eh...binantaan mo nga ako diba.
Nang natapos kumain ay dumiretso ako ng kwarto para maligo at magbihis na din. excited akong makita ulit sila Bella at Bryan.
Napatitig ako kay Zicu na nakasandal at nakapamulsa pa ito. Lakas din ng dating ng lalaking ito matipuno ang katawan at gwapong mukha kaso pumalpak lang sa ugali. Tumingin ito saakin natantong niyang nakatigtig ako sa kanya dahilan ng pag kilay nto kaya mabilis akong umirap sakanya.
Pagdating ng school ay pinagtitinginan kaming dalawa dito halos ayaw nang lumayo ng lalaking ito saakin.
" Pumasok kana nga sa klase mo" taboy ko dito.
" I stop " in his irritated tone.
Kumunot ang noo na tumitig sakanya.
" Huh? Kaka-transfer mo lang diba?" naguguluhan kung tanong.
"So? I already have a business, why should I study?" Halos lumayo ako sakanya dahil sa biglaang nitong bulong saakin.
Napasinghap ako ganon na din ang pag irap sa kawalan dahil sa sinabi niya.
" Yabang" bulong ko dito pero tama lang na marinig niya kaya galit nanamng timingin saakin.
Naupo ako sa canteen dahil hinihintay ko sila Bryan at Bella di ako mapakali dahil sa namimiss ko na sila, pero napatingin ako dito sa katabi ko na nakataas ang kilay tuwing tumitingin ako sa kanya.
" Hana! tang*na mong gaga ka saan kang lupalup pumunta ahh!" sigaw ni Bella ng nakita na ako mabilis tumakbo sa akin sinabunutan muna ako bago niyakap.
Bilib din ako sa babaeng ito mananakit muna bago yumakap kaya napa singhap ako dahil sa ginawa nito. Mabilis ding lumayo saakin at tumingin sa katabi ko.
"Saan ka ba pumunta H-" hindi na din natuloy ni Bryan ang sasabihin ng nakita ang katabi ko.
" Pasensya na kayo, hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin sainyo " sabi ko sakanila. Kaya napa kamot nalang ako ng batok.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
Lãng mạnAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.